IKINASA ni Amore ang kanyang hawak na baril at itinuon sa ibong naroroon sa sanga. Ipinutok niya ito at sapul ang ibon. Bumulusok ito sa di- kalayuan kaya hinanap niya ito kaagad kung saan ito lumagpak.
Hindi niya agad nahanap ang ibon ngunit bigla namang nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita sa may ilalim ng puno. Hindi ito ibon kundi tao. Agad niya itong nilapitan at pinulsuhan kung buhay pa ang lalaking duguan. Nilingon-lingon niya muna ang paligid kung may taong naroroon. At nang mapagtantong wala ay dali-dali niyang inalalayan at dinala sa kanyang bahay ang lalaki.
Mataman niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki. Namumutla ito dahil siguro sa mga sugat niyang natamo at sa matinding gutom na dinanas nito kaya ito nawalan ng malay.
Nakaramdam naman ng matinding awa si Amore sa kalagayan ng lalaki kaya agad nitong tinawagan ang kaibigang doctor.
"Dindo, pumunta ka rito sa bahay ngayon din, may ipapatrabaho ako sayo," aniya. "Bilisan mo ha," utos niya sa kaibigan.
"Sure," tipid na sagot nito. "I am now here Amore," nakangising wika ni Dindo habang naglalakad patungo sa kanya. Papunta na pala ito sa bahay ni Amore at timing nang tawagan niya ang kaibigan.
"Wow, pa-paanong nandito ka na? Nagteleport ka ba? Ha?" 'Di makapaniwalang tanong ni Amore sa kaibigan. "Pasok ka, may ipapagawa ako sayo." Pinapasok na niya ito kaagad at iginiya papunta sa kuwarto na pinaglagyan niya sa lalaki.
Nasa labas pa sila ng pinto nang magtanong ito sa kanya. "Ano yan?" tanong nito sa kanya na puno ng pagtataka sa mukha nito."Magpapagamot ka ba? Eh magaling ka naman ah?" takang tanong ulit nito sa kanya.
Sandali pa at binuksan na niya ang pintuan ng kuwarto. "Hindi ako, iyon oh," sagot niya saka itinuro niya ang lalaking walang malay na nakahiga sa kama. "Sige na gamutin mo na siya, maghihintay lang ako sa labas," sabi niya saka umakma nang lalabas ng magsalita ang kaibigan niya.
"Okay. Just prepare twenty thousand pesos, nangangailangan ako ngayon ng pera," walang prenong sabi nito. Akala nito kung may ipinatagong pera sa kanya.
"Sure, I'll double it," seryosong sagot ni Amore saka tuluyan ng lumabas ng pintuan.
SA veranda nagtungo si Amore. At pagkarating niya doon agad namang tumunog ang telepono niya. Tinugon naman niya ito kahit wala siyang gana na sagutin dahil si Regor lang naman ang tumawag sa kanya. The devil man in the entire world.
"Hello Regor! Anong kailangan mo?" sarkastikong tanong niya sa kausap. "Wala ako sa mood para makipag-usap sayo kung pagpatay na naman ang iuutos mo sakin, sawa na'ku diyan," sunod niyang sabi.
"Hindi naman. May ipahahanap lang ako sayo. Just open your messenger. I'll send the picture to you," anito.
"Okay. Na-open at na-received ko na. Sige bye," wika niya pagkatapos na ma-recieved iyon. Hindi niya muna tiningnan dahil wala siyang paki-alam doon. Ayaw na niyang pumatay or shall I say magpatakas ng mga inosenteng pinapapatay ng amo niya.
She took a deep breath to calm her anger. Galit din siya lalaki sa maraming dahilan.
"Tika muna huwag mo munang ibaba. Hanapin mo ang lalaking iyan, okay?" sabi nito kanya.
"Bakit? Magkano ang presyo nito?" sarkastikong tanong ulit niya sa kausap.
"Hmm. Wala! May utang ka pa sa'kin noong pinatakas mo ang huli mong tinrabaho. Kaya hindi na ako magbabayad pa sayo," galit na sagot ng nasa kabilang linya.
"Okay, pero huwag mong aasahan na tutulungan kitang mahanap ang lalaking ito. Sige bye." Ibinaba na niya ang kanyang telepono at hindi na hinayaang makasagot pa si Regor na kanyang nakausap sa telepono
"Nakakainis ka Regor, humanda ka sakin! Asa ka pang tutulungan kita. Kung walang pera, wala rin akong maitutulong sayo," inis na wika nito saka pinagmasdan ulit ang picture ng lalaki na pinasa sa kanya ni Regor.
Her eyes suddenly widened when she fully recognize who's in the picture. He is the man she used to helped with.
Parang bigla siyang nawala sa kanyang sarili ng mga panahong iyon. Hindi niya ma-imagine, ito mismo ang pinapahanap ni Regor.
"Hey, nasaan na ang 40 thousand pesos ko?" tanong ni Dindo mula sa kanyang likuran. "Okay na, nagamot ko na ang lalaking iyon. Heto ang mga resita ng gamot na dapat mong bilhin," dugtong pa nito. "Tika lang sino ba iyon? Kilala mo ba?"nagtatakang tanong nito ulit. Ang daldal. Maraming tanong.
"Heto na ang forty thousand pesos mo. Saan mo naman gagamitin iyan?" tanong ni Amore kay Dindo.
Nagkamot lang ito sa batok niya saka ngumisi.
"Huwag mong sabihin na gagamitin mo lang iyan sa sugal o pangbabae ha. Lagot ka sakin Dindo dahil talagang papatayin kita kapag nalaman kong inaabuso mo lang ang pera na galing sakin ha. Hindi ko pinulot ng kung saan-saan lang ang pera ko. Pinaghirapan ko ang lahat ng mga ito kaya huwag mong gamitin sa kasamaan," pangaral ni Amore sa kaibigan. Daig pa nito ang mommy niya kung makapagsermon.
"Hindi naman Amore, may bibilhin lang akong regalo para kay Britney. Nagkataong kulang pa ang naipon ko, so sayo ako lumapit. Alam ko kasi hindi mo ako matitiis eh," nakangising wika ng kaibigan niyang doctor. Kilala na niya ito, isang magaling at mapagmahal na doctor ang kaibigan niya. Ito rin ang taga-gamot sa kanya kapag nasusugatan siya.
"Okay, heto na," wika niya saka iniabot ang isang subre na naglalaman ng pera.
Kumislap ang mga mata ni Dindo ng makita ang subre nitong hawak. "Yehey!"
"Tika lang, pangako mo muna na huwag mong ipagsasabi kahit na kanino ang tungkol sa lalaking tinulungan ko at ipinagamot ko sayo ha. Kung hindi patay ka sakin Dindo,"pagbabala niya sa kaibigan.
"Sure, maasahan mo ako dyan. Akin na ang forty thousand ko."
"Sige, pwede ka nang umalis, sige na bilhin mo na ang panregalo mo kay Britney. Mag-ingat ka pauwi ha," sunod niyang paalam sa kaibigan.
"Sure, Amore my one and only friend," wika nito habang nakangisi. "I'll promise na wala akong pagsasabihan ng tungkol dito." Paninigurado ni Dindo. "Bye, see you next time," paalam ni Dindo saka agad nang lumisan. Masaya na naman ito dahil nakahuthot na naman ng malaking pera sa kanya.
PUMASOK sa kuwarto na pinaglagyan niya sa estrangherong lalaki si Amore at tinangnan ang kalagayan nito. Pinagmasdan niya itong mabuti. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa mukha ng lalaki kundi ang pagkamaamo nito.
"Bakit hinahanap ka ni Regor? Anong atraso mo sa kanya?" wika ni Amore habang nakaupo sa gilid ng higaan ng walang malay na lalaki. "Sino ka ba Mr? Sana magising ka na para malaman ko ang malalim na rason kung bakit ganito ang sinapit mo," patuloy na wika ni Amore na parang kinakausap ang lalaki.
Hindi pa rin naman nagigising ang lalaki kaya umalis muna siya para bumili ng mga resitang gamot. Namili na rin siya ng mga groceries, mga prutas at gulay. Siguro ihahanda niya iyon para sa anang lalaki. Kahit hindi niya ito kilala pero parang ang gaan ng pakikitungo niya dito.
Marami siyang pinamili. Pagkarating sa bahay ay agad naman siyang nagluto ng pagkain. Mga gulay ang iniluto niya. Masarap magluto si Amore kahit hindi siya nag-aral ng culinary arts pero pwede siyang makipagsabayan sa mga magagaling na chiefs.
"Hmm. Ansarap talaga ng pakbit at laswang gulay ngayon lang ulit ako nakapagluto nito. Subrang naging busy kasi ako sa mga walang kwentang bagay. Sana magustuhan ito ni... ay hindi ko pala alam ang pangalan niya," parang baliw na kinakausap ni Amore ang sarili.
Tiningnan niya muli ang lalaki ngunit hindi pa rin nagigising.
Pinagmasdan niya ito ulit. Parang hindi siya nagsasawang tingnan ang maamong mukha ng lalaki. Sabik na talaga siyang malaman ang dahilan kung bakit maraming sugat ang natamo nito saka kung paano siya nakarating doon sa gubat. At kung kilala niya si Regor.
Si Regor kasi ay ang boss ni Amore. Isa itong pinuno ng isang pinakamalaking grupo ng mga sindakato sa buong bansa. Lahat ng mga kumukontra kay Regor ay ipinapatumba niya at si Amore ang kanyang hit man. Magaling si Amore pagdating sa ganuong trabaho. Tinagurian nga siyang queen of all serial killers eh.
Akma na sana siyang lalabas nang may biglang pumigil sa kanya. Hinawakan ng naturang lalaki ang braso niya. Nilingon niya ito at pinagmasdan ulit.
"Sino ka? Isa ka rin ba sa papatay sakin?" galit na tanong sa kanya ng lalaki. "Sabihin mo!" napasigaw ito sa subrang galit.
"Huh? Ako? Hindi ah, at bakit naman kita papatayin? For your information Mr. tinulungan kita para buhayin at hindi para patayin," sarkastikong sagot niya sa lalaki. "Hoy, Mr. Oo, pumapatay ako pero hindi ikaw ang tipo ng gusto kong patayin," dagdag pa niya. Nainis siya bigla, pagbintangan ka ba namang papatayin mo siya?
"Eh, kung hindi sino ka?" tanong na naman ulit ng lalaki. "Aalis ako ngayon hindi ako pwedeng manatili dito baka isa kang tauhan ni Regor," galit na baling sa kanya ng lalaki at nagpupumilit na tumayo.
"Hmm. Oo, kilala ko nga siya pero hindi naman ako masyadong masama para itumbok ko na narito ka sa bahay ko. Sige, umalis ka dahil mas mabuting wala ka rito para maiwasan kong masangkot sa gulo ninyo o anu mang atraso mo sa kanya. Sige, alis," wika nito saka itinuro ang pintuan.
"Sinasabi ko na nga ba. Sige, aalis ako. At huwag na sana tayo magkita muli," sabi nito saka pinilit na tumayo.
Subrang mahina pa ito pero kung makasinghal sa kanya parang tigre na gustong mangagat. Maamo nga ang mukha pero may kagaspangan naman pala ang ugali.
"Sige, alis na," wika ulit ni Amore. Tinaasan niya ito ng kilay saka itinuro ulit ang pintuan. Nang tumayo ang lalaki ay na out of balance ito at natumba ito sa kanya.
Hindi agad siya nakagalaw nang mga oras na iyon tila napako ang kanyang mga paa. Hindi niya alam kung bakit pero parang natigilan siya. Nang matauhan siya ay agad niya itong tinulungang makatayo dahil nanghihina pa ang lalaki, dahan-dahan niya itong inihiga ulit sa kama. Hindi naman ito nanlaban pa dahil masyado pa itong mahina at siguro aabot pa ng isa pang linggo bago ito tuluyang gumaling.
"Nasaan na ang tapang mo kanina Mr.? Di ba gusto mo nang umalis? Hmm. Kung ako sayo manatili ka na lang muna dito ng isang linggo para makapagpagaling ka ng husto. Pangako wala akong pagsasabihan ng tungkol sayo. Hindi naman ako kasing-sama ng inaakala mo."
Natahimik itong lalaki. Pinagmamasdan lang niya si Amore.
"Tinulungan pa ba kita ng makita kita sa gubat kung may plano akong ipagkalulo ka kina Regor? Oo, dati niya akong tauhan pero unti-unti na akong kumakalas sa mga masasamang gawain nila Regor," wika niya saka umakmang lumabas na nang hawakan ulit ng lalaki ang braso niya.
"May kailangan ka ba Mr? Kung gutom ka may niluto na ako, mainit pa ang sabaw ng gulay na niluto ko. Sige, hintayin mo muna ako dadalhin ko dito. Magtiwala ka wala akong balak na lasunin ka. Kung gusto mo samahan pa kitang kumain at tikman ko muna ang pagkain para makasigurado kang walang lason, okay ba?"dagdag pa niya. Bakit siya nagpapaliwanag sa stranger ito?
"Sige. Pagkakatiwalaan kita sa ngayon Miss," mahinahong sagot nito.
Napalingon sa kanya si Amore. "Just call me Amore, that's my real name," sunod ay nagpakilala na siya sa lalaki. "Sige maghintay ka lang muna dito," wika niya saka lumabas na ng kuwarto.
Mabilis namang bumalik ng kuwarto ng lalaki si Amore. Dala na nito ang tray ng pagkain. Nagdala na rin siya ng mga prutas, tubig at ang gamot na iinumin ng lalaki. Daig pa niya ang personal nurse nito. Grabi naman ang kabaitan niya dahil kahit na hindi niya ito lubos na kilala nakuha pa niyang alagaan ito na parang espesyal ito sa kanya. Siguro dahil nag-iisa na lang siya sa buhay at kailangan niya ng karamay.
"Heto na. I'm sorry kung medyo natagalan ako, naghiwa pa kasi ako ng mansanas. Sige kain kana, masarap itong niluto ko. Sige, tikman ko muna para maniwala kang safe ang mga pagkain na to ha," nakangiting wika niya saka tiningnan ang lalaking kanina pa pala nakatitig sa kanya.
Mataman pala siyang pinagmamasdan nito mula ng nagsimula siyang magsalita. "Ah, anong meron? May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya dito.
"Nothing. Thanks, okay I'll eat," wika pa neto saka dahan-dahang kinuha ang kutsara at isinubo ang pagkain pero nanginginig ang kanyang kamay kaya tumilapon ang pagkain.
"Ay, tika lang. Kukuha ako ng pampunas. Wait," mabilis na lumabas para kumuha ng pampunas si Amore.
"Heto na ako," mabilis din siyang nakabalik. Pinunasan niya agad ang narumihang damit ng lalaki. "Sorry na dumihan ka tuloy, sige ikukuha na rin kita ng bagong sando," wika niya saka tatayo na sana ng magsalita ang lalaki.
"It's okay," tipid na wika ng lalaki. Nakatitig na naman ito sa kanya. "Bakit ang bait mo sakin?" tanong nito sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "Ah , wala lang. Gusto ko lang na makatulong. Hindi ko pa kasi nasubukang tumulong," sagot niya.
Marahan itong tumango. Nakatitig ulit sa kanya.
"Sana huwag mong masamain o makaramdam ng pagkahiya, susubuan na lang kita para hindi tumilapon ang pagkain. Saka pagkatapos mong kumain uminom ka nang gamot mo," wika niya na may pag-aalala.
"Hmm. Thank you Am," sagot nito sa kanya. Biglang natigilan si Amore ng marinig ang sinabi ng lalaki.
Tinawagan ba naman siyang "AM" ng lalaki, noon may tumatawag sa kanya ng ganito pero maliit pa siya noon. Hindi na nga niya ito masyadong naalala kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganito noon.
"Sige, payag ako. Wala din naman akong makukuha kong magmamatigas pa ako," dagdag pa nitong wika sa kanya.
Bigla namang nagulat si Amore. Himala na ang parang mangangagat na tigre ay napakaamo na naman sa kanya ngayon. Dahan-dahan niya itong sinubuan ng pagkain. Pinahigop niya rin ito ng mainit na sabaw ng laswa. Nasarapan din naman ang lalaki sa kanyang luto. Well, she's good in cooking.
"Heto. Inumin mo ang gamot mo. Mainam ito para mabilis kang gumaling nang sa gayun ay makaalis ka na dito," aniya. Iniabot niya ang isang baso ng tubig at gamot.
"Sige," tipid nitong sagot saka ininom ang gamot na ibinigay niya. Naging mabait na ang lalaki sa kanya.
"Very good Mr. Dapat na masunurin ka hindi iyong masungit sakin dahil naiirita ako niyan. Baka mapatulan kita kahit na hindi pa maayos ang lagay mo," pagbibiro ni Amore sa lalaki.
"By the way, I am Liam, Miss Amore. I'm so sorry for what I've acted earlier. Nagulat lang ako at nanigurado," anito.
"Wow, nice name, Liam," nakangiting wika nito. "Don't mind it again, okay lang. Siguro sa linggo makaka-alis ka na," wika nito saka inaayos na ang mga pinagkainanan ng lalaki.
"Sige aalis na ako. Sumigaw ka lang kung may gusto ka o kailangan mo ng tulong ko. Huwag kang tumayong mag-isa baka matumba ka ulit. Baka hindi ka mamatay sa bala kundi dahil lang sa pagkabagok. Hays," pagbibiro ulit ni Amore kay Liam.
Pagkalabas niya sa kuwarto ng lalaki dali-dali din siyang kumuha ng pagkain. Gutom na siya kanina pa pero pinigilan lang niya ang sarili. Hindi pa kasi siya nakakain dahil pinauna niya si Liam na kumain. Kumain muna siya saka hinugasan ang mga pinggan.
•••
NAGING mabuti naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa ng mga sumunod pang araw. Sa katunayan mabait naman pala talaga si Liam. Naging magkasundo agad silang dalawa.
Makaaraan ang limang araw ay magaling na si Liam. Nagpa-plano na nga rin itong umalis.
Isang tawag mula kay Regor ang gumimbal sa umaga ni Amore. Nalaman na nito na si Amore ang nakakita at tumulong kay Liam. Sinabi nitong kung hindi ibibigay ng dalaga sa kanya ang lalaki ay pagsisisihan niya ito sa tanang buhay niya.
"Sino ang kausap mo kanina sa telepono Am? Bakit ba ganyan ang mukha mo?" takang tanong sa kanya ni Liam ng mapansing balisa siya. No choice kaya kailangan nilang umalis ng mas maaga para hindi abutan nina Regor.
"Maghanda ka na at umalis dito. Nalaman na nina Regor ang tungkol sayo. Papunta na sila rito ngayon. Tiyak na kukunin ka nila. Hindi ko alam kung sino at saan sila nakakuha ng impormasyon. Pero wala akong sinabi sa kanila. Kaya umalis ka na."
Pinapa-alis na niya ang lalaki na puno pa rin ng pagtataka sa mukha nito. "Dito ka dumaan. May karugtong itong secret tunnel na pwede mong madaanan palabas ng bahay para makatakas ka na. Dali, alis na." Sunod-sunod na wika ni Amore saka itinuro niya ang secret tunnel.
Hindi ito tumalima sa kanya. "Pero paano ka? I think Regor will kill you too. Sumama ka na sakin halika na Am. Hindi ka na magiging ligtas dito. Tara na."
"Wait. Hawakan mo "to. Loaded pa ang magazin niyan. Sige na kunin mo na for protection mo lang naman," wika ni Amore saka binigyan ng baril si Liam. "Kukuhin ko muna lahat ng mga importantanteng bagay dito sa bahay ko."
Dali-daling isinilid ni Amore ang lahat ng mga importantanteng papeles, baril at mga pera sa kanyang bag.
"Let's go, nandiyan na sila. Naririnig ko ang ingay ng sasakyan nila," wika ni Amore saka binuksan ang maliit na elevator. Pumasok sila roon at isinara iyon ni Amore. Sa likod sila ng bahay lumabas.
"Halughugin ninyo ang buong bahay at iharap ninyo sakin ang mga iyon. Bilis!" utos ni Regor sa kanyang mga kasamahan.
Hinalughog nila ang bahay pero wala silang nakita. Kaya pumunta sila sa likuran ng bahay.
Medyo malapit na sila sa tunnel ng makita silang dalawa ng mga tauhan ni Regor. Walang ibang pwedeng gawin sina Amore kundi ang makipagbarilan sa mga kaaway.
Habang unti-unting papasok sa tunnel ay nakipagbarilan silang dalawa. Mabilis nilang tinungo ang tunnel at isinara. Hindi na sila nakita pa nang mga tauhan ni Regor.
"Nasaan na sila? Mga ulol bakit nawala na sila? Saan na sila nagpunta?"Galit na sigaw ni Regor sa kanyang mga tauhan.
"Boss, nawala sila eh. Nakipagbarilan ho sila sa'min. Dalawa sa mga kasama namin ang napuruhan at tatlo ang sugatan." Sumbong ng tauhan ni Regor
"Mga inutil. Dalawang tao natakasan kayo? Sige, bumalik na lang ang mga may sugat! Tiyak na hindi pa sila nakakalayo kaya hanapin na natin sila, bilis. Hindi sila pwedeng maka-alis o makatakas man lang sakin, maliwanag?" wika nito.
"Sige po sir!"
SAMANTALANG sina Amore at Liam naman ay tinunton ang tunnel palabas para makalayo ng husto sa mga kaaway.
Tumigil muna sila sa kalagitnaan ng tunnel dahil nanghihina si Liam. Siguro sumasakit pa ang mga sugat nito, kakahilom palang ng mga iyon kaya hindi pa ito masyadong magaling.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa lalaki.
"Oo, kailangan ko lang muna magpahinga saglit. Nahihilo lang ako. Just give me 15 minutes at magiging okay na ako Am," nanghihinang tugon nito sa kanya.
Tumigil muna sila. Hindi naman madaling matunton ang lagusan ng tunnel kaya safe pa sila. Pero hindi sila pwedeng manatili doon dahil magugutom sila at kalaunan ay mahuhuli din kapag nakita na ng mga ito ang lagusan.
Pagkatapos nilang magpahinga ay nagpatuloy ulit sila sa paglalakad. Inalalayan na lang ni Amore si Liam para mabilis silang makaramdam sa dulo ng tunnel at makalabas sa kabilang lugar.
Malaki talaga ang naitutulong nitong tunnel sa kanya dahil sa tuwing tumatakas siya doon siya dumadaan o nagtatago.
Malapit na silang makarating sa kabilang dulo. Mula doon ay may kakilala siyang pwedeng tumulong sa kanila para makatakas.
Hindi na sila ligtas kung manatili pa sila sa lugar na iyon. Kailangan na nilang maglaylo upang hindi sila mapatay nina Regor.
Tuso at mapanganib na kalaban si Regor. Pero hanggang saan at hanggang kailan siya mananatili sa trono niya.
Ang kasamaan kahit kailan ay hindi mananaig!
Abangan ang mga susunod na kabanata, ano nga ba ang gagawin nina Amore para makatakas laban kina Regor? Mahahanap ba sila at madadakip?
Stay put and read. Thank you!
?Votes and comments are highly appreciated.?