Dapit-hapon na ay pababa ako ng grand staircase nang madatnan ko ang mga butler at maid na may mga dala nang maleta. Including the oldest butler. Kinakausap sila ni Raziel at inaabot nito ang tig-iisang sobre sa kanila. Kumunot ang noo ko na may pagtataka kung anong nangyayari. Kung bakit aalis ang mga iyon. Mukhang naramdaman ni Raziel ang aking presensya kaya tumingin siya sa aking gawi. Napatigil ako sa pagbaba ngunit nanatili pa rin akong nakahawak sa railings. Mas lalo ako nababahala kung bakit seryoso ang mukha niya, maski ang aura niya ngayon. Binawi niya ang kaniyang tingin mula sa kaniya at bumaling siya sa mga taong kausap niya. "Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Huling habilin niya sa mga iyon. "Maraming salamat po, Sir Raziel." Tango lang ang tanging naisagot nito sa kanila. Nan

