PASIPOL-SIPOL si Gusting habang naglalagay ng karatula sa labas ng bahay niya, na nagkakarenderya na sila. Napa-alam na din naman niya ito sa mga kaibigan pero mas mainam na may makakita pa ng karatula, mas marami ang mahihikayat na bumili ng ulam. Sila pa lang ang naunang magkarenderya sa kanila kung magiging successful itong negosyo na sisimulan nila.
Nilinis niya rin ang mga paligid ng kubo, hindi lang naman ito maliit na kagaya sa nakikita natin. Malaki ito at kasya ang 10 tao. Nilagyan niya rin ng mga upuan sa loob. Dito na lang niya muna naisipan na papasukin ang mga kakain. Bukas gagawa na lang siguro sila ni Liam ng bago para mas marami ang mga makakakain.
"Ayos na ang lahat. Hmmm, mabebelieve talaga sa 'kin sina Amie at Yam. Siguro ni enjoy jud silang duwa sa isla. Nindot baya ang isla so siguro nag-okay na silang duwa. Maayo gani kun mao ana. Hay naku! Naunsa siguro silang duwa nga murag iro og iring man kanus-a, nya kanus-a sweet man kaayo. Hays kalagot oy!" Usal ni Gusting.
Napa-usal si Gusting dahil sa kanyang napuna kina Amore at Liam. May nahahalata na ba kaya siya? O Wala pa?
"Tao po! Gusting, aba na-a nakay karenderya dinhi? Papapalita sa ko bi. Maganda naman talaga ang may karenderya na dito, tiyak na maraming bibili. Mabuti at ipapagsasabi ko na meron na dito para dadagsa ang tao rito," anang kapitbahay nila.
"Ay. Oo, nindot gani ni. Anong ulam ang bibilhin mo?"
"Ito lang oh," sabay turo sa gusto niyang ulam.
"Paano mo pala nalaman na nagkakarenderya na kami ngayon?"
"Sos, sa asawa ko, siya nga ang nag-utos sakin na bumili daw. Siya nga pala, kanino 'tong negosyo? Sayo ba o kay Amie?"
"Ah, kay Amie 'to. Sinabihan ko kasi siyang huwag nang bumalik sa Maynila at dumito na lang dahil alam mo namang napakasalimuot ng pamumuhay doon. Mas mabuti na dito sa isla kahit papaanong paraan tiyak na mabubuhay ka talaga."
"Ay, oo nga. Tama ka diyan Gusting. Ang anak kong si Lita ay gusto talaga makapunta doon, ewan ko kung ano ang kanyang nakita doon, sabi niya kasi mabilis daw ang pera doon. Naku talaga. Napagsabihan ko na eh ayaw pa rin makinig."
"Ha? Ay sos, huwag mo nang payagan. Napakadelikado doon. Dito na lang siya magtrabaho, pwede naman siyang makatulong kay Amie. Sasahuran siya ng pamangkin ko kapag nalaman niya ito. Dito na lang siya. Magandang bata pa naman iyan."
"Sige. Sasabihin ko sa kanya na dito na lang magtrabaho sa inyo."
"O siya sige. Mabuti nang may kasama rito sa bahay si Amie sa tuwing pumapalaot kami ng kanyang asawa ng sa gayun ay hindi na maiinip at pangarapin ulit na bumalik ng Maynila."
Pagkatapos ng usapan nila ay tumalikod na rin ang kanyang kapitbahay.
Marami ang mga naging customer ni Gusting ng umagang iyon. Halos hindi siya makakuha ng tiyempo na makaupo man lang dahil marami talaga ang bumibili at kumakain. Siya na ang taga-hugas ng pinggan at naging serbidor ng pagkain.
Gusto man niyang umupo pero hindi pwede. Nananakit na ang kanyang binti at likod. Bakit pa kasi niya pina-alis ang dalawa ayan tuloy siya ang nagkakandakuba sa trabaho niya? Mabuti sana kung naririto na ang dalawa.
Hindi pa siguro naisipan ng dalawa na bumalik na sa bahay nila mula doon sa isla na pinuntahan nilang dalawa.
Oh heto na naman parating ang mga grupo ng mga mangingisda. Ilang minuto pa lang siyang nakaupo heto na naman siya at tatayo na naman at magsi-serve ng pagkain.
"Hay naku. Naunsa naman to silang duwa oy. Hindi na talaga naawa sakin, ako pa itong matanda ako pa ang nagtatrabaho dito. Hay. Sige na lang total ako ang nag-isip nitong negosyo at ako na Rin ang nagsimula kakayanin ko na lang ito" usal na naman niya sa sarili
"Heto na ang order ninyo. Kamusta ang huli ngayon?" tanong niya sa kapwa mangingisda.
"Maayos naman Mang Gusting, sana huwag na kayong pumalaot kasi nauubusan mo kami ng isda. Ang galing niyo po kasing manghuli. Dito na lang po kayo at magkarenderya. Masarap naman po pala kayong magluto kaya mas naging idol pa kita," pabirong sagot ng isang binatilyo na sumasama sa kanyang ama na nangingisda.
"Aba. Buliro ang tunto. Ako, magaling mangisda? Hindi na nga eh. Dati "oo" pero ngayon mahina na ang tuhod ko. Napapagod na nga ako na nandito lang ako nagsi-serve ng pagkain."
"Aba. Kayo pa ba? Malakas pa kayo sa kalabaw kaya ayos lang iyon," sagot uli ng binatilyo.
"Sana nga darating na ang pamangkin ko at ang asawa niya para makapagpahinga din naman ako kahit saglit. Nakakapagod din pala itong negosyo na ito. Magluluto ka, magseserve at maghubugas ng mga plato. Mas mahirap pa sa pangingisda"
"Bakit po nasaan sila Amie?" tanong ng isa pa.
"Andoon sa tinagong isla. Alam niyo namang paborito niya iyong puntahan!"
"Ah. ganun ba? Oh. Andiyan na sila oh. Kakarating lang nila sa daungan. Makakapagpahinga ka na Mang Gusting. Hala ang guwapo naman pala talaga ng asawa ni Amie. Totoo iyong usap-usapan," pahayag ng binatilyo.
"Ay salamat naman. Oo, nga guwapo. Parang anak mayaman pero magaling din siyang mangisda noong sinamahan niya ako. Siya na ang partner ko ngayon sa pangingisda." Buong puso nitong pagmamalaki.
"Ang suwerte ninyo Mang Gusting, guwapo na masipag pa. Ang galing naman," paghanga nito.
"Oo nga." Tipid niyang sagot. Hinintay niya ang dalawa.
Nakarating na sila sa bahay nila.
"Magandang araw po sa inyo," bati ni Amore sa mga taong kumakain.
"Magandang araw din sa iyo Amie," sagot nila.
"Magandang araw din sa inyo," bati din ni Liam.
"Magandang araw sayo pogi," sagot ng mga ito.
Nagkatawanan naman sila dahil doon.
Pagka-alis ng mga nagsipagkain ay pinapasok muna sila ni Gusting sa loob at pinapalit ng mga damit. Naligo sila at pumalit sa pagsi-serve ng pagkain. Nagpahinga muna si Gusting dahil subra itong napagod.
Nagluto muli ng mga pagkain si Amore dahil na ubos talaga ang pagkain na niluto ni Gusting kanina. Nasarapan talaga ang mga bumibili at naninibago sa bagong karenderya.
"Mahal, maghahanap muna ako ng signal ng cellphone ko. Tatawagan ko lang ang kaibigan kong si Dindo, saglit lang naman ito. Ikaw muna ang bahala rito ha." Paalam nito at dali-dali na umalis.
"Sige."
Kinuha din ni Liam ang kanyang cellphone. Wala pa itong ni isang contact. Nakalimutan na niya ang mga contacts nga mga kaibigan noon. Paano pa kaya niya makukuha ang mga pera niya eh hindi siya maka-alis dito sa isla?
Sinusubukan talaga niya na matandaan ang numero ng kaibigan niya sa States pero walang pumapasok sa utak niya.
Isinuksok na lang niya ito muli sa bulsa niya at tinungo ang mga bumibili ng pagkain.
SAMANTALANG, si Amore naman ay bago palang nakahananap ng signal. Mahirap talaga makahanap ng signal pag nasa isa kang isla. Ang sarap na talagang patayuan ng cell site para gumanda man lang ang signal.
Sa wakas nagkasignal na siya. Tinawagan niya agad si Dindo pero hindi naman ito makontak.
Naalala niya bigla si Scarlett, naalala pa niya ang numero nito kaya tinext niya ito. Ito na lang ang kanyang tanging paraan para makapagplano ng mabuting gawin kung handa na siyang bumalik at makipagtuos kay Regor.
Bumalik na siya ng bahay pagkatapos. Medyo masama naman ang tingin na ipinukol sa kanya ng lalaki. Nagtaka siya kaya nilapitan niya ito at tinanong. Gusto sana niya itong pagalitan pero ng makita niya na papalabas ng kwarto nito ang kanyang tiyo ay niyakap na lang niya ito.
Nagulat si Liam sa kanyang ginawa. Hindi nito inaasahan na gagawin ni Amore sa kanya.
"Hey, what are you doing? pabulong na tanong ni Liam sa kanya.
"Wala lang. Akteng siyempre, alangan namang nilalambing kita dahil totoo. Nakita tayo ni tiyo kaya no choice ako kaya ginagawa ko 'to," depensa niya.
"Okay. Akteng na kung akteng wala akong paki-alam. Sige ikaw naman ang mag-asikaso sa mga bumibili. Ako naman ang tatawag sa kaibigan ko." Paalam nito. "Saka mga 30 minutos na siyang nakikipag-usap sabi daw saglit lang." Bulong-bulong nito pero narinig naman ni Amore.
"Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala kasing signal kaya natagalan akong maghanap no! Ikaw kaya try mo?"
"Kunwari ka pa. Sabi mo si Lysander lang sa puso mo eh kung makapag-usap kay sino ba iyon? Ang tagal mo!"
"What? Si Dindo? Kaibigan ko lang iyon. At anong paki-alam mo sa 'kin? Mind your own business. Okay?"
"Okay. Sige ikaw na doon. Iidlip lang ako saglit. Naantok ako. Hmm. Sarap matulog sa kama lalo na at walang katabi."
"Tse. Ang ingot mo talga, aking Mahal," pabiro nitong sabi.
Lumabas na si Amore at siya naman ang umasikaso sa mga bumibili. Ang dami pa rin kasing bumibili.
"Oh, kamusta naman ang pagpunta ninyo sa isla? Bati na ba kayo?" Usisa ng tiyo niya. Gising na pala.
"Mabuti naman po. Nagka-ayos na po kaming dalawa."
"Eh, bakit kanina parang nagtatalo na naman kayo?"
"Wala po iyon, nagbibiruan lang po kaming dalawa. Ayos lang po talaga kami."
"Okay sige. Pero alam mo sa mga mag-asawa anak ang nagpapasaya. Sana magka-anak na kayo ng asawa mo. Bente-singko ka na at pwede ka nang magka-anak. Gusto kong makita ang magiging apo ko. Bigo man akong makapag-apo sa sariling anak ko pero sayo na lang ako kumakapit. Gusto ko nang masilayan ang magiging anak ninyo. Tiyak na guwapo at maganda ang mga ito."
"Ha? Tiyo naman, sa dinami-dami ng pwede ninyong hilingin bakit apo agad? Wala pa po sa plano namin ni Yam na magka-anak. Gusto ko pang i-enjoy ang sarili ko. Saka na po kapag hindi na kami busy at saka mahirap ang buhay ngayon. Mahirap na may anak ka at wala kang matinong trabaho," pagdadahilan ni Amore.
"Ah. Sige, kayo ang bahala, basta gusto kong makita ang magiging apo ko. Sana sa madaling panahon na. Excited pa naman ako"
"Tiyo, naman oh. After 5 years na siguro. Pwede na talaga iyon."
Wala na talagang maisip na dahilan si Amore kaya kung anu-ano na lang na mga alibi ang sinasabi niya sa kanyang tiyuhin. Mahihirapan talaga siya dahil baka maghihinala na talaga ito na hindi sila mag-asawa. Ano ba kasi at naghihiling na ng apo ang tiyuhin niya na malabo namang mangyari dahil sa totoo wala namang relasyon ang dalawa.
Nauubusan na talaga siya ng rason at mabuti lang na may bumili na naman kaya inasikaso ng kanyang tiyuhin. Muntik na talaga siyang ma-corner nito.
Pumasok na lang siya ng kuwarto niya para hindi na siya muli matanong ng tiyuhin at talagang uulit-ulitin na naman niyon ang kahilingang magka-apo.
"Hays. Nakakainis ka talaga tiyo Gusting. Ano ba ang pumapasok sa utak mo at apo na ang hinihingi mo? Wala kang apo na makikita. Wala!"
Nakapasok na siya sa kuwarto at nakita niya agad si Liam na natutulog. Nairita uli siya ng makita ang lalaki. Kung hindi naman dahil sa lalaking ito hindi siya nagsinungaling sa tiyuhin niya. Sana wala siya sa ganitong sitwasyon.
Pinagmasdan na naman niya muli ng maigi ang mukha ng lalaki. May napansin siya sa mukha nito kaya lumapit siya.
Malapit na malapit ang mukha niya sa mukha ng lalaki. Nagulat siya biglang bumukas ang mga mata nito at nagtama na naman ang kanilang mga mata.
"Hey, aking mahal what are you doing? Ninanakawan mo ako ng halik no? Sabi ko na nga ba, na..." naputol ang kanyang sasabihin ng sinampal siya ni Amore.
"Sorry. Nakita ko lang kasi na may lamok sa mukha mo kaya sinampal kita. Sorry aking Mahal ha," pilit na ngiti ang pinakawalan ni Amore.
"Anong lamok? Wala naman ah. Kunwari ka pa. Siguro nahuhulog ka na sakin no?"
"What?" ultimong salita ang naisagot niya at lumabas nang kuwarto dahil parang pinamulahan siya ng pisngi.
Tumungo siya sa dalampasigan at nagmuni-muni.
"Argh. Nakita niya kayang namula ang pisngi ko? Hays. Ano ba Amore, anyari sayo! Huwag kang tanga. Ikaw na ang maysabi na walang mahuhulog sa isa't-isa dahil pagpapanggap lang ang lahat!"pinagalitan niya ang kanyang sarili.