Tumigil ang sasakyan sa isang maliit na bahay. Medyo malayo na kami. Ang sabi sa akin ni Raziel ay dalawang oras daw ang biniyahe namin pero wala akong ideya kung nasa Batangas pa rin ba kami. Basta ang nakikita ko lang ay liblib ang lugar na ito. Wala masyadong kabahayan. Napapaligiran ng mga puno at mga halaman ang bungalow house na ito. "Nakahanda na ang bahay na ito bilang matutuluyan natin. Dito din natin h-hihintayin si R-Ramael..." Sabi ni Raziel na may pilit na ngiti. Bumaling ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Ayos ka lang ba, Raziel?" May halong pag-aalala sa aking boses nang tanungin ko iyon. "A-ah! Oo naman. Nasa kanan ang kuwarto mo pala, Beth. Alam kong gutom ka na, ipagluluto nalang kita ng makakain mo." Sabi niya. Tatanungin ko pa sana siya nang tinalikuran

