Jhanelle's POV
Matapos manuod sa maduguang pagpatay kay Yanna ay hindi na ako makakain ng maayos. Isa pa, ibang klase ang lasa ng karne nila dito. Nakapagtataka na maganit ang laman at ang hirap ilulon.
Mayamaya pa ay dumating sa loob ng Food room sina Felix at Grego.
Lumapit sila saakin at agad na hinawi ang pagkain ko.
"Sumama ka saamin," mahinhin na sambit ni Felix. May kakaiba. Parang ang bait nila kung mag salita.
"Ma'am Jhanelle, kailangan nyo pong sumama saamin." Napatingin ang lahat kay Grego. Tama ba ang narinig ko. Ma'am ang tinawag niya saakin.
Hinila na nila ako patayo.
"Teka, anong gagawin nyo saakin? Saka anong Ma'am? Anong pakulo ito? Ako naman ba ang papatayin nyo?" Natatakot ako. Baka pinapakuha na ako ni Papa at ako na ang papatayin.
Napatingin ang mga kaibigan ko saakin. Binigyan lang nila ako ng isang lukot na mukha. Alam kong wala silang magagawa. Kapag nagsalita sila ay mapaparusahan lang sila.
Jusko, ito naba ang huling araw ko sa buhay ko?
Inilabas na nila ako sa Food room.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan magtanong sa kanila.
"Kuya Felix at kuya Grego, saan nyo ako dadalin? Papatayin nyo naba ako?" Nanginginig na ang buo kong katawan.
Nagulat ako ng ngitian ako ni Grego. "Wala pong mangyayari sainyong masama, Ma'am Jhanelle. Ang totoo po niyan ay dadalin namin kayo sa ligtas na bahay dito sa Retreat House."
Ha? Anong nangyayari. Bigla akong nabuhayan ng loob. Totoo ba ang sinasabi nila? Kung ligtas ako ay kailangan ay iligtas rin ang mga kaibigan ko. Kakausapin ko si Papa mamaya.
Habang naglalakad ay may natanaw akong Red na bahay. Kakaiba iyun dahil pulang pula ang pintura ng buong paligid ng bahay.
Pumasok kami doon at agad na bumungad saamin sina Papa at Mr. Morgan.
"P-papa?" Bungad kong sambit at saka ako yumakap sa kanya. Ginantihan lang niya ako ng yakap. Yakap na mahigpit na matagal ko ng hindi nagagawa sa kanya. Huling yakap ko sa kanya ay nung grade 5 pa ako.
"Patawarin mo ako, Anak." Sambit ni Papa. Pero teka, hindi kaya, kinukuha lang ang loob ko nitong si Papa at pag tumagal ay isusunod narin niya ako kay Ate.
"Papa? Anong nangyari? Bakit kayo pumapatay ng tao? At saka si Ate? Bakit nyo siya pinatay."
"Mr. Morgan, Felix at Grego, iwanan nyo muna kami dito ng anak ko." Sambit ni papa at agad narin silang nag silabasan.
Kinuwento saakin lahat-lahat ni Papa. Hindi pala siya ang pumatay kay Ate Jaika. ‘Yun pala ang pangalan ng ate ko. Ang gusto lang ni Papa ay gumaling si ate. Hindi niya sinasadya na mangyari iyun kay Ate. Isa pa, iyun pala ang dahilan kung bakit pumapatay sila ng tao. Mahirap mang paniwalaan ay naniwala narin ako dahil seryoso si Papa. Saka natakot ako bigla. Tinanong ko kasi si Papa kung paano namatay ang kaibigan kong si Lester. Sinabi niya na, si ate ang pumatay dito. Dahil daw sa hindi nila kailangan ng lalaki ay agad na nilang pinaing si Lester kay Ate. Alam nilang magsisisigaw si Lester kapag nakita niya ang inaagnas na mukha ni Ate.
Dahil sa pag sigaw ay nagagalit ang kapatid ko. Ayaw na ayaw daw kasi nito ng maingay. Iyun pala ang dahilan kung bakit, isa sa mga rules dito sa Retreat House ay bawal ang maingay dahil nabubulabog si Ate.
"Kung kailangan nyo po ng siyam na Puso ng baba, nakakailan na po kayo sa pag patay?" Tanong ko.
"Tatlo pa lang," maikli niyang pahayag. Naalala ko ang mga kaibigan ko. Hindi sila pwedeng mamatay.
"Papa, 'wag nyo pong idamay ang mga kaibigan ko dito. Sina Ada, Joy, Nikki, Bethy at Jessa. Dalin nyo din sila dito sa Room Safe."
Tumango lang si Papa. Sa wakas, ligtas na kami. Pag uwi ay ako ang magpapaliwanag kay Mommy. Liliwanagin ko sa kanya ang lahat para magkaayos na sila. At sana, tulad na sabi ni Papa ay sana mabuhay nga nila si Ate Jaika ng mabuo na ang pamilya namin.
Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na maaring buhayin pa pala ang taong namatay na. Saan kaya nakilala ni Papa si Mr. Edmond. Yung lalaking kayang kumausap ng mga kampon ng kadiliman. Nakakatakot siyang tao. Sa sobrang pagmamahal ni Papa kay ate Jaika ay kumapit na siya sa Patalim. Kahit sa kasamaan daw sila humingi ng tulong ay wala na siyang pakelam, mabuhay lang daw ang ate Jaika ko.
Jamieson's POV
Matapos kong kausapin ang anak ko ay agad ko nading pinadala sa Room safe ang mga kaibigan niya. Mabuti nalang ay hindi siya mahirap paliwanagan. Di gaya ng Mommy niya na hindi manlang pinakikinggan ang side ko.
Habang nagpapahinga ako sa aking kwarto ay nagulat ako sa kumatok na si Morgan.
"Doctor Jamieson, pwede ka po bang makausap?" Sambit niya sa labas.
"Bukas yang pinto, pumasok ka."
"Doctor Jamieson, patay na ang lalaking kasama ng anak nyo. Mabaho na siya ng madatnan namin sa kulungan niya."
"Sige lang. Ipakain nyo nalang siya sa tatlong babae na natira sa bihag natin."
"Eh, ano pong sasabihin natin sa anak nyo? Hinahanap po nila ito?"
"Sabihin mong hindi mo na makita. Sabihin mong nakatakas na."
"Okay. At teka, paano na nga po pala, doctor Jamieson, kulang na tayo ng limang babae. Nagmamadali na po ako at kailangan na ako sa Mindanao."
"Wag kang mag alala, Morgan. Kasali parin sila sa papatayin natin. Ang anak ko lang na si Jhanelle ang ligtas."
"Ah okay. Wala naman palang magiging problema."
Lumabas nang may ngiti si Morgan sa kwarto ko. Gustong gusto niya talaga ang trabahong pagpatay sa mga tao. Kakaiba siya. Ang lakas ng sikmura niya sa mga dugo dugo na lumalabas sa mga taong pinapatay niya.
Grego's POV
"Naiisip mo ba yung naiisip ko, Felix?"
"Ano na naman yang katarantaduhan mo, Grego?"
"Diba sabi ni Mr. Morgan kasali parin sa papatayin ang mga kabarkada ni Ma'am Jhanelle?"
"Oh ngayon?"
"Matagal tagal na tayong hindi nakakatikim ng putahing paborito natin."
Natawa bigla si Felix saakin. "Naglilibog ka na naman diyan, Grego." Binatukan lang ako ni Felix.
"Basta, pag may papatayin na sa mga kaibigan ni Ma'am Jhanelle, dadalin ko muna ito sa damuhan at magpapakaligaya muna ako. Nasasabik na ako. Matagal na akong walang ka sex."
"Bahala ka, kung iyan ang gusto mo, gawin mo. Kung diyan ka sasaya, sige lang…"