The Fourth Star

2119 Words
Ano ba tong nangyayari sa akin. Kanina po ako paikot ikot dito sa kama ko dahil hindi mawala sa isip ko yung ginawa kong paghalik sa pisngi ni Eugene. At dahil hindi nga ako makatulog ay nag-online na lang ako sa f*******: para tignan ang picture ni Eugene. "Thank you for completing my day!! caption niya sa bagong upload niyang larawan. Sakto pa talaga at bagong upload siya ng picture!! Kyaah! Kahit may pasa at sugat sa mukha ay hindi mo maikakailang ampogi pa rin niya!! Hindi ko pa rin lubos maisip na nahalikan ko siya kanina. Nilubos lubos ko na rin ang pagtingin sa profile niya't chineck ko rin yung mga nagcomment sa kanya, puro papuri yung mga nakikita ko. Iba talaga kapag gwapo, ang daming tigahanga. Pero mukhang dapat ko pa atang pagsisihan ang pagbabasa ng mga comments sa kanya dahil nakita ko yung profile nung babae na lagi niyang kasama. Nagcomment din ito ng dalawang heart at ang masakit pa doon ay naglagay si Eugene na heart emote doon sa comment na iyon. Tangin iyon lamang ang pinansin niya at nagcomment pa siya ng reply na heart heart din. Nakaramdam naman ako ng pagkadismaya at lungkot dahil muli, napagtanto ko na pagmamay-ari na siya ng iba, na may iba nang kumakalinga sa puso niya. Doon ay hindi ko namalayan na nakapag emote na pala ako sa picture niya ng sad expression. Napagtanto ko lamang iyon nang makareceive ako ng friend request. Tinignan ko kung sino yun at laking gulat ko na inaadd ako ni Eugene! Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko, aligaga akong nagpalingalinga kung saan na nagbabakasakaling may makukuha akong sagot sa paligid ko kung anong dapat kong gawin. Maya maya pa ay nakareceive ako ng chat mula kay Eugene na siyang lalong nagpakaba sa akin. From Eugene: Subukan mo lang na hindi iaccept yang friend request ko malilintikan ka sa akin bukas. Shocks!!! Anong gagawin ko!! Ewan ko ba kung bakit ganito ang nagiging reaksyon ko!! Iba talaga ang dating sa aking kapag si Eugene na ang pinag uusapan. Nagpapanic na ako na halos pinagpapawisan na dahil sa kaba. Hindi pa ako nakakarecover nang bigla na namang nagsend ng message sa akin si Eugene na siyang kinakatakot ko. From Eugene: Aba't talagang malakas na ang loob mo ah, seen lang talaga ang chat ko? Humanda ka sa akin bukas! Tandaan mong may kasalanan ka sa akin kanina dahil may ginawa kang kalokohan! Sisiguraduhin kong mata mo lang ang walang latay kapag nakita kita bukas kaya siguraduhin mong hindi magtatagpo ang landas natin! Magrereply na sana ako nang bigla na lang nag offline ang status ni Eugene kaya wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga na lamang. Inaccept ko na lang yung friend request niya at nag-iwan ng mensahe para sa kanya. To Eugene: Sorry sorry sorry peace tayo ah wag mo ako ibubully bukas pleaaase T^T Sana lamang ay tumalab ang pagpapacute ko sa chat na pinadala ko sa kanya kung hindi ay kailangan kong paghandaan ang consequence ng ginawa kong kalokohan kanina. --- Pakiramdam ko ay mugto pa rin ang aking mata dahil halos hindi ako nakatulog kakaisip kay Eugene. Yung tipong heaven kapag naiisip ko na nakiss ko siya tapos magiging hell kapag naiisip ko yung gagawin niya sa akin kapag nakita niya ako. Tinignan ko ang oras, alas sais pa lang ng umaga at tila ba binabagabag na ako ng maaaring mangyari mamaya sa school. Parang mayroon akong sentensya at parusa na matatanggap kapag tumapak ako sa lupang kinakatirikan ng Saint Morning Academy. Nasa ganoong pag iisip ako nang bigla akong makaramdam ng kakaibang kirot sa aking dibdib. Para ba itong pinipiga at pinigilan akong makahinga. Dahil sa taranta ay napatakbo ako papunta sa kusina dala dala ang cellphone ko. Agad akong kumuha ng tubig na siya namang nakatulong na mapawala ang sakit na nararamdaman ngunit ganun na lamang akong nagtaka nang bigla ako mapaupo sa sahig. Nanginginig ang buo kong katawan at nakakaramdam ako ng labis na panghihina at panlalamig. Bago sa akin ang pakiramdam na ito dahil hindi naman ako nakakaramdam ng ganito dati. Dahil nagpapanic na ako ay sinubukan kong tawagan ang aking kaibigan. Inuna ko si Dave, ngunit hindi ito sumasagot, ganoon din ang dalawa ko pang kaibigan na sina Mio at Jules. Natataranta na ako, unti-unti na ring nanlalabo at umiikot ang aking paningin kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Maya maya ay may biglang nagpop-up na chathead sa messenger ko. Hindi ko alam kung sino siya at hindi ko alam kung anong chat niya dahil tuluyan nang nanlabo ang mata ko. Ang tanging nagawa ko na lamang ay idial siya. It's do or die ang sitwasyon ko, sana lamang ay masagot niya ang tawag ko dahil ramdam kong ilang sandali na lamang ay tuluyan na akong mawawalan ng ulirat. Napahiga na rin ako dahil sobrang bigat na rin ang ulo ko. "Sagutin mo please." pagsusumamo ko habang unti unting tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. "Hello!?" sa wakas ay nasagot niya, hindi ko man alam kung sino at bakas sa tono nito ang pagkainis ay tinipon ko ang natitira kong lakas upang sambitin ang kailangan kong sabihin. "Tulong... tulong... tulong..." sunud sunod kong sabi na may kasamang paghingal. Pahina nang pahina hanggang tuluyan nang bumigay ang aking katawan at kinain na ng kadiliman ang aking paningin. --- Nagising na lang ako sa isang malamig na lugar na puro puti. Pader, dingding at pinto, lahat ng tignan ko sa paligid at nang napadako ang tingin ko sa tatlong tao sa gilid ko ay bigla akong nagulat. Yung itsura nila parang nakakita ng artista, mga tulo laway, mapagtripan nga sila. "N-nasaan ako?" tanong ko sa kanila kunware medyo ok na ako. "Mabuti naman ay nagising ka na!" natutuwang sambit ni Mio sa akin at hinawakan pa talaga ang kamay ko. Sakto!! Agad kong inalis yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko kaya itutuloy tuloy ko na ang plano ko. "S-sino ka? S-sino kayo? Anong ginagawa niyo sa akin?" tanong ko sa kanila. Syempre umaakting ako para talagang magulantang ang mga kaibigan ko. "Teka teka anong nangyayari kay Jiro?" nagtataka ka nang tanong ni Dave sa mga kasama niya. Syempre para makumpleto ang akting ko ay sinamahan ko na ng pagluha. Tagumpay naman ako dahil nadala ko yung mag arte ko. "Bakit wala akong maalala?" tanong ko pa. "Jules! Tawagin mo yung doktor! Hindi pwedeng mangyari ito!" natataranta nang utos nito kay Jules. Natatawa na ako pero pinipigilan ko lang, ayaw kong masira ang pag-acting ko. Ganti ko na rin ito dahil wala ni isa sa kanila ang sumagot ko sa tawag ko. Agad naman tumalima si Jules at lumabas, yung dalawa parang naiiyak na dahil sa nangyayari sa akin. Pagdating ng doktor ay pinalabas niya muna ang dalawa para makaeksamin niya ako. Tinignan ko ang tumingin sa aking doktor. Buti na lang at kilala ko ang doktor na ito. Nginitian ko ito upang ipahiwatig sa kanya na may pinaplano ako. Alam kong hindi ako matitiis nito dahil lagot siya kapag sinuway niya ako. "Ano na naman ba pinasok mo?" sumusukong tanong nito sa akin. Buti na lang talaga siya ang tumingin sa akin. "Eeeeh hindi pa ba nasabi sayo ni Jules?" tanong ko dito. Alam ko namang matalino itong si Dr Mav, at alam kong magagawan niya agad ng paraan yung gusto kong mangyari. "Lang hiya ka talaga, idinamay mo pa ako sa kalokohan mo." tanong nito sa akin. "Hanggang umayos na talaga ang pakiramdam ko. Alam mo naman siguro ang pinagdadaanan ko ngayon." sagot ko sa kanya. Sa totoo lang ay naliwanagan ako tungkol sa mga nangyayari sa akin noong panahon na wala akong malay. Napanaginipan ko lahat ng mga leksyon sa akin ng aming inang babaylan. Binigyan niya ako ng babala tungkol sa nalalapit kong kamatayan, na maaari kong maiwasan kung mapagtatagumpayan ko ang misyon na binigay niya. "Lintik naman kasi!" reklamo ko. "Ganyan talaga mahal na prinsipe, kailangan mo lang tibayan ang loob mo, tyaka sa gwapo mong yang imposibleng hindi ko mapaibig yung taong nakatadhana sayo." sabi nito sa akin. "Kaya ikaw sakyan mo na lang yung trip ko." utos ko na lang sa kanya. "Ok fine, masusunod po mahal na prinsipe." sagot nito sa akin. Pinapasok niya na yung mga kaibigan ko, nakita ko si Mio at Dave umiiyak na talaga, mukhang nakokonsensya na ako pero kailangan kong panindigan tong trip ko na ito. Pasensya sila, ito kasi unang pumasok sa isip ko noong nagising ako. Pagmumukha ba naman nila una kong makita, buti sana ay kay Eugene. "Ok guys, you need to listen." panimula ni Dr. Mav. "Jiro is currently suffering from amnesia, I think yung pagkakabagok niya yung dahilan at yung current stress at panic na nangyari sa kanya nung dinila siya dito sa ospital ang nagcause kung bakit nawala ang alaala niya. Ito lang ang maipapayo ko, huwag na huwag niyong pinilitin na makaalala siya dahil baka lalong makasama sa kalagayan niya yun, maliwanag ba?" pagpapaliwanag nito sa mga kaibigan kong walang kamuwang muwang. "Opo dok!" sabay sabay nilang sagot. "Oh sige, kayo nang bahala sa kanya niya, basta yung bilin ko, huwag niyo siyang bibiglain." bilin ni Dr Mav bago ito lumabas. Lumapit sa akin si Mio, mukhang ok naman na siya dahil tumigil ito sa pag-iyak. "Hi Jiro." pagkuha nito ng pansin ko. Nginitian ko lang ito, yung tipong parang pinapakiramdaman ko sila para maging makatotohanan ang pag arte ko. "Ako nga pala si Mio, yang maliit, yan si Dave, ayan namang mukhang bisugo, si Jules." pagpapakilala nito ngunit bago pa niya matuloy ang sasabihin ay nakatanggap na siya ng batok doon sa dalawa. "Nyeta ka! Baka pwedeng ayusin mo yung pagpapakilala sa amin." asik sa kanya ni Dave. "Aray ah, sakit nun." reklamo ni Mio na nakanguso pa. "Jiro, kami nga pala yung mga kaibigan mo." pagputol ni Jules sa kalokohan. Ito talagang bisugong to, KJ! Napangiti naman ako, at dahil nagtitrip ako, itotodo ko na. "Nakakatuwa naman, may kaibigan akong maliit at bisugo, pero ikaw Mio? Anong klaseng nilalang ka?" maangmaangan kong tanong sa kanila. Nakita ko ang reaksyon ni liit at bisugo, alam kong nagpipigil sila ng tawa dahil sa sinabi ko. Pero ako, buti na lang ay sanay na sanay ako na itago ang tunay na naramdaman ko. (Hugot pa) Nanatili lang akong sa ekspresyon ko na parang nahihiwagaan sa kanila, hindi nila pwedeng mahalata na joke joke lang lahat ng ito. "Pigilan niyo ako pigilan niyo ako! Masasaktan ko!" medyo pasigaw nitong sabi sa akin. Noong narinig ko yung work na "masasaktan" ay tila nag echo ito aking ulo at narinig ito ng paulit ulit na nagsanhi ng pagsakit ng ulo ko. "Ahhh!" daing ko nang maramdaman ang matinding pagkirot ng ulo ko. "J-jiro? A-anong nangyayari?" natatarantang tanong sa akin ni Mio. "ANG SAKIT!! ANG SAKIT NG ULO KO!!!" pagsigaw ko. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nagbibiro, talagang sobrang sakit ng ulo ko. Agad namang pumasok si Dr Mav sa kwarto ko. Alam kong narinig niya ang pagsigaw ko dahil malakas ang aming pandinig. "Anong nangyayari?" tanong nito sa mga kaibigan ko. "Bigla na lang pong sumakit ang ulo niya eh." sagot agad ni Mio sa kanya. "Lumabas muna kayo ulit." utos naman niya sa mga kaibigan ko na sinunod naman nila agad. "Ang sakit!!" naluluha kong sambit kay Dr Mav. "Sandali lang." sabi nito at kinuha ang isang gamot sa kanyang coat. Pinainom nito sa akin. Unti unti ay nawala ang pagsakit ng ulo ko ngunit naguguluhan ako kung bakit bigla na lamang nagkaganoon. "Kumplekado talaga ang kalagayan mo, akalain mo yun, kakagising mo lang narinig mo agad yung word trigger mo. Tandaan mo, iwasan mong marinig yung salitang narinig mo na nagsanhi ng pagsakit ng ulo mo. Isa yan sa kumplekasyon na mararasanan mo hangga't hindi mo nakakaniig yung nilalang nakatadhana sayo." paliwanag nito. "A-anong word trigger?" tanong ko sa kanya. "Ayun ang isang salita na kahinaan mo sa  ngayon, na kapag narinig mo, magdudulot ng matinding sakit sa ulo mo." paliwanag nito sa akin. "Ito ang gamot, ibibilin ko rin sa mga kaibigan mo ito na kapag sumakit ang ulo mo ay agad ipainom ito sayo." sabi nito sa akin na tinanguan ko na lang. "Siguro nga'y makakatulong sayo ang pagpapanggap mo na walang maalala, basta mag iingat ka, mas sensitibo ngayon ang katawan mo, isang maling galaw mo ay maaari mo nang ikamatay." dagdag pa niya. "Magpahinga ka muna, ako nang bahalang kumausap sa mga kaibigan mo." bilin nito sa akin at pumitik sa kanyang kamay na siyang nagpabigat sa aking mga mata kaya ako'y nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD