NASA Alpha Mouhiere Empire na naman si Regor. Ngayon ay palagi na siyang dumidito. Wala naman siyang gaanong tinatrabaho na personal dahil marami naman siyang tauhan.
May tawag siyang natanggap mula sa kanyang private investigator na may dumukot kay Dindo at hindi iyon isa sa mga tauhan niya. Galit na galit si Regor dahil sa kanyang nabalitaang may nakaunang kumidnap dito. Galit siya dahil ito lang nag-iisang baraha niya laban kay Amore.
Pumasok ang kanyang right hand na si Ezequil. Ito ang kanyang pinagkakatiwalaan ng husto.
"Boss, may maganda po akong balita. Nakapasok na po sa China ang mga epektos natin. Matamgumpay na nakapuslit ang ating mga kasamahan doon. Malaki na namang pera ang makikita natin," balita nito.
"Magaling. May ipapatrabaho ako sayo. Alamin mo kung sino ang mga dumukot kay Dindo Ruiz. At kung malalaman mo sabihin mo agad sakin. Malalaman talaga nila ang kanilang kalalagyan dahil binangga nila ang isang katulad ko. Ako lang ang hari ng mga hari at walang ninumang makakatalo sa akin," wika nito saka humalakhak.
"Opo Boss. Mauna na po ako,"wika nito. Nagpa-alam siya.
"Sige. Pagkalabas mo ay papasukin mo na rin dito si Scarlett kung nandiyan na siya sa labas," utos nito
"Opo."
Paglabas nito ay agad na nilapitan at pina-alam si Scarlett na pinapatawag siya ni Regor.
Kakarating lang ni Scarlett nang makita siya ni Ezequil. Ang lalaking ito ay may crush sa kanya. Madalas kasi silang tinutukso nang mga kasamahan nila. Palagi daw itong nakatitig sa kanya. Pero wala siyang paki dito dahil trabaho lang ang inaatupag niya.
"Hi Scarlett good morning, pinapatawag ka ni Regor. Dumiretso ka na doon. See you later," wika nito sabay wink. Feeling gwapo naman ito kung umasta, siguro nagpapa-cute lang ito sa kanya. Wala naman itong dating sa kanya kahit na guwapo naman ang lalaki.
"Thanks. Alright. Don't you dare to see me again. Na-a-allergy ako sa iyo, pwede ba?" sarkastikong sagot nito saka umalis na.
Pumasok agad siya sa loob ng kuwarto na itinuturing ni Regor na palasyo niya sa loob ng Alpha Mouhiere Empire. Napakalaki ng kuwarto na ito kaya tama lang na ariin nito at ituring na palasyo. Nasisiraan na rin siguro ito ng ulo kung kayat tinawag na rin niya ang kanyang sarili na king of all king.
Nakaupo ito sa kanyang upuan ng madatnan ni Scarlett. Matalim ang mga mata nito nang tingnan siya. Nakakuyom ang mga palad na pilit kinakalma ang kanyang sarili.
"Mabuti at dumating ka na Scarlett, anong kapalpakan na naman ang nagawa mo? Papaanong may nakaunang kumidnap kay Dindo? Ha?" Galit na sigaw nito sa kanya.
"Bakit? Sagutin mo ako. Huwag kang tumahimik lang. Letsimas ka Scarlett!" Sunod naman nitong bulyaw sa kanya.
"Ah. Eh... Hindi ko alam kung sino ang mga kumidnap sa kanya. Pasensiya ka na hindi ko agad nagawa ang mga ipinapagawa mo dahil nagkasakit ang ina ko at kinakailangan ko siyang ipagamot. So... sorry talaga Regor," pagsisingungaling niya.
"Letsimas! Edi sana ipina-alam mo sakin na nagkasakit ang ina mo at hindi mo magagawa ang ipinatatrabaho ko sayo. Sana ipinagawa ko iyon sa iba," sigaw nito ulit.
"Pasensiya na Boss. Naging malubha masyado ang pakiramdam ng nanay ko kaya hindi ko na naisipang magpa-alam pa. At isa pa wala naman sa hinagap ko na may ibang pwedeng gawin iyon maliban sa mga naging personal mong kaaaway maliban kay Amore, dahil una wala naman siya rito."
"Tiyakin mo lang na nagsasabi ka nang totoo Scarlett dahil tulad ng sinabi ko sayo kaya kitang ipapatay ng walang may nakakaalam. Kung si Amore na naging tuta ko sa loob ng sampung taon ay nagawa akong traidurin how much more ikaw na walong taon ka palang nagtatrabaho dito at medyo wala ka namang silbi kaya sa di oras pwede kitang despatchahin!" Pagbabanta nito sa kanya
"Hmm. Ibahin mo ako sa mga nakilala mo na. Bawat tao ay may iba't-ibang sekreto at may kakaibang ugali. Huwag mo akong itulad sa kanila dahil iba ako. Kapag sinabi ko iyon ang totoo. Ano naman ang mapapala ko kung magsinungaling ako. Ikaw lang naman ang amo ko kaya pagpasensyahan mo na ako. Hindi na mauulit"katwiran niya
Bumaba na sa kinauupan niya si Regor at nilapitan si Scarlett.
"Tiyakin mo lang. At kung binibilog mo lang ang utak ko Scarlett diyan ka ngkakamali, hindi ako nakarating sa ganitong sitwasyon at ganitong posisyon kung hindi ako mautak at tuso kaya huwag na huwag mo akong utakan."
"Bakit ba? Bakit mo pa kailangang hanapin si Amore? Nagpakalayo-layo na nga siya at siguro hindi na siya babalik pa. Dahil kilala naman natin si Amore hindi niya hinahayaang maipagpabukas ang ngayon."
"Letsimas! Huwag mo akong pangunahan sa gusto ko Scarlett. Isa ka lang hamak na alalay or what we say mamamatay tao ka lang, Hindi ba? Kaya huwag mo na akong pagsabihan kung ano ang gusto kong mangyari," galit na wika ni Regor saka hinawakan siya nito sa pisngi. Masyadong madiin at malakas ang pagkahawak nito sa kanya kaya nasasaktan siya.
"Bitiwan mo ako. Kung gayun huwag mo na rin akong utusan ng kahit anong tungkol kay Amore. Ngayong araw magre-resign na ako!" nakuha pa talaga niyang sumagot ng ganun kahit na alam niya na pwede niya itong ikamatay.
"Letsimas! Tunta!" wika nito saka sinampal si Scarlett.
"Sige mag-resign ka at bukas isa ka nang malamig na bangkay. Iyan ba ang gusto mo?" Pagbabanta nito ulit.
"Sige. Patayin mo ako hanggang gusto mo. Kung diyan ka masaya edi gawin mo. Dahil kahit saang impyerno hahanapin pa rin kita at ang kaluluwa ko'y siyang babalik at maghahasik ng lagim para makuha lang ang minimithi kung hustisya. Masyado ka nang walang kwentang tao Regor, kahit kailan hindi ka mananatili sa pwesto mo. At balang araw may tao talaga na maniningil sa kaamaan mo. Tandaan mo iyan," baling niya sa lalaking nanlilisik ang mga mata sa galit.
"Tunta!" Isang sampal ulit ang pinakawalan ni Regor. Natumba si Scarlett dahil sa lakas ng pagkasampal saka binunot nito ang kanyang baril at itinutok iyon kay Scarlett.
"Sige. Iputok mo na. Huwag mo na akong buhayin pa dahil sa oras na mabubuhay pa ako. Maniningil pa rin ako sayo. Maniningil ako para sa pagpatay mo sa mga inosenteng tao at sa ginawa mo kay Amore. Sana kunin ka na ni satanas," galit na baling ni Scarlett kay Regor.
Hindi na sumagot pa si Regor.
Sunod-sunod na putok ng baril na lang ang sunod nilang narinig. Wala na ang bangayan. Nilapitan ni Regor si Scarlett at pinulsuhan. Wala na itong pulso kaya inutusan na niyang ipatapon si Scarlett.
"Itapon niyo sa ilog ang traydor na babaing iyan. Ipakain ninyo sa buwaya nang may makain man lang ang mga buwaya para may silbi din siya," tukoy nito kay Scarlett.
"Opo sir. Pero bakit ninyo siya pinatay? Anong kasalanan niya sa inyo?" Usisa ng tauhan niya.
"Ayaw kong may nangingi-alam at tumatraydor sakin kaya kayo. Huwag ninyo akong subukan na traydurin dahil mas malala pa ang sasapitin ninyo sa sinapit ni Scarlett," pagbabanta nito sa mga tauhan niya.
Natakot naman ang ma iyon.
Para sa kanya wala na itong silbi at napundi siya sa mga sinabi nito sa kanya. At para sa kanya hindi kawalan ang kaniyang tauhan kung may isa man lang na masawi.
Labis ang galit na naramdaman ni Ezequil ng mga panahon na iyon pero wala siyang magawa. Hindi niya magawang kalabanin si Regor. Parang gusto niyang sumabog sa galit.
"Saan ninyo dadalhin ang bangkay ni Scarlett?" tanong ni Ezequil.
"Itatapon na sa ilog. Iyan ang napapala ng mga taong traydor."
"Ako na ang magtatapon sa kanya. O pwede ding ilibing ko na lang siya sa tagong lugar. Maaari ba? Huwag niyo na lang sabihin kay Boss Regor. Simpleng bagay lang naman ito. Ito ang picture ni Dindo kayo muna ang mghanap sa lalaking ito."
"Sige, mas mabuti naman. Ayaw ko kayang magtapon ng bangkay at baka multuhin ako niyan. Hindi pa ako makakatulog sa gabi. Ay nakakatakot!"
Natawa si Ezequil. "Ulol. Sige na. Masyado kayong paniwala sa mga multo di totoo iyon. Sige alis na. Ako na ang bahala dito," wika ni Ezequil.
Nang umalis na ang mga kasamahan niya ay agad niyang pinaharorot ang kanyang sasakyan. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng nakabangayan niya ng kunti kanina lang ay patay na ngayon.
Nakarating na siya sa may gubat. Dito niya naisipang ilibing ang babae para mapuntahan niya at madalaw palagi ang puntod nito.
Mula sa back compartment ng kanyang sasakyan ay inilabas niya si Scarlett. Mataman muna niya itong pinagmasdan saka nagsimula nang maghukay ng paglilibingan sa babae. Masakit ito sa kanya pero wala siyang magagawa. Hindi niya pwedeng kalabanin si Regor dahil madadamay ang mga kapatid niya.
Hindi niya namalayan na may nagmamanman pala sa ginagawa niya. May pumukol sa ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay. Kinuha nito si Scarlett saka dinala.
Naiwang walang malay si Ezequil. Nang magising siya ay labis ang pagtataka niyang wala na ang bangkay ni Scarlett.