Chapter 7

1191 Words
Jamieson's POV Nang makita ko siya ay laking gulat ang naramdaman ko. Hindi pwedeng nandito siya. Hindi siya pwedeng makita ng kapatid niya at baka patayin siya nito. Hindi siya pwedeng madamay sa malaking gulo na pinasok ko. Kailangan ko siyang protektahan. Kailangan ko siyang dalin sa Room Safe kung saan kami lang nila Morgan ang pwedeng pumasok. Agad ko na ding kinausap si Morgan at ang dalawa niyang alalay. Nang makarating sila sa Room Safe, kung saan ako naroroon ay agad na akong nagtanong sa kanila. "Bakit nyo siya dinala dito?" Tanong ko agad. "S-sino po?" Nagtatakang tanong ni Morgan. Si Felix at Grego ay nagkatinginan lang at nagulat lang din. "Si Jhanelle. Ang anak ko! Sino nagdala sa kanya dito?" Galit kong tanong. "A-anak nyo po siya? Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Kamukha nya po si Jaika." Sambit ni Felix. "Teka, kailangan ligtas din po siya. Saka, naku, ‘wag natin siyang pakainin ng Karne ng tao. Halika, Felix, kunin natin ang pagkain niya at dalin na natin siya dito sa Room safe." Sambit ni Grego at agad na hinila si Felix palabas. Dito sa RS (Room safe) ay hindi pwedeng makapasok ang sino mang ligaw na kaluluwa. Bukod kasi sa puro pula ang ano mang bagay dito ay may dasal at pangontra ang room na ito. Pinaghandaan ko talaga ito para kay Jaika. Siya ang may pinaka malakas at makapangyarihang kaluluwa dito sa Retreat house. Sa kanya ko talaga pinangalan ito dahil sa siya ang dahilan kung bakit kami hindi makaalis dito. Pinangakuan ko kasi siya na gagawa ako ng paraan para mabuhay siyang muli. Oo, nakipag usap ako sa isang kakaibang nilalang na may kakayahan na kumausap sa ano mang kampon ng kadiliman. Pahayag nito saakin ay pwedeng mabuhay pang muli ang anak kong si Jaika. Kailangan ko lang daw ng siyam ng puso ng tao at doon iaalay ko kay Jaika at dasalan ng binigay niyang Dasal. Iyun ang dahilan kung bakit, pumapatay kami ng tao. Sa ngayon, nakaka tatlo na kaming puso. Pangtatlo na yung puso si Yanna. Mahirap man gawin eh, kailangan, para sa anak ko. Kung di lang sana ako pumalpak sa pag eeksperemento ko sa kanya ay sana buhay parin siya ngayon. Gumagawa kasi ako nun ng gamot na mag papagaling sa pagka-bingi. Oo bingi ang anak kong si Jaika noon. Gusto ko ay gumaling siya. Isang araw, dahil sa may nagawa na akong gamot para sa kanya ay agad ko namang din ginamit ito sa kanya. Buong akala ko ay success ang nagawa ko. Ganun-ganun nalang ang gulat ko ng biglang dumugo ang tenga ni Jaika. Imbis na maging okay ay sumobra. Lumakas ang pandinig niya at sa araw araw na tumagal ay sumasakit na ang ulo ni Jaika. Doon, nag umpisa ng i-umpog ang ulo niya sa Pader dahil sa di mapigilang kirot na nararamdaman. Araw-araw, inaaway ako ng asawa kong si Jasmin dahil palpak daw ako. Dahil sa palala na ng palala ng kalagayan ni jaika ay dinala ko na siya dito sa Retreat house. Masyado na kasing magulo ang pagwawala niya araw araw. Dito ay lalong lumala ang lagay ni Jaika. Isang araw, nagulat ako ng mawala bigla si Jaika. Hinanap ko siya ng hinanap. Hanggang sa mapadpad ako sa malaking puno dito sa Retreat House. Napaiyak ako ng makita ko siyang nakabigti doon. Wala na siyang buhay ng makita ko. Maitim na ang bibig. ‘Yun nalang din ang gulat ko ng may makita akong Notes sa bulsa niya. May sinabi siya saakin sa pamamagitan ng sulat."Humanda ka, Papa. Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakamatay ako. Sa ginawa mo saakin ay parang pinatay mo na ako. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko, sinusumpa ko yan!" Matapos mawala ni Jaika sa buhay namin ay halos hindi na ako kinikibo ni Jasmin. Buntis siya nun ng magpasya siyang hiwalayan ako. Nang ipanganak niya si Jhanelle ay pasilip silip lang ang nagagawa ko. Buti nalang at pinapayagan niya ako kahit paano na makasama si Jhanelle. Hanggang sa tuloy tuloy na ang galit ni Jasmin. Ayaw na daw niyang makita ang mukha ko at wag na daw akong mag pakita pa kay Jhanelle. Sinisi niya ako sa pagpapakamatay ni Jaika. Sinabi ko naman na gagawa ako ng paraan para mabubay ang anak namin. Sinabi ko sa kanya, ang sabi saakin ng taong kumakausap sa mga kampon ng kadiliman. Sinabi kong papatay ako ng tao para sa anak namin. Pero tinawag niya lang akong baliw. Hindi siya naniniwala. Baliw na daw ako. Dahil doon ay dito na ako naglagi sa retreat house. Araw-araw ay naglalasing ako. Napabayaan ko na din ang pagiging doctor ko. Hanggang isang gabi. Lasing na lasing ako ng may makita akong babaeng nakabistidang puti. Alam kong siya iyun. Alam kong hindi ako namamalik-mata. Nagpakita saakin ang kaluluwa ng anak kong si Jaika. Galit ang mukha nito na para bang punong puno ng galit sa puso. Sa nakita ko ay nawala ang lasing ko. Nag tatakbo agad ako sa bahay na tinutuluyan ko. Simula din nun ay naghanap na ako ng makakasama dito. At doon nakita ko si Mr. Morgan na galing pa sa Mindanao. Kilala siya doon bilang isang magaling na mamamatay tao. Siya ang naging katulong ko para buuin ang siyam na puso na iaalay ko sa anak ko. Malaki ang binabayad ko sa kanya para pumatay ng tao. Hanggang isang araw. Nakidnap niya ang magkapatid na Felix at Grego. Tinakot ni Morgan na papatayin niya ang mga magulang nila kapag hindi sila sumunod sa iuutos niya. Kailangan daw kasi ni Morgan ng makakatulong. Isa pa sa natuklasan namin ni Morgan ay galit ang kaluluwa ng anak ko sa mga bagay na malalakas ang tunog. Ayaw niya ng maingay. Ang kaluluwa niya ay pagala-gala lang dito sa Retreat house. Gabi-gabi ay lalong lumalakas ang presensya ng anak kong si Jaika. Hanggang sa hindi na kami makaalis dito sa retreat house. Binalaan kami ng anak ko na, hinding hindi kami makakaalis dito, hanggang hindi namin nabubuo ang siyam ng puso ng tao. Isa pa, puro puso lang ng babae ang kailangan. Nitong nakaraang araw ay naisip na ni Morgan na mang kidnap na kami ng tao nang maumpisahan na angorasyon. Mamadaliin na daw niya dahil may mga mahahalaga pa siyang gagawin sa Mindanao. Hindi ko inaakala na totoo pala ang mga napapanuod ko sa Horror Movie. Mga kaluluwang ligaw, dimonyo at kung anu-ano pa na hindi ko pinaniniwalaan. Pero ngayon, nag iba ang paniniwala ko ng makita ko ang kakaibang makapangyarihan na kaluluwa ng anak kong si Jaika. Totoo pala na kapag namatay ka ng may galit sa puso ay hindi matatahimik ang kaluluwa mo. Hindi ko lang din lubos maisip na bakit nagkaroon ng itim na kapangyarihan ang anak kong namayapa. Hindi kaya nasulsulan siya ng Dimonyo o di kaya ay nakasanla na ang kaluluwa niya sa isang dimonyo at dun ay ang kapalit nun ay magkakaroon siya ng itim na kapangyarihan. Ayoko sanang isipin yun dahil hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin saamin, lalo na't punong puno ng galit ang puso niya. Sana lang ang mali ako. Kasi kung hindi, delikado kaming lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD