SINUBUKAN ni Dindo na makatakas mula sa mga dumukot sa kanya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makapuslit ng nagsilabasan ang mga bantay.
Dali-dali siyang lumabas at nagmanman sa paligid. Nasa labas ang mga bantay kaya nagtago muna siya sa isang madilim na sulok.
Malaki naman ang pagkagulat niya at muntik na siyang mapasigaw ng may biglang humawak sa balikat niya. Kinabahan siya agad at alam niyang isa ito sa mga kasamahan ng mga dumukot sa kanya.
Dahan-dahan niya itong nilingon. Namumutla na siya sa kaba.
Nang humarap na siya nagtaka siya na ang babae ay nakasuot ng maskara. Natitiyak niyang isa talaga ito sa mga kasamahan ng mga dumukot sa kanya. Nakatakip ang mga mukha nito at pawang nakaitim ang mga suot kagaya nitong nasa harapan niya ngayon.
"Sino ka? Anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya rito.
"Aba. Ikaw pala Dindo Ruiz, Bakit ka nga pala nandito? Tatakas ka ano?"
"Maawa kayo sakin, wala akong kasalanan sa inyo. I'm just an ordinary doctor at alam kung wala akong kaaway," nanginginig na paliwanag niya.
"Sige, pasok muli sa kwarto na pinaglagyan nila sayo. Sumunod ka nang matiwasay kung ayaw mong iputok ko sa ulo mo ang hawak kong baril na ito," wika ng babae habang tinututukan ng baril si Dindo.
Dahil sa takot, agad siyang tumalima sa utos ng nakamaskarang babae si Dindo. Mahal niya ang kanyang buhay at inaalala pa niya ang kanyang pamilya at kasintahan. Ayaw pa niyang mamatay ng walang kalaban-laban.
Nakarating na sila sa kuwarto na pinaglagyan sa kanya. Pinaupo siya ng babae sa silya na naroroon.
Nakatayo naman sa harapan niya ang babae at nakangiti. Makikita ang mga labi nitong likas na mapupula.
"Sino ka ba? Sino ba kayo? Bakit ba kayo nagsusuot ng mga maskara at takip sa mukha ng mga kasamahan mo? Bakit?"
"Just call me Jasmin, iyan ang code name ko pero kung gusto mong makita ang mga mukha namin hindi maaari. Bawat nandidito na mga kasamahan ko ay may kani-kaniyang code name. At ang pinakapinuno namin ay si Sapphire. Sa ngayon hindi mo pa siya makikita rito. Nasa bakasyon siya ngayon. Nagsusuot kami ng maskara o takip sa mukha dahil iyan ang tanging harang sa tumatakip sa aming mga pagkatao. Oh, masaya ka na dahil nasagot ko na ang iyong mga katanungan?"
"Talaga ba?" sagot niya na may panunuyang tono. "Napakababaw na rason. Pakawalan niyo na ako dito. Naiinip na ako dito."
"Mr. Dindo Ruiz, sana huwag mo na ulit babalaking tumakas. Alam mo na sa oras na 'to hindi ka na ligtas. May mga taong naka-abang sa paligid upang ika'y dakpin. Kilala mo ba si Regor? Siya lang naman ang gustong magpadukot sayo dahil gusto niyang malaman ang alam mo tungkol sa kaibigan mong si Amore," aniya.
"Ha? Bakit? At akala mo maniniwala ako sayo, sa inyo rather. Alam mo sa ginawa ninyong ito mas mapapahamak ako. Hindi ko naman sinabi sa inyo na tulungan ninyo ako. Ah hindi pala ito tulong dahil alam kong kasabwat rin kayo ng hayop na Regor na iyon. Siguro dadalhin ninyo ako sa kanya, Di ba?" galit na baling niya sa babae.
"Hmm. Ang tigas ng ulo mo. Hindi kami kasamahan ni Regor. Tinuturing din namin siyang kaaway kaya huwag kang magbintang ng masama laban sakin o samin ng mga kasamahan ko. Hangad lang namin ang kaligtasan mo."
"Kaligtasan nga ba o kapahamakan ko? Hindi ako naniniwala sa inyo. Mamamatay man ako ngayon din! Sino ka ba sa tingin mo?" pabugsong wika nito.
"Hays. Nakakainis ka na Dindo. Sinabi na ngang hindi kami naririto para saktan o patayin ka. Tinutulungan ka lang namin. O sabihin nating inutusan kami ni Amore na dukutin ka para sa seguridad mo. Kaibigan mo siya at ang lagi niyang hangad ay ang kaligtasan mo. Masama si Regor kaya kung makukuha ka niya tiyak na pagkatapos niyang makuha ang gusto niyang malaman mula sayo ipapapatay ka rin niya."
"Talaga ba? Si Amore ang nag-utos? Eh kung ganun nasaan siya? Gusto ko siyang makita ngayon din. Nasaan na siya?"
"Wala siya rito. Hindi ko pa alam kung nasaan siya. Hindi pa niya ako kinukontak. Sayo ba wala ka ring kontak? Parang malabo naman yatang ni hindi niya nagawang tumawag o magtext man lang sayo?"
"Nagkausap kami noong nakaraang araw. Hindi niya sinabi sakin kung nasaan siya. At ang tanging sinabi niya na ligtas daw sila ng lalaking tinulungan niya. Iyon lang at nawala na ang signal niya. Siguro nasa malayong lugar siya."
"Ganun ba. Sana nga bumalik na siya. At kapag bumalik na siya. I need your help. We need to conquer the devil Regor Marcial. Kailangan naming mapabagsak ang mokong na iyon."
"Bakit ba? Bakit pa ba kailangan niyo pang maghigante? Alam niyo namang masama ang binabalak ninyo. Minsan na akong pinuwersa nina Regor, at nagkamali na ako noon kay Amore. Ako ang nagturo at nagsabi kay Regor ng tungkol sa lalaking tinulungan niya kaya ng dahil sa akin napahamak ang aking kaibigan. Ayaw ko nang mapahamak siya ulit."
"Marami ng atraso samin ni Regor at salot siya sa lipunan. Maraming mga kabataan ang naaapektuhan dahil sa paggamit ng mga bawal na gamot, pagbibinta ng laman at child trafficking. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko o sa sitwasyon ng mga maaring maapektuhan niyon, hindi ka ba kikilos o pipiliin mo na lang magsawalang kibo? At kay Amore naman siguro may personal na hidwaan ang dalawa na hindi ko alam. Kaya huwag ka nang magtanong pa ng marami dahil hindi ko na iyan sasagutin, maliwanag ba?"
"Okay. Pero hanggang kailan pa ako mananatili rito? I have my work. Paano na to? Hindi ba pwedeng maghire na lang ako ng mga body guards ko. Parang hindi itong magandang paraan para matakasan si Regor."
"Huwag ka nang kumontra. Habang hindi pa nakakabalik si Amore rito sa Maynila. Dumito ka muna. Huwag kang mag-aalala. Papadalhan ko ng sulat ang mga magulang mo para hindi sila mag-aalala ng husto. Okay na ba?"
"Pe...pero Miss. Hindi ako komportableng ganito ang sitwasyon ko. Mga babae ang lahat ng nandidito. Nakakailang naman para sa akin bilang isang lalaki..."
"Don't worry kung ano mang kasarian ang mayroon ka labas na iyan sa trabaho namin. Wala kaming paki-alam sa 'yong kasarian at ang tanging concerned lang namin ay ang kaligtasan mo. Hindi naman kami mga malisyosong tao."
"Wala naman akong sinabing ganyan ah. Ang akin lang ang silid na to, hindi maganda at kulang sa gamit. Iyon ang tinutukoy ko. Not that damn sexuality I have or what you have too."
"Don't worry. Just let me know if what do you need. Ibibigay ko iyan sayo. Just name it and I'll give it all."
"Sure. I will list all those. Including my personal belongings. Okay?"
"Okay. Iiwan muna kita. Sila na ang bahala sayo rito. Basta don't you ever tried to escape from here again. Talagang pagsisisihan mo ang gagawin mong pagtakas ulit mula rito. Understood?"
"Sure!"
Matapos ng mahabang mabangayan ay umalis na rin si Scarlett. Lumabas na siya ng kwarto at kinausap ang mga kasamahan na nagbabantay.
"Astra, bantayan ninyong mabuti si Dindo, kita niyo na ang nangyari kanina? Muntik na siyang makatakas ng hindi ninyo alam."
"Pasensya na po Jasmin, hindi na mauulit. Akala namin natutulog pa siya kaya lumabas kami. Pero hindi naman talaga siya makaklabas dito ng basta-basta. Patawad ulit."
"Okay lang, dapat sa susunod hindi na to mangyayari. Bantayan ninyo siya ng mabuti alam niyo namang pinapahanap din siya nina Regor kaya paki-usap gawin ninyong mabuti ang mga trabaho ninyo."
"Opo Jasmin, aasahan mo."
"Heto ang listahan ng mga gustong ipabili ni Dindo na mga gamit niya. Ipabili mo sa ibang kasamahan mo. Sa mga hindi mo nakasama noong dinukot ninyo si Dindo. Para makakatiyak tayong walang may nakakita sa kanila, mahirap nang may makasunod na nakakakilala sa inyo."
"Opo. Gagawin namin iyan. Patawad ulit. Hindi na talaga mangyayari iyon."
"Sige. Aalis na ako. I have my work too."
"Sige po."
Pagkatapos niyang e-briefing ng mga dapat gawin ang mga kasamahan ay umalis na siya.
Tulad ng dating gawi. Tumuloy muna siya sa isa pa niyang bahay at nagbihis. Isa itong paraan niya nang pag-disguise para hindi mabuko ng sinuman.
Pagkatapos ay umuwi na muna siya sa bahay nila.
Pagkarating niya sa bahay ay agad niyang napansin ang kanyang cellphone na naiwan sa mesa. Kinuha niya ito at binuksan. May nakita siyang text na galing sa unknown number. Binasa niya ang text at natitiyak niyang galing ito kay Amore.
Binasa niya ang laman ng text.
"Kamusta ka na Scarlett, kapag nabasa mo ang text na ito. Pakitawag ako. May mga dapat akong sasabihin sayo"
Napangiti siya at parang gusto niyang tumalon dahil sa subrang saya. Dahil natitiyak niyang maayos ang kalagayan nito.
Nireplayan niya ito. Mamaya-maya pa ay sinubukang tawagan pero hindi ito makontak. Out of coverage area kaya hininto na lang niya ang ginagawang pagtawag.
Mabuti na lang ito kahit papaano at naibsan ang kalungkutan niya.
Sa kabilang dako, hindi pa rin mawala sa isipan ni Dindo ang babaeng nakabangayan niya kanina. Gumugulo pa rin ang isip niya kung talagang maniniwala siya sa mga sinabi niyon. Ngayon lang niya ito nakita at nagsasabi pang si Amore ang nag-utos sa kanila para itago siya upang hindi siya makita ni Regor. Napakaimposible niyon para sa kanya.
Habang nakaupo pa rin sa silya na kanyang kinauupan mula kanina ay talagang napaisip siya.
"How could she? Huwag lang silang magkamali na gamitin si Amore at talaga malilintikan sila sa akin. Hindi ako papayag na saktan pa nila ulit si Amore. Sana mapatawad niya ako sa tuwing malalaman niyang ako ang dahilan ng kanyang panganib na tinatahak ngayon. I'm so sorry Amore na trap lang ako sa bitag nila kaya I'm so sorry."
Napahinto siya sa pag-uusal ng may kumatok. Nang pumasok ito ay may dala nang mga gamit na hiniling niya kanina sa babaeng nakausap niya at nakabangayan.
"Heto na po ang mga gamit ninyo," wika ng babae.
"Salamat. Pwede bang magtanong?"
"Ano iyon? Dali at lalabas na agad ako!"
"Sino ba ang babaeng nakamaskara kanina?" tinanong niya ito para makompermana totoo ang sinabi ng babae.
"Si Jasmine, siya ang right hand ni Sapphire. Iyon lang ba? At aalis na ako. Huwag ka nang magtanong. At paki-usap huwag ka nang tumakas ulit dahil kami ang malilintikan kay Jasmine sa tuwing mawawala ka rito at mahuhuli nina Regor. Maliwanag ba?"
Wala na siyang magawa dahil astig kung umasta ng babae, mas astig pa ito sa kay Jasmine. May pagkamahinhin pa iyon kung kumilos. Si Astra kasi boyish kaya astig siyang kumilos at manalita.
Natameme na lang si Dindo. Hindi na niya nakuhang magtanong ulit dahil lumabas na si Astra.