NAGING maganda ang unang pagsasama nina Amore at Liam sa isla. Nawala na ang galit ni Amore sa lalaki ng sabayan siya nito sa paglangoy at paliligo.
"Am, siya nga pala hindi ka pa ba nagugutom? Malalim na ang gabi. Siguro kailangan na nating umahon mula rito at kumain na. Mas lumalamig na ang tubig at baka mapulikat ka sa matagal na pagbababad. Halika na. Umahon na tayo," yaya ni Liam sa kanya.
"Okay. Namamanhid na nga ang mga paa ko. Sige. Magsisiga agad tayo ng apoy para mawala ang panlalamig natin," sagot nito.
Umahon sila at nagsiga. Nanguha sila ng mga tuyong kahoy sa paligid.
"Sige na. Ako na ang magsisiga. Mayroon naman akong dalang lighter kaya mabilis lang ito. Magbihis ka na muna at susunod na ako. Ang ginaw na lalo dahil sa hangin. Sige na."
"Okay. Sige. Thank you," lihim siyang napahanga dahil sa concerns nito.
Agad na tumalima ang babae at pumasok na sa kanyang tent. Nagbihis at nilabhan ang kanyang mga basang damit. Nakasuot siya ng blouse at short. Ito lang ang tanging dala niyang damit kaya wala na siyang magagawa pa kahit na lamigin siya. Nakalimutan niya kasing magdala ng jacket. Masyadong na excite.
Binalikan niya ang lalaki at ito naman ang ipinagpalit niya ng damit.
"Liam, magbihis ka na rin. Ako na ang maghahanda ng pagkain. Iihawain ko itong dinala kong karne ng baboy saka marami naman akong dalang ulam. Kaya ako na ang bahala rito. Bumalik ka na lang agad para makakain na tayo."
"Sige," sagot nito saka tumalikod na.
Napangiti si Amore ng hindi niya inaasahan. "Liam? Ano ba ang pumasok sa utak mo at nito lang ang bait mo na sa'kin at sinusunod mo na lahat ng inuutos at gusto ko?" usal niya.
Napailing na lang siya bigla. Parang baliw na naman siyang nag-iisip ng mga bagay na tungkol sa lalaki.
"Hay naku! Amore stop it. Mas mabuti pang isipin mo kung ano ang magiging plano mo para sa pagpabagsak kay Regor," kastigo niya sa sarili niya.
"Hey, may iniisip ka ba? Malayo ang tingin mo at parang litaw ang utak mo!" puna ni Liam na kanina pa pala nakatingin sa kanya. Hindi niya ito napansin dahil talaga namang lumilitaw ang isip niya. Kanina pa pala ito nakabalik sa harapan niya.
"Ah. Wala naman. Oh, heto kain na tayo," mabilis niyang sagot ng makabalik sa katinuan ang utak niya.
"Thanks. By the way, tuloy na ba ang plano mo after three months na babalik ka na sa Maynila? Papaano na ako rito?"
"Oo, itutuloy ko. Oy, anong paano ka? 'Di ba sabi ko dito ka na lang at bantayan mo si Tiyo Gusting. Wala ka namang mapapala kung sasama ka sa akin sa Maynila. Mapapahamak ka lang doon."
"At bakit naman? Si kuya Regor ba ang kinatatakutan mo? Ako hindi natatakot sa kanya. Minsan ko na siyang natalo noong kabataan namin. Pero siyempre hindi pa siya ganito ka sama kagaya ngayon. Ewan ko kung anong pumasok sa utak niya bakit niya ito ginagawa."
"Kasi sakim siya. Kung talagang mapapatunayan kong siya talaga ang pumatay sa Daddy ko tiyak na papatayin ko rin siya. Kung buhay ang inutang buhay din ang kabayaran," wika niya saka ngumiti ng napaka-sarkastiko si Amore.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Liam. Hindi siya makapaniwalang ganito lagalit at pursigudong maghigante si Amore. "What? Talagang gagawin mo iyon? Sa nakikita ko sa pagkatao mo Am, hindi mo kayang pumatay ng tao. Maamo ang pagmumukha mo at may ginituang puso ka kaya alam kung marunong ka rin magpatawad. Huwag mong ilagay sa mga kamay mo ang hustisya," paalala nito. Parang si Daddy niya rin ito kung magsalita.
Napa-ikot siya ng mga mata. "Anu ka'mu? Ako mabait? Hindi a." Natawa pa siya.
"So, pakitang tao lang ang lahat ng kabutihan mo sa'kin? Kung hindi sana noong una pa lang, hindi mo na ako tinulungan at pangalawa hindi mo sana ako isinama noong tumakas ka. Bakit hindi mo ako pinabayaan?"
Umismid siya. "Tsk! Ang drama mo. Siyempre ayoko rin namang bangungunutin ng konsensya ko dahil pinbayaan kita. Tama na ngang usapan 'to. Kain ka na lang. O, heto kainin mo. Nganga ka nga!" wika niya saka sinubuan ng inihaw na baboy ang bibig ni Liam.
"Aba, huwag mong gawin 'to palagi ha at baka masanay ako. Baka hahanap-hanapin ko 'to. Alam mo Am, gusto ko talaga ng may nag-aalaga sakin."
"Aba. Sige ka. Habang nandito pa tayo sa Sulu at nagpapanggap na mag-asawa tayo sige gagawin ko iyon pero ang kundisyon huwag kang ma-fu-fall sakin. Talo ang ma-fall. Pagpapanggap lang ito kaya be a wise man," paalala niya ulit. Sumubo ng pagkain saka pangiti- ngiti lang na tumatanaw sa mga alon na nagsisihampasan sa dalampasigan.
"Ay grabi ka! Okay. No falling in love. Oo, alam ko iyon si Lyzander lang kase ang laman ng puso at isipan mo eh."
"Yeah, exactly. I'm done eating. Ikaw ba?"
"Yeah. I'm already full."
"Okay," pagkasabi niyon ni Liam ay agad niyang kinuha ang mga pinagkainan at sakto namang nahawakan din ni Amore kaya dumapo sa kamay niya ang mainit at malambot na palad ng lalaki. Nakaramdam sila pareho ng kakaiba. Agad namang binawi ni Amore ang kanyang kamay.
"Ah...Ako na lang ang maghuhugas nito. Diyan ka na lang sa harap ng siga para hindi ka ginawin pa," wika ni Liam.
"Sige Liam."
Kahit na nasa harapan siya ng siga giniginaw pa rin si Amore pero sinisikap pa rin niyang tiisin iyon. Papabalik na rin si Liam mula sa paghuhugas nito ng kanilang pinagkakainan. Natanaw siya nito na nakaupo habang niyayakap ang sarili. Medyo malayo sila sa dalampasigan kaya maginaw ang hangin, kung nasa malapit lang ay makakaya ang ginaw dahil may halo itong warmth kahit papaano.
"Maginaw ba? Wait lang. May dala akong jacket ipapahiram ko na lang iyon sayo. Teka lang at kukunin ko," saad ni Liam.
"Huwag na. Matutulog na lang ako," pangtatanggi niya. Nahihiya rin kasi siyang manghiram ng gamit ng lalaki.
"Sure ka? Kahit na. Maginaw pa rin. Wait lang kukunin ko."
Hindi na naka-angal pa ang dalaga dahil mabilis nang umalis ang lalaki at kinuha ang jacket nito. Mabilis naman itong bumalik.
"Here," wika ni Liam sabay abot ng kanyang jacket.
"Thanks."
"Pero pagpasensiyahan mo na. Hindi ko pa nalalabhan iyang jacket ko. Iyan iyong binigay mo sa'kin noong nasa bahay mo pa ako. Pero kahit walang laba medyo mabango pa naman iyan. Tiisin mo na lang kung ayaw mo ng amoy ng pabango na ginamit ko noon hanggang ngayon na nandiyan pa rin."
"Okay lang," wika nito saka inamoy ang jacket. "Hmm. Ayos lang 'to. Very manly naman ng amoy pero cool. Thanks ulit," sinuot na niya ito. Sa wakas hindi na siya gininaw, sumaya na ang puso niya este kalamnan niya.
"You're welcome. Sige na. Pumasok ka na sa tent mo at matulog. Dito na ako sa labas. Gumawa naman ako kanina ng duyan at doon na lang ako matutulog. Sige na. Alis na."
"Hmp. Ano ba? Huwag mo nga akong itaboy ng ganyan. Oo na, sige na matutulog na ako. Sure ka na diyan ka matutulog sa duyan? I think maginaw diyan dahil na sa'kin ang jacket mo."
"Okay lang. Sige na. Pasok na."
"Okay!"
Pinaunang pinapasok ni Liam si Amore sa loob ng tent nito saka siya tumungo sa kanyang duyan. Nilagyan niya muli ng maraming kahoy ang siga para hindi agad mamamatay ang apoy.
Humiga na si Amore sa kanyang ginawang higaan pero ayaw pa rin siyang dapuan ng antok.
Iniisip na naman niya muli si Liam at ang nangyari kanina nang aksidenteng mahawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Hindi maalis sa isip niya na may kung anong kuryente ang dumaloy sa kanyang kamay ng mga sandaling iyon.
Napabalikwas na siya, napaupo at napahiga uli pero ayaw pa rin siya tantanan ng kanyang utak na isipin ang nangyari kanina. Tila pabalik-balik sa kanyang isipan na parang hindi siya papatulugin. Bumabalik din sa isipan niya noong una niya itong tinulungan.
"Nakakainis. Patulugin mo na ako. Wala akong kasalanan sa'yo Liam kaya please stay away from my mind. Nakakainis ka na. Wala akong paki-alam sayo. Argh!"parang baliw niyang kinakastisgo ang sarili.
Kung si Amore hindi pa nakakatulog si Liam ay ganun din. Sumasagi din sa isipan niya ang nangyari kanina.
Kahit ipikit niya ang kanyang mga mata, mukha pa rin ni Amore ang kanyang nakikita. Hindi niya alam ang dahilan pero parang magaan ang kanyang kalooban sa babae, noong una lang nilang pagkikita ang naging suplado siya rito. Inakala lang niyang kasabwat ito ni Regor sa pagpapatay sa kanya.
"Bakit ba? Anong meron sayo Amore bakit palagi ka na lang sumasagi sa isipan ko maging sa panaginip ko? Sino ka ba sa buhay ko?"
Napagdesisyunan ni Liam na bumagon mula sa duyan at pumunta sa may dalampasigan. Lumusong ulit siya sa tubig at lumangoy-langoy. Gusto niyang mapagod para madapuan na ng antok. Nakarating siya sa pinakamalalim na bahagi ng tubig kaya nagpasya na siyang bumalik sa mababaw na porsiyon ng dagat at baka mapulikat pa siya.
SAMANTALANG, bumangon din si Amore at naglalakad-lakad sa may dalampasigan. Subrang na-miss niya itong isla. Mahigit isang taon na rin siya na hindi nakapunta rito dahil naging busy siya sa kakabuntot kay Regor.
Na-miss din niyang magtampisaw sa tubig kaya ginawa niya ang gusto niyang gawin. Hinubad niya ang kanyang tsinelas at iniwan sa may buhanginan.
Nakangiti siya habang ginagawa niya ito. Dati may kasama siya sa pagtatampisaw. Palagi niyang kasama si Lyzander sa pagtatampisaw sa dagat kapag isasama siya ng pamilya nito na pumunta ng dagat. Sila ang palaging magkalaro at nagkakasama. Parang sila lang ang nasa sarili nilang mundo.
"Hey, Am. Bakit nandito ka? Hindi ka ba makatulog? Malapit nang mag-uumaga oh. Nararamdaman ko na. Mag-aala-una na," sigaw sa kanya ni Liam na nasa tubig.
"Ha! Oh Bakit nandito ka rin? Hindi ka rin ba makatulog?"
"Yeah. Kaya nga naligo ako ulit. Huwag ka nang maligo. Wala ka nang extra na damit. Baka lamigin ka ulit."
"I think so, hindi naman talaga ako maliligo. Tinatamad na akong magbabad sa tubig dahil ayaw ko nang umalis 'pag nakasimula na akong magbabad. Hoy, umahon ka na diyan. May dala pala akong beer inumin natin. Nakalimutan ko pala. Sana kanina pa. Di sana nakatulog na ako ng mahimbing. Apat na bote, so tig-dalawa tayo. Ano, deal?"
"Sure!"
Umahon at nagpalit ng damit si Liam. May mga natitira pa naman silang mga ulam kanina kaya ito ang kanilang ginawang pulutan. Masaya nila itong pinagsaluhan.
Enjoying the night in an island is so cute. Relaxing and exciting to be with someone who's your home, calm and treasure.
Mapapa-sana all ka na lang?