KASALUKUYANG nasa Alpha Mouhiere Empire at nakaupo sa kanyang truno si Regor, may kung anong iniisip. Nasa loob siya ng kanilang organisasyon. Siya ang tinaguriang King of All Kings ng kanilang organisasyon. Ang kanilang grupo ang itinuturing na mga batikan sa larangan ng mga ilegal na gawain, pagbibinta ng mga ipinagbawal na gamot, pagbibinta ng mga babae at pati na ang child trafficking. Iyan ay iilan lang sa mga sakop na negosyo ng kaniyang organisasyon.
Naalala niya ang araw kung saan nagawa siyang traydurin ng kanyang pinakamamahal na alaga. Walang iba kundi si Amore. Galit siya sa babae dahil nagawa nitong tulungan ang kapatid niya sa ina na si Liam. Ipinapatay niya ito dahil gusto niyang masulo ang lahat ng pamana nila mula sa mga yumaong magulang. Lumaking masama at sakim si Regor kagaya ng kanyang tunay na Ama, na isa ring drug Lord noong nabubuhay pa.
*Sige habulin niyo sila! Huwag kayong tumigil sa paghahanap sa kanilang dalawa. Dalhin ninyo ng buhay si Amore at kung maaari patayin niyo na lang si Liam, maliwanag ba?*
"G'ddamit! Bakit mo ito nagawa sakin Amore? Magbabayad ka sakin. Hahanapin kita kahit saan kapa magtago o kahit saang sulok pa iyan ng impyerno! Akala ko ikaw na ang nag-iisang tao namapagkatiwalaan ko. Nagkamali lang pala ako. Bakit?" galit na galit na wika ni Regor. Siya pa talaga ang may ganang manumbat.
Ipinagbabato lahat ni Regor ang mga bagay na kanyang makikita at mahahawakan. Galit na galit siya. Tila umaapoy ang kanyang mga mata at umuusok naman ang kanyang ilong sa galit.
"Excuse me sir, may nakita kaming gamit ni Amore. Ito ang kanyang cellphone, napulot namin sa paligid ng bahay niya. Wala naman pong ibang ebidensya mayroon dito maliban sa mga pictures niya, at walang ibang nakarehistro na mga numero na maari naming ma-traceup. Wala din pong simcard at memory card ang cellphone na ito," pahayag ng kanyang tauhan. Nakita lala nila ang naiwan nitong cellphone.
"Punyimas! Papaanong wala? Sige maghanap pa kayo ng mga taong maari ninyong tanungin. Ang doctor na kaibigan ni Amore. Baka may-alam siya. Siya na lang ang natitirang alas natin. Hanapin niyo siya at dalhin dito sa harapan ko. Maliwanag?"
"Yes sir! Babalitaan agad kita kung nahanap ko na siya. Sige mauna na po ako sir," paalam nito.
"Scarlett, gawin mo ang lahat at ipakita mo sa 'kin na tapat ka bilang alalay ko. Ayaw ko ng traidor sa panig ko. Hindi ako mangingilin na patayin ka! Huwag mong tularan si Amore!" p Paalala ba ito o pagtatangka.
"Opo."
Agad na umalis si Scarlett. Siya ang kanang kamay ni Amore noon. Tapat siya sa kanyang amo pero sino kaya ang mas papanigan niya ngayon lalo na't wanted kina Regor si Amore? Mahalaga sa kanya ang trabaho niya dahil ito lang ang tanging bumubuhay sa kanyang ina.
Pagkarating niya sa sasakyan agad niyang dinukot ang kanyang cellphone at may tinawagan.
"Hello. Oo, magtipon kayo ngayon sa hideout may importante akong sasabihin. Ipatawag ang lahat. Sige, papunta na ako."
Mabilis na pinatakbo ni Scarlett ang kanyang sasakyan. Pagkarating sa bahay niya ay agad siyang nagpalit ng damit at sumakay sa kanyang kulang itim na motor. Ito ang ginagamit niya sa tuwing may ibang lakad. Kung sa Alpha Mouhiere Empire siya patungo ay formal ang kanyang gawi at suot.
Pagkatapos ng tatlumpong minuto nakarating siya agad sa sinabi niyang hideout. Isinuot na niya ang kanyang maskara. Nandodoon na ang kanyang mga kasamahan. Hindi niya ipinaalam ang kanyang totoog pagkatao at mukha sa kanyang mga kasamahan ganun din naman ang mga ito.
>OMARE CORPS HIDEOUT<
Omare Corps ang tawag sa kanilang samahan. Ito ay samahan ng mga kababaihang sinanay upang makipaglaban at para maging isang matatag na kababaihan. Sinasanay sila sa paraang martial arts at pakipagpatayan. Sila ang mga kababaihang itataya ang mga sarili upang ipagtanggol ang mga inaapi at inaabusong babae. Girl power!
Pumasok na siya sa loob at yumuko naman ang lahat ng mga kasamahan niya bilang paggalang sa kanya. Siya ang itinuturing nilang ikalawang amo kung wala si Sapphire. Si Sapphire ang pinakapinuno. Jasmine naman ang pangalan niyang gingamit sa tuwing nandodoon siya.
"Umupo na ang lahat. Naririto ako upang ipa-alam sa inyong lahat na may bago tayong misyon. Ang misyon na ito ay ang pagbabantay kay Doc. Dindo Ruiz. Nanganganib ang buhay niya. Kung pwede niyo siyang dalhin dito ay dalhin niyo. Hindi na siya ligtas na gumala kahit saan. May i-a-asign akong bantay niya. Sampung kababaihan, alam kong magagaling kayo at dapat na huwag niyo akong biguin. At may sampo rin akong uutusan na magmanman sa kilos ni Regor Marcial. Kilala niyo naman siya hindi ba?"
"Bakit po? Ano ang kasalanan ni Dindo Ruiz sa mga gustong pumatay sa kanya? May kinalaman ba siya kay Regor Marcial?" tanong ng isa pa nilang kasamahan.
"Wala siyang kasalanan pero gusto siyang ipakuha ni Regor at may masama silang balak kay Dindo Ruiz, huwag na kayong magtanong nang kung ano pa. Basta gawin ninyo ang iniutos ko," paliwanag niya.
"Opo Jasmine, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya."
"Magaling! Dapat na gawin natin ang lahat. Wala pa si Sapphire at parang matatagalan pa siyang makabalik rito. Kaya tayo muna ang gagawa sa mga misyon niya at mga dapat gawin. Sige, umalis na kayo. Mag-ingat kayo!"
"Opo," sagot ng mga kasamahan niya.
Mabilis na tumalima ang sampung kababaihan na kanyang inutusan. Ibinigay niya ang picture at address ni Dindo. Mas mabuting mabilis nila itong mabalaan. Nasabihan na rin niya ito ng mga dapat gawin. May plan A, balaan ang lalaki. Plan B, dukutin at dalhin sa hideout.
Pumunta muna siya sa isa pang bahay. Marami siyang bahay na tinitirahan. Ito ay iilan din sa bahay na pinupuntan ni Sapphire. Nagpalit naman siya ng damit at sumakay sa isang kulay Blue na motorsiklo. Marami siyang motor dahil ibinigay ito sa kanya ni Sapphire.
"Kamusta na ang ipinapagawa ko sayo Scarlett? Ayos na ba?"
"Ha? Ah... Si-ir Regor ikaw pala. Pa- paanong nakapasok ka sa bahay ko?" Nauutal niyang tanong. Nagulat siya kung paano nakapasok ang lalaki sa bahay niya.
Humalakhak ito. "Ako pa ba? Siyempre ang kagaya ko maraming paraan. Dinadalaw lang kita rito dahil nais kung alamin kong kamusta na ang ipinapagawa ko sayo. Siguraduhin mo lang na sa akin ka kumakampi dahil sa oras na malaman kong kay Amore ka pa rin kumakampi papatayin kita. Naiintindihan mo ba ako? Bibigyan kita ng isang linggo para dalhin sa harapan ko si Dindo," wika ni Regor habang pinipisil ang mukha ni Scarlett.
"Opo. Hindi kita kayang traydurin. Maasahan mo. Dadalhin ko siya sayo."
"Dapat lang. Dahil kung hindi, alam mo na! Sige aalis na ako Scarlett," pagbabanta niya sa babae.
"Grrr ... nakakainis ka Regor! Hindi mo ako mauuto. Dati mo pa iyan sinasabi sa 'kin pero wala naman. Hindi kita papanigan kahit patayin mo pa ako. Wala ka nang ginawang mabuti puro na lang kasamaan, kailan ka pa mamatay? Wala akong paki sayo. Magdusa ka!"
Galit na galit si Scarlett. Kinuha niya ang lumang cellphone ni Amore at binuksan. Nakita niya roon ang mga larawan nilang dalawa. Maliban sa ibang larawan ay wala nang naka-save. Nandodoon lahat sa memory card pero wala pa rin namang ebidensyang makukuha doon. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa at ti-next ang lumang numero ng babae. Wala ang simcard nito kaya nagbabakasakali siyang nadala ng babae.
Napabuntong hininga siya sabay tingin sa kanyang cellphone. Napaluha siya nang dumako uli ang kanyang mata sa lumang cellphone ni Amore. Nami-miss niya ito dahil sa tanang buhay niya ito lang ang naging kaibigan niya. Ito rn ang nagbigay sa kanya ng lahat na mayroon siya ngayon.
"Sana maka-reply ka na Amore. Miss na kita kaibigan. Aasahan mong ako muna ang magiging mata at tenga mo laban kay Regor. Magbabayad siya sa mga ginawa niya sayo at sa lahat ng mga inosenteng tao na pinatay niya nang walang kalaban-laban,"usual niya. Naikuyom niya ang mga kamay.
Pinahiran niya ang kanyang mga luha at kinuha ang isa pang cellphone na ginagamit niya na pantawag sa ina niya na nasa Sulo. Doon niya iyon pinatira dahil taga-roon ang ina niya. Nakapunta lang ito sa Maynila ng maghanap ng trabaho at nang makapag-asawa.
Tinawagan niya ang kanyang ina. Nakokontento na lamang siya na maririnig ang boses ng ina. Delikado ang isinuong niyang trabaho kaya kinakailangan niyang ilayo ang ina. Ito na lang ang natitirang mahalagang tao sa buhay niya kaya pinakaiingatan niya ito ng husto.
"Hello nay, kamusta ka diyan?" agad na bungad niya
"Heto mabuti naman. Maayos ang kalagayan ko. Nakapagpacheck-up naman ako sa tuwing schedule ng check-upko. Anak, Mahal na Mahal kita. Salamat sayo anak. Napakabait mo talaga. Napakaswerte ko talaga na ikaw ang aking naging anak. Nak, kailan ka ba uuwi rito sa Sulo? Nami-miss na talaga kita, subra," sabi nito na puno ng galak sa boses nito.
"Nay naman. Sa susunod na siguro. Busy ako sa trabaho ko ngayon. Marami akong mga dapat gawin at mga tatapusin sa trabaho ko. Salamat din inay dahil ikaw ang ibinigay ng panginoon sakin bilang magulang ko. Alam mo kung buhay si Tatay magiging masaya din siguro siya. Huwag kayong mag-aalala at hahanap po talaga ako ng magandang tiyempo na makauwi diyan. Sige nay, bukas po ulit ako tatawag. Mag-ingat kayo diyan. Bye."
"Sige. Mag-ingat ka rin. Bye anak."
Kahit papaano ay gumaan ang kanyang kalooban.
Tumunog ang kanyang cellphone na ginagamit na kontak ng kanyang mga kasamahan sa Omare Corps.
"Hello? Oh ano na? Anong nangyari sa ipinapagawa ko sa inyo?"
"Napilitan po kaming gawin ang plan B dahil ayaw niyang maniwala at baka daw kakunchaba kami nina Regor. Ayan po tulog pa. Binabantayan po namin siya ng mabuti Jasmine. Huwag kang mag-aalala maayos naman ang kalagayan niya."
"Mabuti. Sige, bukas na ako pupunta diyan. Magaling at naunahan ninyo sina Regor. Sige bye."
Ibinaba na niya ang kanyang cellphone. Tumungo na siya sa kanyang silid. Pagod siya sa buong araw na trabaho. Kasalukuyan siyang nakahilata sa kanyang kama pero hindi pa siya dinadapuan ng antok. Nag-iisip na lang siya ng mabuting alibi sakaling kokomprantahin na naman siya ulit ni Regor.
"Argh! Nakakainis! Bakit pa ba kasi ako naipit sa ganito ka komplikadong bagay? Amore please bumalik ka na, I need you right now." Napasuntok na siya sa kama niya. "Grrr... Nakakainis, nakakainis... Paano ba kasi kita mapapatay agad Regor?"