HAWAK-HAWAK na ni Amore ang titulo ng tinagong isla. Kinausap na niya ang kapitan ng barangay, tinulungan siya nitong sumangguni sa kinauukulan at sa DENR para maisakatuparan niya ang matagal nang pangarap na mabili at maangkin ang isla na iyon.
Nabili niya ito sa murang halaga kaya napakasaya niya. Hindi na siyang makapaghintay na maibalita sa tiyuhin at kay Liam na sa kanya na ang tinagong isla. Marami na siyang plano para doon kaya dream come true na ito.
Masaya siyang umuwi ng bahay. Excited siyang ibalita ang magandang nangyari sa buhay niya.
"Tiyo Gusting, may maganda akong ibabalita sa inyo. Ang saya ko talaga ngayon. Yehey, sa wakas magiging akin na talaga ang tinagong isla. My God. I can't believe this but it's true," masayang balita ni Amore. Nasa labas pa lang siya ng bahay ay nagsisigaw na siya. Hindi siya ang tipo ng masayahin pero ngayon subrang saya niya.
"Hoy Amie, anong ini-ingay mo diyan. Parang baliw ka na nagsisigaw diyan sa labas," sabat ng tiyo niya. Pilosopo naman talaga minsan ang matanda pero kahit ganun ito ay Mahal na Mahal pa rin niya ito. Ito nalang ang nag-iisa niyang kapamilya kaya itutudo na niya ang pagmamahal dito.
"Tiyo nabili ko na ang isla. Sa akin na ito finally. Di ba ang saya?" masaya niyang pahayag. Abot tenga ang mga ngiti niyang pinakawalan.
"Aba. Magaling. Congrats sa iyo Amie. Eh ano na ang balak mo para doon?"
"Sa ngayon ay wala muna, at least sa akin na ang isla wala nang may makakahuna noon."
"Aba, parang ang saya-saya mo naman Mahal, kamusta nabili mo na ba ang isla?" tanong ni Liam na bigla na lang sumolpot na galing kung saan.
Aktengan na naman 'to dahil nasa harapan sila ni Gusting. Sila na talaga ang mga best actor at best actress, pwede na talaga silang bigyan ng FAMAS award. Ang galing nilang magpanggap hanggang ngayon hindi pa rin sila nahahalata ng matanda.
"Oo Mahal, ang saya ko talaga. Parang gusto ko magpa-party dahil sa tuwa." Sagot naman ni Amore na pagkuway sinabayan nito ng paghawak sa beywang ni Liam. Nagmukha tuloy silang sweet tingnan. Tama lang sa totoong mag-asawa. The best nila talagang umakteng.
"Hey. Ayaw ug saba! Party ba kamu sa birthday ko na lang kayo magpa-party para masaya. Hays. Bakit ba ang saya ninyo na nabili na ang isla, bakit may balak na ba kayong iwan ako at bumukod na? Sana hindi niyo na lang nabili iyon," wika ni Gusting na biglang may tonong pagtatampo.
"Tiyo naman hindi naman sa ganun, wala namang ibig sabihin ang saya naming ito, di ba Mahal? Hindi tayo aalis dito sa bahay ni tiyo di ba?" wika nito habang tinititigan si Liam ng masakit para sang-ayunan ang pahayag niya.
"Opo. Totoo iyon. Dito pa rin kami titira. Binili lang iyon ni Amie para sa aming kinabukasan saka maganda ang isla at maraming likas na yaman mayroon doon. Maliit pero maganda, tama lang iyon para pasyalan. At para hindi na rin maangkin ng iba. Iyon lang po," sang-ayon ni Liam.
"Oh diba na rinig niyo na mismo sa asawa ko? Sana huwag na kayong magtampo. Smile na lang po kayo. Sige na po. Ayiee ang guwapo talaga ni tiyo Gusting oh. Ayiee parang bumabalik ka yata sa pagkabinata oh," pagbibiro ni Amore sa tiyo para kahit papaano ay sumaya na ito.
"Aba. Nambola ka pa. Tigilan mo na iyan. Sige okay na ako, hindi naman ako nagtampo ah. Ang tanda kong 'to magtatampo, sos ang pangit pakinggan," sa wakas nakatawa na rin ang matanda. Good bye worries agad ang dalawa.
"Ayan. Mas mabuti pang tayong tatlo ang kapwa masaya ngayong araw. Di ba?" Pahayag ni Amore.
"Tama, tara kain na tayo. Nagluto ako ng adubong pusit at tinolang isda. Masarap iyon. Dali na." Yaya ni Gusting, masarap ito magluto gaya ni Amore kaya nga mabili ang kanilang karenderya eh.
"Tara, ganitong-ganito talaga ang gusto ko sa inyo tiyo talagang binubusog mo kami palagi sa mga masasarap mong luto,"sang-ayon naman ni Amore.
"Aba, nambula ulit. Sige na. Arat na," wika nito saka kumuha na ng pagkain.
"Ang saya niyo talaga na magtiyo ano. Mahal, nagmana ka naman pala sa tiyuhin mo. Kaya ang swerte ko din sayo," sabat ni Liam.
"Asos, tama na nga itong bulahan. Baka saan na naman ito hahantong. Kaya mabuti pa kumain na talaga tayo," sagott ni Amore.
Pagkatapos ng dramahan at bulahan ay kumain na sila.
"Oh, heto pa... Kumain pa kayo. Sa labas lang muna ako. Ako na ang mag-aasikaso sa karenderya kung may mga bibili. Magpakabusog lang kayong dalawa. Sige, saka ang pinagkainanan alam niyo na," anang Gusting.
"Opo, Tiyo Gusting. I know it," pahabol na wika ni Amore.
"Asus. Ikaw na bata ka, huwag mo akong ma English-speaking diyan dahil marunong din kaya ako noon. Hmm," nakangising sabad ni Gusting.
Natawa si Amore sa sinabi ng Tiyo niya. "Sorry po. Sige na po. Baka saan na naman po tayo makakarating sa ating usapan. Baka mula Julo hanggang Batanes na ata iyon," wika ni Amore habang natatawa. Alam naman niyang basic English language lang ang alam ng matanda, kumbaga sa mga ilonggo ay english-kinamatis lang alam niyon.
"Sige." Tugon nito saka lumabas na. Seperado kasi sa bahay nila ang karenderya.
Napangiti naman si Liam sa mga naririnig niya. Ganito pala kasaya ang dalawa mula pa noon ng wala pa siya rito.
"Ang saya ninyong dalawa ng tiyuhin mo, alam mo hindi ka talaga mababagot kung ganitong sitwasyon palagi ang masasaksihan mo. Nainggit ako tuloy sa inyo. Isang tao na rin lang ang natitira kung pamilya pero kung ituring niya ako parang kaaway at kinasusuklaman niya ako ng husto."Bigla itong nalungkot kapagkuwan.
"Huwag mo na siyang alalahanin at ituring na kapamilya dahil para sa kanya isa kang kaaway. Andito naman kami pwede mo naman kami ituring na kapamilya. Ako at si Tiyo Gusting ang bago mo nang pamilya. Ngumiti ka na, hindi maganda sayo ang nakasimangot. Sige ka, mabilis kang tumanda niyan. Ilang taon ka nga pala?"
Natawa si Liam sa biro ni Amore.
"I'm 25 years old pero sa susunod na buwan birthday ko na so I'm turning 26 this year. Sa edad kung ito wala pa ring girlfriend. Sino kaya ang masuwerteng babae ang aangkin sakin ano?"
"Hala. Aangkin talaga? Ang weird mo naman. Di ba pwede ang magmamahal lang sayo. Makakakita ka naman ng girlfriend dahil guwapo ka. Sa bayan parang maraming magaganda pero dito sa isla parang wala eh. May mga asawa na at karamihan dito ay mga bata pa. Maaga pa kasing nagsipag-asawa dahil sa kahirapan na din."
"Bakit pa ako maghahanap kong nandiyan ka naman. Para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae ang nakita ko sa balat ng lupa. Nakapunta na ako sa iba't-ibang lugar pero iba ang ganda mo kumpara sa mga nakilala kong babae. Ikaw iyong tipo na may pagkamahinhin pero sa totoo pala ang astig mo. Gusto ko iyong ugali at pagkatao mo."
"Tse. Weeh di nga? Bakit ako? Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Ako pa binobola mo. Ako maganda? Ha ha ha. Di nga? Oo tama naman ang iba mong sinabi. Pero ang maganda, hindi totoo," I denial pa siya. Amore is very beautiful and sexy.
"Hmm. Ang ganda mo talaga kapag tumatawa ka. Parang anghel kang bumaba sa lupa."
"Aist. Tama na iyan. Maghugas na lang tayo ng pinagkainanan. Pakibigay sakin ng mga huhugasan." Tumayo na ito at lumapit sa lababo. "Ay walang tubig na panghugas Liam, pwede mo ba akong ipag-igib ng tubig? Salamat ha."
"Sige, paki-abot ng dalawang balde. I'll be there after 5 minutes."
Dali-dali namang lumabas si Liam at nag-igib. Nasa bakuran lang naman ang balon nila. Mabuti na lamang at nabiyayaan pa rin sila ng isang balon kahit malapit sila sa dagat. Masagana pa rin sa tubig.
"I'm here na. Di ba ang bilis ko Am," sabi nito saka natawa pa.
"Siyempre ang bilis mo dahil sa bakuran ka lang naman nag-igib. Siguro kung sa malayo hanggang ngayon papunta ka palang doon at baka ma- oorasan ka pa bago makakabalik. Sige na. Salamat. Tulungan mo na doon si Tiyo para naman huwag na mainip. Alam mo na baka sumakit na naman ang tuhod noon."
"Asus. Kahit malayo pa iyon bibilisan ko pa rin para sayo," masayang Sabi nito.
"Tse. Alis na. Huwag ka ngang ganyan, anong klaseng pasaring iyan ha? Eww. Nakadiri ka!"
"What? Paanong nakakadiri ako? Alam mo ba na sinasanay ko lang naman talaga na maging casual na lang sayo ang lahat. Bilang akteng dapat na wagas na para tudo na ang saya di ba?"
"Loko. Sige na. Oo na ikaw na ang da best kung umakteng. Sige sa susunod i-recommend kita sa isang TV station, tiyak na makukuha ka bilang artista. Daig mo pa kasi si Coco Martin sa galing,"natawa na rin si Amore sa sinabi niya.
"Hays. Ikaw talaga. Sige na nga. Kahit kailan talo talaga ako sayo. Sige ikaw na ang magaling. Mamaya punta tayo ulit sa isla ha. Sa "iyong" isla pala. Hays, isa na lang akong hamak na taga-hanga noon dahil ngayon ay may nagmamay-ari na nito. Pero okay lang dahil malakas naman ako sa may-ari ng isla kaya anytime pwede akong pumunta doon kapag gusto ko di ba? Di ba mahal?"
"Oo na. Sige na. Hmm. Tulungan ko na si Tiyo sa pag-aasikaso sa karenderya. Aalis na aking mahal," wika nito sabay wink'
Sana ganito lang palagi... Masaya.
Pinapaalis na niya ang lalaki dahil kanina pa talaga niya pinipigilang mamula dahil sa pinagsasabi ng lalaki. Sa bawat bigkas kasi nito at tawag sa kanya ng "Mahal" ay may kung anong pakiramdam ang gumugihit sa puso niya na hindi niya alam kung bakit at ano.