NAKAPANGHIHILAKBOT na mga tinig at tawanan. Mapaglarong mga nilalang. Subalit ang dalawang matapang na engkantado ay hindi nagpatinag at buo ang loob silang hinarap. Hindi naman naglaon ay tuluyan na ngang ipinamalas nina Amian ang kanilang tunay na anyo sa dalawa. Bahagyang napaatras si Ruru, subalit nang maalala si Esmeralda na maaaring nasa panganib ay sumiklab ang kaniyang tapang. “Anong mga nilalang kayo? Ano’ng ginawa ninyo sa aking kapatid?” Ngumiti si Amian. Sa halip na sumagot ay lumapit sila sa dalawa at nagbigay-galang sa hari ng mga Safferian. “Patawad kung natakot man namin kayo at napaglaruan. Ginawa lamang namin iyon sapagkat mabigat ang loob ni Esmeralda kaya’t binigyan muna namin sila ng sapat na panahon upang makalayo at makapag-isip-isip,” paliwanag ni Amian. “Totoo

