Chapter 4

2206 Words
MASAYA sina Liam at Gusting habang nangingisda. Nakapagpalagayang loob agad ang dalawa. Maganda naman ang kanilang pangingisda. Marami ang kanilang nahuli kaya nagdesisyon na silang umuwi dahil magtatanghali na. "Ay Toto Liam, Alam mo ang saya ko ngayon. Ang dami nating huli. Ikaw siguro ang swerte, dati wala sa kalahati ang mahuhuli ko pero ngayon subrang dami nito. Tiyak na masaya din si Amie pag nakita niya na marami tayong huli." "Oo nga. Hindi naman po. Tumulong lang ako. Baka hindi ninyo nahatak ng mabuti ang lambat kaya marami ang mga isda na nakakawala." "Ah. Ganun na nga. Tumatanda na nga ako. Mainam dahil may katulong na ako ngayon. Salamat sa iyo." "Walang anuman po." Mabilis na nakadaong ang bangka nina Gusting. Nang matanaw sila ni Amore ay agad naman itong lumapit. May dala itong dalawang tuwalya. Ibinigay niya ang isa sa tiyuhin at ang isa ay pinunas sa mukha ng lalaki. Aba ibang pakulo na naman ni Amore. Hindi naman tumutol ang lalaki at naki-ayon nalang. "Mahal, napagod ka ba?" "Okay lang ako Mahal. Heto ohh, marami kaming nahuli tingnan mo oh!" "Wow, oo nga ang dami," pagsang-ayon niya. "Tiyo Gusting, napagod rin ba kayo? Hali na kayo at may inihanda na akong masarap na tanghalian. Tiyak na magugustuhan ninyong dalawa." "Aba, magaling iyan Amie. Mauna na kayo ng asawa mo. Ibebenta ko muna ang kalahati nito saka iuuwi ko ang kalahati para sa pagtinda mo ng pagkain bukas." "Sige po, mauna na po kami. Mag-ingat kayo tiyo." Napahawak sa braso ni Liam si Amore. Ang sweet nilang tingnan na magkasama. Pero mas mabuti sana kung totoo at hindi pakitang-tao. "Hey Am, kailangan mo ba talagang humawak sa braso ko? Di yata subra naman ito?" "Yeah. Kailangan para maniwala lahat ng makakita satin na mga taga-rito. Malay mo may ibang makahalata at paghinalaan tayo. Mabuti na 'to di ba? Huwag ka ngang kumontra, umasta ka na lang na parang totoo ang lahat. Ang ginagawa natin ay tulad sa mga pelikula di ba, tayong dalawa ang bida kaya umakteng ka nalang nang mabuti para hindi masira ang momentum ng drama," bulong nito. May makakasalubong silang mga tao. Nakatitig ito lahat sa kanilang dalawa. "Magandang tanghali po," bati ni Amore sa mga taong makakasalubong nila. "Magandang tanghali din sayo Amie, asawa mo ba ang kasama mo? Ang guwapo naman!" "Ah. Opo, asawa ko, Yam ang pangalan niya," wika ni Amore saka humawak sa baywang ng lalaki. Inakbayan naman siya ni Liam at nagmukha talaga silang sweet sa isa't-isa. "Ah. Ganun ba? Bagay talaga kayo Amie. Sige mauna na kami. Babye." "Sige po," ngumiti lang siya ng napakatamis. Hindi pa rin bumitaw sa pagkakahawak sa baywang ni Liam si Amore hanggang sa makarating sa harap ng bahay nila. Naghiwalay lang sila pagkapasok ng bahay. "Mahal, umupo ka na diyan sa silya at ipaghain kita ng makakain mo. I know gutom ka talaga. Kamusta naman ang pangingisda? Hmm. I think it's hard. Kung ako sayo bumalik ka na kung saan ka nagmula, tiyak na magaan ang trabaho mo doon. Oh heto na. Masarap iyan. Ako ang nagluto niyan kaya sana magustuhan mo." "Amie, halika muna rito," tawag ng tiyo niya. "Sandali lang po," tugon niya. "Sige. Eat well, sasamahan ko na lang mamaya si tiyo. Mauna ka na." Sa halip na kumain si Liam ay tumayo ito at sinamahan siya nito papunta sa kanyang tiyuhin. "Bakit po?" "Pumunta ka pala sa bayan? Naku, sige tulungan ninyo muna akong hugasan ang mga isda saka ilagay sa freezer. Gutom na ako, mauna na akong kumain." "Oo.Sige po," sagot niya. "Aist. Kakainis naman si tiyo oh. Magpapatulong pero tayo lang pala ang gagawa." "Huwag ka nang magreklamo, tara na. Mabilis lang naman ito dahil kakaunti na lang ang mga isdang natira." "Sige, Mahal" nakangiting wika nito. "Pwede ba Am, stop calling me Mahal kung tayong dalawa lang ang magkasama, nakakailang kasi," anito. "Hmm. Alam mo Liam sinasanay ko lang sarili ko lalo na sa pagtawag ng ganito sayo. Don't worry, nakausap ko kanina ang kaibigan kong doctor na si Dindo, gumagawa na rin siya ng paraan para makabalik agad ako ng Maynila. Three months will do, huwag kang mainip sa pagpapanggap. Ginusto mo !tong sumama sakin kaya magdusa ka!" "Okay. Tapos na. Halika na, gutom na gutom na ako. Kaya please stop scolding me, okay?" "Fine!" Pumasok na nang bahay ang dalawa at kumain. Sarap na sarap sa pagkain si Liam, talagang napatunayan ni Amore ang galing niya sa pagluto. Maaari nga siyang maging chief. "I like this food. Sarap!" wika ni Liam habang nagsusubo ng pagkain. "Alam mo Am, paborito ko ang tinolang manok. Buti na lang at naisipan mong ipagluto kami ng ganito. Hmm. Siya nga pala ano pa ba ang ginawa mo sa bayan maliban sa namalengke ka?" "Well, bumili ako ng dalawang cellphone, ibibigay ko iyong isa sayo mamaya. Mabuti na at may magamit ka. Marami rin ang SIM cards na binili ko. In case na may makabuko ng number, edi tapon agad. Bukas, tatawag uli ako kay Dindo para sa update ng mga plano namin." "Talaga? Wow, thanks. Salamat sa masarap na pagkain at sa bagong cellphone." "No problem, kaya umakteng ka na lang ng husto. Oh, heto pa. Damihan mo sa pagkain. Saka pala mamaya mamangka ako, gusto kong mamasyal ulit sa dati kong tambayan. Siguro nakita mo kanina ang maliit na isla, isang kilometro yata ang layo galing rito. Maganda doon, kaya pupunta ako roon mamaya. Magdadala na siguro ako ng tent dahil baka gabihin ako doon. Tanong ko lang! Sasama ka ba doon? Kung ayaw mo okay lang din naman." "Yeah. I saw it. Na-curious nga ako kanina about that small island. Naikuwento na rin iyan sakin ng tiyo mo kanina. Madalas ka daw pumupunta roon sa tuwing nagbabakasyon ka rito." "Oo, gusto ko iyon. Sa susunod na araw, kakausapin ko ang namamahala sa mga isla rito na bibilhin ko iyon. Gusto kong mapasakin iyon. Maliban sa maganda iyon, magandang patayuan ng isang kastilyo. At ako ang prinsesang nakatira roon. Di ba masaya?" "Wow. Ang galing ng Plano mo. Talaga bang gusto mong maging prinsesa? Parang mga bata lang ang nangangarap ng mga katulad niyan" "Tse. Wala kang paki, natatandaan ko pa ang mga sinabi sakin ni Lyzander na balang araw gagawin niya akong prinsesa niya at siya naman ang aking prinsipe. Gusto niyang makapagpagawa kami ng isang kastilyo na kaming dalawa ang titira kasama ng magiging anak naming dalawa. Di ba ang unique nun?" Bigla siyang nalungkot "Pero, paano na? Ni hindi ko na siya nakikita mula noong iniwan niya ako hanggang ngayon. Dadating pa kaya ang panahon na iyon Yam? Ang panahon na magkikita kami muli?" "Oo na. Si Lyzander na talaga ang nangako ng lahat. Hindi ko alam kung dadating o babalik pa siya. Nasasaiyo ang desisyon kung mananatili ka pa rin na umasa na balang araw babalik pa siya. Sundin mo ang sinsabi ng puso mo." "Naniniwala talaga akong babalik siya. Kung sakaling babalik siya ipapakilala kita sa kanya. Sana magkakasundo kayo noon." "Sana nga, sige tapos na akong kumain." Napadighay ng mga ilang beses si Liam dahil sa subrang kabusugan. "Heto ang magiging bago mong cellphone may simcard na iyan at load. Gamitin mo lang sa dapat at mapagkatiwaalaang tao. Huwag mong sabihin kung nasaan ka kapag may nagtanong. Okay ba?" "May signal ba rito? I need to contact my friend para mapadalhan ako ng pera. I need money para magamit ko sa mga pinaplano ko rin after three months. Hindi lang ikaw ang may plano. May naiisip rin akong plano. Kung mahirap kakalabanin ang kuya ko susubukan ko pa rin na mapabagsak siya." "Hmm. Huwag na. Ako na ang bahala sa kanya. Hindi mo sya kayang pilasan man lang. Kahit papaano kapatid mo pa rin siya. Tiyak na masakit para sayo na kalabanin siya lalo na't iisang dugo lang ang meron kayo." "So ano ngayon? Mas mabuti ngang ako ang gumawa ng paghihigante sa kanya. Hindi niya ako kayang patayin dahil kapatid niya ako." "Diyan ka nagkakamali. Wala siyang sinasanto at wala siyang kinikilala maging kadugo o kahit sino ay pinapapatay niya. Ang mabuti mong gawin. Kung ayaw mo namang lumayo. Dumito ka na lang. Tulungan mo rito ang tiyuhin ko. Pwede ba?" "Okay. I will. Ayaw ko nang makipagtalo sayo. Lugi ako ang mabuti pa siguro pumunta na tayo roon sa isla na iyon. Sana papangalanan mo iyon para talagang sayo na. Di ba bibilhin mo iyon sa susunod na araw?" "Ewan ko. Wala akong maisip na ipapangalan doon. Siguro huwag na. Basta balang araw gusto ko lang na maisama sa isla na iyon ang aking prinsipe," nakangiti niyang wika. Asa pa Amore. "Tse. Prinsipe ka'mu. Sana hindi na siya bumalik sayo." "Ano? Grabi ka, halika rito at malalagot ka!" Naghabulan ang dalawa sa may buhanginan. Parang mga bata silang naglalaro. Mula sa malayo ay nakatanaw naman pala si Gusting. Masaya ito habang pinagmamasdan ang dalawa. Sa hindi inaasahan ni Amore ay natapilok siya at muntik nang bumagsak sa buhangin. Mabuti na lang at nasalo agad siya ni Liam. Sandali silang nanatili sa posisyon, nagkatitigan sila at biglang na freeze sila sa isa't-isa ng magtama ang kanilang mga mata. Parang may kakaibang damdamin ang nabuo sa pagitan nila. "Ahem. Aba. Nakakakilig kayong dalawa ha. Hmm. Ganyan talaga sa unang taon ng pagasasama. Sa una ay sweet pa, ni ayaw padapuan ng lamok at langaw ang asawa pero sa huli binabato na nang kung anu-ano at pinapaulanan na ng suntok at tadyak ang asawa. Nakakalungkot naman. Sana hindi mangyari sa inyo," wika ni Gusting. Biglang nabitiwan ni Liam si Amore kaya tuluyan itong bumagsak sa lupa. "Aray. Mahal naman. Bakit mo ako binitiwan? Humanda ka sakin! Hindi kita pabibigyan mamaya. Makikita mo talaga!" "Hay naku. Tama na iyan. Huwag na kayong mag-away. Halina kayo sa bahay,"saway ni Gusting. "Tiyo, aalis po ako. Gusto kong pumunta sa isla. Doon sa tinagong isla. Gusto kong magpalamig ng utak ko. Naiinis ako sa ginawa ng asawa ko." "Hoy. Ano ka ba? Simpeng bagay lang iyon. Huwag kang pumunta doon kung hindi mo lang naman isasama ang asawa mo. Alas-singko na nang hapun at papagabi na kaya isama mo na siya. Mas mainam na magkasama kayo roon para napag-usapan ninyong mabuti ang mga away ninyo. Nay naku mga bata kayo." "Pero tiyo," protesta niya. "Walang pero-pero," galit na wika ni Gusting. "Yam, samahan mo iyang asawa mo. Aayusin ninyo ang away ninyong dalawa. Ayaw kung umuwi kayo na may sama pa rin ng loob sa isa't-isa. Maaari ba?" "Sige po. Sasamahan ko po siya. Huwag po kayong mag-alala. Sige po. Aalis na po kami. Kanina pa kasi niya naihanda ang mga dadalhin niya. Sige tiyo. Mag-ingat po kayo. Eh. Papaano ang pangingisda ninyo bukas eh dala namin ang bangka mo?" "Day off ko. Magluluto na lang ako bukas. Ako ang magsisimula ng karenderya. Basta gusto ko pag-uwi ninyo ayos na kayong dalawa. Ingat!" pahabol na wika ni Gusting. Naabutan niya si Amore sa may dalampasigan. Hindi ito umimik, siguro galit sa kanya ang babae. Nagalit sa una niyang sinabi o dahil sa pagbagsak niyo sa buhanginan. Siya na ang nagsagwan hanggat makarating doon sa maliit na isla. Wala pa ring imik si Amore. Si Liam na lang ang nagbuhat ng lahat ng mga gamit nilang dinala. Pagkarating nila doon, saktong papalubog na ang araw. Mula sa kanyang bag ay kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpicture. Ang ganda talaga tingnan ang paglubog ng araw. At mas maganda na sa tuwing nag-aabang ka nito ay kasama mo ang taong minamahal mo. Kinuha rin ni Amore ang kanyang cellphone at nagpicture. Kinagawian na niya itong magkuha ng litrato. Kung hindi lang sana niya naiwan ang kanyang kamera di sana nagamit na niya iyon. She loves scenery and she loves photography. Marami siyang mga kayang gawin sa buhay niya. Diyan siya ipinamulat ng kanyang ama. Na kahit kailan hindi siya dapat papa-api sa iba. Kinuha na niya ang tent at sinumulang i-assemble. Tinulungan naman siya ni Liam. "Am, I am sorry. Ano ba ang kasalanan ko?" "Wala. Nevermind." Hindi na ulit sila nagsalita. Hinayaan na lang nila na ang kanilang mga kilos at mata ang mangusap. Hindi naman siya pinansin ni Liam. Pagkatapos nilang mailatag ang tent ay saka isa-isang nagsipaghiwalay. Mas pinili ni Liam na gumawa na lang ng duyan at doon na magpapahinga mamaya. Nakita na lang niya na nasa tubig na si Amore at masayang nagtatampisaw. Parang bata na nagtatakbo sa may dalampasigan. Pinanood lang niya ang babae at wala naman siyang plano na puntahan ito. Umupo siya sa ugat ng kahoy na naroroon. Napangiti siya ng hindi niya namamalayan. "Halika rito, samahan mo akong maligo. Ang sarap ng tubig Liam. Bilis na. Pag sinamahan mo akong maligo hindi na ako galit sa iyo. Promise," sigaw sa kanya ni Amore. Wala nang patumpik-tumpik pa ay tinungo na niya ang kinalalagyan ng babae. "Are you sure Mahal ko?" "Ha! Anong nakain mo?" Gulat na tanong ni Amore. Nagbibiro ba ito? "Wala. Sinusubukan ko lang na magpractice para sa susunod convincing kapag umarte ako. Di ba sabi mo tayo ang mga bida sa kuwentong ito, kaya dapat na maganda ang pag-akteng para makahikayat ng madla," nakangising wika ni Liam. "Loko! Tara sa mas malalim!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD