NAKARATING na sina Amore sa medyo malayong lugar, dito iyong sekretong lagusan ng tunnel. Walang sinuman ang may alam nito maliban sa kaibigan niyang doctor na si Dindo.
May pinuntahan agad siya na kanyang kakilala.
"Mang Isko, nasaan po kayo? Mang Isko?" tawag niya sa kanyang kakilala.
"Hala, nandito kayo ma'am? Mabuti naman at napadalaw kayo sakin," sagot nito sa kanya. Dali-dali itong lumabas ng marinig siyang tumatawag sa labas ng bahay nito.
"Hindi lang ako napadalaw dito. Kailangan ko ang tulong mo. Nasaan na ba ang kotseng ipinatago ko sa inyo?"
"Ah. Alam ko na ang ibig mong sabihin. Nasa likod ng bahay, maayos iyon palagi kong pinapa-lubricate, tara sa likod ng bahay," wika nito saka pumanhik agad palikod.
"Sige, kung maari lang sana Mang Isko, madaliin na natin ang pag-alis dahil baka masundan nila kami rito."
"Aba, sino naman ang naghahabol sa inyo? Bakit?"
"Hinahabol kami nina Regor."
"Ha? Papaano? Di ba boss mo siya?"
"Oo, dati pero ngayon hindi na. Marami na siyang mga kasalanan sa akin at mas dinagdagan pa niya ito ngayon," galit na tugon nito.
"Oy, siya nga pala, sino iyang guwapong lalaki ang kasama mo?" curious na tanong ng matanda habang nakangisi.
"Ah. Huwag ka na magtanong sige na. Ipagmaneho mo na kami papunta sa pampang. Kailangan na namin maka-alis ngayon din," naiiritang wika niya sa matanda. Hindi siya nagagalit dito pero nagmamadali lang talaga siyang makaalis kaya ganun ang isinagot niya. Maiintindihan naman iyon ng matanda. Ang daldal neto kasi ayan tuloy napagsungitan niya.
"Sige Ma'am," agad nitong sagot saka kinuha sa likuran ang kotse. Mabilis sila nitong inihatid.
Mabilis silang nakarating sa pampang. May hinanap agad silang mama. Kaibigan din ito nina Isko.
"Karding? Nasaan ka? Kailangan ni Amore ang yate niya. Karding bilis buksan mo ang pinto ng bahay mo," tawag ni Isko sa kaibigan niya.
"Naku, sandali," sagot nito mula sa loob ng bahay.
"Nasaan na ang yate ko Mang Karding," agad na tanong ni Amore.
"Ah. Ikaw pala ma'am. Nasa malapit sa pampang. Huwag kayo mag-aalala okay lang iyon at may sapat pang gaas. May extra din po diyan baka sakaling maubusan. Malinis din po ang loob. Bakit nga pala kinakailangan ninyo ito? Matagal nyo na itong hindi ginamit ah?" saad nito.
"Ah. May importantanteng pupuntahan ho kami ng kaibigan ko," sagot ni Amore saka itinuro si Liam na nakatayo lang sa may gilid ng kotse.
"Sige. Umalis na kayo Ma'am," wika ni Isko
"Heto. Sana maging sapat na itong mga pera na 'to, sana makatulong ito sa iyo," wika ni Amore saka iniabot ang subre na may lamang tag-iisang daang libong piso. Hindi iyon suhol kundi tulong sa dalawang matanda.
Tinanggap naman iyon ng dalawang matanda.
"Aalis na po kami, mang Isko at mang Karding mag-ingat kayo at maraming salamat. Kung may kailangan kayo tawagan niyo lang ako. O, kung may nagtatanong tungkol samin. Paki-usap huwag niyo pong sabihin kahit ninuman na nandito kami kanina. Mang Isko, kayo na ang bahalang magpaliwanag kay Mang Karding ha. Sige alis na kami," paalam niya sa mga matatanda at agad na silang umalis ni Liam.
"Mag-ingat kayo," pahabol na wika ng dalawang matanda sa kanila. Ewan nila kung narinig ba ng mga ito. Nakita naman nilang kumaway si Amore bago sila umalis sakay ng yate.
Pinaandar agad ni Liam ang yate. Hindi pa rin ito umiimik mula pa kanina. Wala siguro itong ganang magsalita lalo na't na shock pa siguro ito sa nangyari o di kaya'y hindi pa okay ang pakiramdam nito mula kanina ng mahilo siya.
Mabilis nilang binaybay ang karagatan.
Nakarating na sila sa kabilang isla at gumagabi na. Nagpasya muna si Liam na tumigil sa paglalayag at dito na muna nagpalipas ng isang gabi. Hindi ligtas ang maglayag tuwing gabi lalo na't yate lang sinasakyan nilang dalawa. Malalakas na ang mga alon at hindi safe na maglayag pa.
Bumaba siya at itinali ang lubid sa malaking puno na nasa malapit ng dalampasigan. Na-alarma din ang presensya ni Amore dahil sa paghinto nila.
"Anong nangyari sa yate? Nasira ba?"
"Wala. Hindi na ligtas na maglayag pa tayo dahil gabi na. Hindi natin alam ang mga madadaanan. At baka mapanganib. Hindi tayo mamatay sa bala ng baril ni Regor kundi dahil sa pagkalunod," pabiro nitong sagot sa tanong ni Amore.
"Oh sige. Magpapahinga muna tayo. At bukas kapag makarating na tayo sa kabilang bayan pwede ka nang umalis."
"Ah. Sige. Pero tika lang, hindi ka ba nagugutom?"
"Hindi!"
Hindi daw pero malakas namang umingay ang kalamnan niya indikasyon na gutom nga ito. In denial pa talaga.
"Just wait for a minute, pagbalik ko may dala na akong mga isda. We need to eat para may sapat tayong lakas," wika nito.
"Okay. Sige. Mangunguha na lang ako ng mga tuyong kahoy at magsisiga na rin."
"Sige."
Tumungo na sa may dagat si Liam at si Amore naman ay nanguha na nang mga tuyong kahoy sa may gubat na malapit lang. Marami siyang nakuhang kahoy at dinala ito sa dalampasigan. Nagsiga siya, mabuti na lang at may natutunan siya nung nag girls scout pa siya. Minsan malaki talaga ang naitutulong ng pagiging girls scout in tems of survival.
Nadiyan na rin si Liam at may dalang mga isda. Mga magagandang isda pa ang nahuli nito.
"Here, nalinisan ko na ang mga iyan. Ready na para ihawin," sabu nito saka ini-abot sa kanya.
"Sure, ako na ang mag-iihaw. Hmm. Ay, tika lang titingnan ko muna sa loob ng yate kung may natira pang asin. 3 months ago, naglayag din ako at nagdala ako ng asin because I am fun of fishing. Kahit asin lang ang dala ko okay na, para lang naman sa pag-iihaw eh, para may malalasahan lang ako kahit papaano."
"Sige."
Mabilis na tinungo ni Amore ang sinidlan niya ng asin. Mayroon pa kaya dali-dali itong bumaba at nilagyan ng asin ang mga isda. Kahit tanging asin lang ang sangkap ng inihaw mas mainam na ito dahil may malalasahan ka kaysqsa wala, di ba? It's part of survival.
"Wow. Ang galing. Ito oh luto na. Mauna ka nang kumain. Susunod na ako. Malapit na din itong maluto ang kasunod," wika ni Liam saka ini-abot kay Amore ang naunang naluto.
"Thanks Liam, alam mo napaka-trill ng buhay ko. Kahit ganitong buhay ang pinili ko. Proud pa rin ako sa sarili ko kasi I can survive for how many times na ganito ang sitwasyon. Dati mas malala pa nga eh, nagtago ako kahit saan para lang makapag-lie low mula sa mga kaaway. May sa pusa yata ako. Merong siyam na buhay," pabiro nitong wika.
Natawa si Liam sa huli niyang sinabi. "Aba talaga? Bakit ka nga pala sumanib sa grupo nina kuya Regor? Alam mo namang hindi sila mapagkatiwalaan at higit sa lahat pumapatay sila kapag nagtraydor ka. Kahit na ako nga pinapapatay niya rin," seryoso na nitong sabi.
"Meron akong malalim na rason. Hindi ko muna sasabihin sayo. Uhmm. Ikaw, bakit ka naman niya pinapapatay? Anong kasalanan mo sa kapatid mo?"
"Ewan ko sa kanya. Siguro baka sa pera at kapangyarihan kaya ginawa niya iyon. Siguro gusto niyang kunin lahat ng ipinamana sakin ng real Dad ko. Half brother lang niya ako. Magkapatid kami sa ina, that's why magkaiba kami ng apelyido," pahayag nito.
"Hmm. Grabi talaga ang sama niya. Kung dati sunud-sunuran ako sa lahat ng gusto niya. Ngayon, iisa-isahin kong pababagsakin ang mga galamay niya. Lalo pa at kilala ko lahat ng mga iyon at alam ko lahat ng illegal na negosyo niya. Makikita niya ang tamis ng paghihigante ko!" wika niya saka nagkiller smile. Pero ang cute pa rin niyang tingnan.
"Aba! Kung ganun maghihigante ka talaga? Pero paano? Nag-iisa ka lang di ba? Let me help you," anito.
"Hindi ako nag-iisa. Marami rin akong mga galamay na hindi nila alam. I also have a lot of girl assassins. Nagtatrabaho sila sakin ng palihim, sila ang mga mata at tenga ko. Pero hindi lahat ng tungkol sa pagkatao ko ay alam nila. Sinekreto ko ito para hindi maaring magamit ng kalaban laban sakin," pagkukuwento pa niya.
"Ganun ba? Grabi kayo. Girl power talaga ang team ninyo. Exciting!"
"What? Papa-anong exciting? Ang buhay namin ay parang sa sundalo. Ang isang paa namin ay nasa hukay na. Isang pagkakamali lang ay tuluyan na kaming mawawala sa mundo. Mapanganib ang daang tinatahak namin kaya bukas pagdating natin sa kabilang bayan, maaari ka nang umalis at makapagtago. Hindi ka ligtas kapag sumama ka pa sakin papuntang Sulo. Doon muna ako magpapalamig habang mainit pa ang paghahanap sa 'kin nina Regor. May nag-iisa akong kamag-anak doon at safe ako sa isla nila. Kilala na nila ako roon sa alyas ko. Kaya walang sinumang ang maghihinala sakin doon. Kaya bukas na bukas umalis ka na. Mangibang bansa ka, hindi ka rin tatantanan ni Regor. Alam ko kung paano siya magalit."
"Sige. Heto pa, marami pang inihaw na isda. Kumain ka pa. Ang dami mong sinabi pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maubos isipin na ang nakakatandang kapatid ko kaya gawin ang lahat ng kasamaan makuha lang ang inaasam niyang kapangyarihan, pera at lahat ng gusto niya kapalit ang paggawa ng kasamaan."
"Thanks. Kaya nga dapat na makapaglaylo ka na. Hindi ko rin gusto na may madamay na ibang tao dahil sa mga plano ko."
"Bakit ba kasi Am? Ano ba ang rason mo? Alam mo pwede mo namang kalimutan ang paghihigante at mamuhay ng normal di ba?"
"Huwag mo akong tawaging Am." Pinagdiinan niyang binanggit ang AM. "Iisang tao lang ang may kakayahang tumawag sakin ng ganyan."
"Sino? Boyfriend mo?"
"Hindi. Ang nag-iisang kaibigan ko, si Lysander. Magkababata kami. Siya ang dati kung kalaro at karamay sa tuwing nasasaktan ako. Siya ang nag-iisang kaibigan at tagapagtanggol ko sa tuwing may umaaway sakin. Pero one day, umalis sila papuntang States, pagkatapos noon ay hindi na siya bumalik pa. Naiinis ako sa kanya dahil nangako siyang hindi niya ako iiwan at paglaki ko papakasalan daw niya ako kapag wala pa akong boyfriend. Hmm. Di ba kakainis? Umasa ako sa pangako niya. Nag twenty-five na ako, pero ni anino niya hindi ko pa nakikita."
"Sorry. Ako ba? Pwede mo naman akong maging kaibigan. I will be there for you, if you want to see me, and then I will be there 24/7, I'll help you. Kahit hindi ako si Lyzander kaya naman kitang protektahan laban sa mga kaaway mo. Pangako ko iyon. Ay isa lang hindi pala pwede ay iyong magiging asawa mo ako balang araw dahil hindi ako ang nangako sayo nun, hindi ako si Lysander," pabirong wika ni Liam sa kanya.
"Hey. Huwag kang magbiro ng ganun. Bukas aalis ka na. Kaya stop it. Dapat na maka-alis ka na. Okay lang sakin na walang karamay. Natiis ko na iyon sa loob ng 18 years kaya okay lang talaga ako."
"Sige, ikaw ang bahala. Wala ka na bang kakilala na pwedeng pagtanungan tungkol kay Lyzander? Maging parents niya?"
"Wala. Hindi na nga sila bumalik ng Pinas, at ang balita ko 15 years ago, naaksidente ang mga parents niya. Hindi ko alam kung napasama siya sa aksidente. Pero sana hindi naman. Naghihintay pa rin kase ako na balang araw babalik siya at tutuparin ang mga pangako niya sakin."
"Naku, kayong mga babae talaga, mahilig kayong maniwala sa mga pangako. Alam mo sa milyon-milyong pangako, iisa lang diyan ang natutupad minsan nga sapilitan na lang. Kaya huwag ka nang umasa sa mga malabong bagay."
"Tse. Anong alam mo? Malay mo kaya, magkakatagpo ulit ang landas naming dalawa."
"Okay. By the way. Malalim na pala ang gabi. Matutulog na tayo. Safe naman para makapag-idlip kahit kunti."
"Sige. Malapit na rin kase mamatay ang apoy at lumalamig na ang hangin. Okay let's get inside."
Pumasok na sila sa loob ng yate.
Maganda ang pagkagawa sa yate. Kompleto sa gamit. May pinasadyang kuwarto at mini library.
Pinasadya itong ipagawa ng Daddy ni Amore para regalo sa debut niya. Kaya itinuturing niya itong napakalaking remembrance galing sa ama niya.
Mahilig kasi silang maglayag at minsan nakakatulog siya kaya pinagawaan ito ng kuwarto para anytime ay makaidlip siya. Mahilig din siya magbasa ng mga novels kaya pinagawaan din siya ng mini library at minsan doon na rin siya nakakatulog sa loob kaya may folding bed na inilagay doon. Ganoon siya ka mahal ng Daddy niya noong nabubuhay pa ito.
"Liam sa kuwarto na ako matulog. Eh, ikaw? Saan mo gusto? Pwede ka doon sa kabila may mini library ako doon at mayroong folding bed doon, dun ka na lang dahil malamig dito sa may couch. Mahahanginan ka."
"Huwag na. Dito na lang ako. Ayos lang ako."
"Sige ikaw ang bahala," wika nito saka pumasok na sa kanyang kuwatro.
Nagising si Liam dahil sa tama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Maliwanag na pala kaya pinuntahan niya para e check si Amore sa tinutulugan nito.
"Good morning! Gising ka na pala? Sige, sandali lang tatanggalin ko muna ang lubid na nakatali para makaalis na tayo rito."
"Good morning too. Sige. Ina-ayos ko na kase ang mga gamit na dadalhin ko papunta sa isla ng tiyuhin ko sa Sulo."
Naglayag ulit sila hanggang sa nakarating sa Sulo. Nasa pier na sila.
Doon na iniwan ni Amore ang kanyang yate sa kakilala niya. Marami siyang kakilala kahit saan siya magpunta kaya marami din siyang katiwala.
"Sige. Hanggang dito na lang tayo magkakasama. Heto 10,000 pesos, sana makatulong para pamasahe mo. Sige alis na ako," wika niya saka ini-abot kay Liam ang subreng naglalaman ng pera. Hindi ito suhol kundi tulong, as usual mabait kaya siya sa nangangailangan.
"Wait, tika lang. Totoo ba na hindi mo ako isasama? Ayaw kong umalis, kapag aalis ako tiyak na mahuhuli pa rin naman ako nina Regor kaya sayo na ako sasama," ingos nito.
"Huwag na. Maiwan ka na. At baka ano pa ang sabihin ng tiyuhin ko kapag nakita ka niya roon. Mala- Mike Inrequez iyon dahil napakaimbestigador kaya dito ka na. I already done my part of helping you. Sana naging sapat na iyon na kabutihan kung nagawa para sayo."
Tumalikod na agad si Amore at binaybay ang isang makitid na daan. Hindi na niya nilingon pa ang lalaki. Masakit din naman sa kalooban niya na iwanan iyon sa may pier pero ito ang magandang solusyon. Ayaw na niya itong madamay pa sa kanyang paghihigante. Kung noon naawa na siya sa sinapit ng lalaki mas ayaw niya ulit na makitang masaktan iyon nina Regor. Hindi niya iyon kakilala ng lubos pero parang malapit ang loob niya sa binatang iyon.
Kasalukuyan niyang binabagtas ang maliit na daan papunta sa pampang kung saan siya maaring sumakay ng bangka papunta sa bahay ng tiyuhin niya na nasa isang kalapit isla.
Habang naglalakad siya ay may napansin siyang sumusunod sa kanya kaya mabilis siyang nagtago sa isang puno para hulihin kung sino ang sumusunod sa kanya. Inihanda niya ang kanyang dalang maliit na kutsilyo.
"Sino ka?" sigaw niya sa lalaki habang tinututukan ng kutsilyo. "Anong? Ha! Ikaw?" nagulat siya bigla ng makitang si Liam lang naman pala ito. Sinundan siya nito.
"Oo ako, sorry sinundan kita Am. I can't go to somewhere. Natatakot ako! Kaya please isama mo na ako Am. Alam mo sayo ko lang nakita na safe ako, sige na please isama mo na ako," ingos nito na parang bata.
"Gad! Baliw ka na ba? Para kang bata Liam. Anong alibi naman ang sasabihin ko sa tiyuhin ko para maniwala siya sakin na walang may nangyari sakin doon sa Maynila kung sasama ka pa sakin sa isla, ha?"
"Everything. Like I'm your friend," suhestiyon nito.
"No. Hindi uubra iyan, maliban sa magpanggap kang asawa kita!" pasinghal na wika ni Amore sa lalaki.
"What!" nanlaki bigla ang mga mata niya sa kanyang narinig.
Gulat na gulat si Liam sa kanyang narinig. Pero wala siyang magagawa kung ito nga talaga ang mainam na solusyon para makasama siya kay Amore.
Pakasabing iyon ni Amore ay agad na itong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Sumunod naman si Liam. Ginusto niya ito kaya talagang magdudusa siya.
Masusubukan talaga niya ang itinatago niyang galing sa pag-arte kapag kinakailangan.
#Omg??