bc

MAKING YOU MINE AGAIN (SPG)

book_age18+
208
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
possessive
sex
second chance
pregnant
drama
no-couple
mystery
first love
seductive
like
intro-logo
Blurb

-Zamara Guevarra the responsible Daugther and Sister. She sucrifice all her happiness to make her family happy.

-He works in any kind if works to support and buy a medicine for her sisters. Then she met Dale Matthew Sanford, But she only know him in name of Matt.

-What will gonna happen for Zamara when Matt enter her life?

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
~~~~~~ "Mara! Tanghali na hoy!" Sigaw ni Nanay sa labas ng pintuan ng kwarto ko. "Ayan na ho Nay!" Pasigaw ko ding sagot dito at minadali ko ng makapagbihis dahil tatalakan nanaman ako nito dahil nga tinanghali na ako ng gising. Nang matapos sa pagbibihis ay agad akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina para makakain na sana kaso ay inabutan ko i Nanay na nakapamaywang at hinihintay talaga ako. "Asan ang kinita mo kahapon?" Bungad nito sakin ng makaupo ako sa harapan nya sa may hapag. "Ibinigay ko na ho lahat sainyo kagabi Nay, Lasing nanaman kase kayo kaya di nyo nanaman matandaan" Sagot ko dito na nagpataas ng isang kilay nya. "Aba't parang may hinanakit na ata iyang tono mo ngayon Mara ah!?" Pagtataray nito sakin saka ito tumayo at kinuha ang isang bilao at inilapag sa mesa sa harapan ko. "Oh! Ilako mo sa may bayan at ng mapaubos mo lahat! Wag kang uuwi ng hindi ubus yan" Anito na ang tinutukoy ay ang iba't ibang klase ng kakanin na nasa bilao. Tinanguan ko na lang ito at saka na ako nag umpisang kumain, dahil hindi naman ako makakahindi kay nanay , baka makutusan lang ako pag nakataon na tumanggi ako. Nang matapos sa makapananghalian ay tinungo ko muna ang isang kwarto kung saan naroroon ang kapatid kong si Mira na may sakit sa pag iisip at hindi ito makalakad dahil sa kapayatan ng mga buto nya sa paa. Hindi namin alam kung ano ang sakit na dumapo sa kapatid ko dahil hindi namin ito napatignan sa nga espesyalista dahil kapos kami sa buhay. Ako nga ay Highschool lang ang natapos, muntik pa ngang di maka graduate dahil walang pambayad sa graduation fee , buti nalang at mabait ang naging adviser ko noon at sinagot na nito ang bayad para sa graduation ko kaya nakaakyat ako ng entablado. "Hello Mira" Nakangiting bati ko dito saka ako umupo sa tabi nya at ayusin ang kumot na nakabalot sakanya. "Hello ate" Masayang bati nito sakin saka ako niyakap ng mahigpit at humagikhik ito sa tuwa "Kumain kana ba?" Tanong ko dito na agad nyang tinanguan. "Opo! Nisubuan ako ni Nanay" Pumapalakpak pa nitong sagot na kina ngiti ko "Ang very good naman ng Baby kong yan. Dapat lagi kang good girl ah?" Nakangiting sabi ko dito saka ko inilabas ang isang supot ng ipit sa buhok na binili ko sa bayan kahapon para sakanya. "Wow! Ang ganda po" Anito sa mayasang tono at agad na pinag aalis sa balot na plastic para maisuot na nito agad ang mga iyon. "Natutuwa naman si Ate kase nagustuhan mo. Ibibili pa kita ng marami" Masayang sabi ko na kina tango nya agad at masayang tinititigan ang sarili sa kinuha nyang salamin na nasa tabi lang ng unan nya. "Salamat ate" Sabi nito sakin sabay halik sa pisngi at niyakap ako ng mahigpit. "Lahat ng kayang ibigay ni ate para sayo ay ibibigay ko" Nakangiti kong sabi dito at hinagod ang buhok nito sa likod Matapos kong maayusan ang buhok ni Mira at mailagay ang mga ipit na binili ko sakanya ay nagpaalam na agad ako para makapagtinda sa bayan. May kalayuan din kase ang bayan saamin, kailangan ko pang sumakay ng tricycle para lang makapunta doon, kaya mabilis na akong pumara ng masasakyan para mapaubos ko na agad ang paninda ko. "Mang Kanor dyan nalang ho sa tabi" Sabi ko dito na agad naman nyang ginawa at ipinarada na nga ang tricycle sa tabi ng kalsada malapit na din sa palengke "Ito ho ang bayad salamat ho" Pagkaabot ko ng bayad ay dali dali akong tumakbo papalipat ng kalsada. Ngunit sa aking gulat ay may biglang paparating na Motorsiklo na diko napansin at tinamaan nito ang hawak kong bilao kaya nabitawan ko iyon at napa upo ako sa kalsada kaya natapon ang mga paninda kong kakanin. "Ang paninda ko!" Mangiyak ngiyak kong sigaw at dadamputin na sana ang mga kakanin ng biglang may pumigil sakin at hinila ako sa may braso para makatayo. "It's too dirty to put in on your bilao Miss" Anang boritong boses kaya napatingin ako dito. "Ikaw! Kasalanan mo ito!" Sigaw ko dito na kina atras nya bigla "Hey! That's not my fault! Ikaw tong bigla bigla nalang tatawid ng hindi tumutingin" Anito sa mahinahon paring boses Sa inis ay dinampot ko ang bilao ko at pinaghahampas ko ito sakanya. "Punyeta ka! Ako pa sisisihin mo e kung ako tinamaan mo edi napatay mo ako!" Hasik ko dito na agad niyang inilagan at sinalag bawat hampas ko sakanya "Hey! Hey! Stop it! Masakit uy Miss!" Anito habang sinasalag ang mga hampas ko. "Anong nangyayari dito?" Bigla ay dating ng isang enforcer kaya tumigil na ako sa paghampas ko ng bilao sakanya. "Eh sir ito kaseng Lalake na ito, muntik na akong masagasaan kaya natapon ang mga paninda ko" Sumbong ko dito na agad namang inapelahan ng Lalake. "She's the one who show in the road sir, even without any signals that shes going to walk at the road" Mahabang lintaya nito na kinatanga namin ng Enforcer "Puta! Dugo ilong ko don sir" nakangiwi kong bulong sa enforcer na nasa tabi ko lang. "Hindi ka nag iisa miss" Natatawang sagot nito kaya natawa din ako. "Hey! What are you laughing at?" Kunot noong tanong ng lalaki samin ni Kuya Enforcer. "Ah eh Sir, Do you understand tagalog?" Kamot kabot na tanong ni Kuya Enforcer. "Naks! Sir ah Umiinglish kadin ah" Buyo ko dito na kina tawa naming dalawa. "Pinagtitripan nyo ba ako? I think this is a scam, Magkasabwat kayo no? Papalabasin nyo na muntik na kitang mabangga para makakuha ka ng pera sakin no?" Pagkuwan ay sabi ng Lalake na kina kunot ng noo naming dalawa ng Enforcer. "Ano kamo?!" Napapataas kong boses na tanong dito dahil di ako makapaniwala sa tinuran nito. "Teka Sir. Mali naman ho ata ang mambintang kayo ng ganyan. Kayo na nga ho itong nakagawa ng masama kay Miss kayo pa itong mag aakusa na niloloko namin kayo" Sabi ni Kuya Enforcer sa mahinahon na tono. "Oo nga!" Gatong ko dito na kina iling ng Lalake. "Okay ganito nalang ho ah. Sumama po kayo doon sa police station at doon nyo nalang po areglohin ang problema nyo kung hindi ka po naniniwala samin ni Miss?" "Mara po Sir" Sagot ko dito ng tanungin nya ang pangalan ko. "Ni Miss Mara Sir" Pagpapatuloy ni Kuya Enforcer sa sasabihin. "Mabuti pa nga ho Sir para mabigyan ng hustisya yung mga paninda ko" Sagot ko dito na kina tawa ng Enforcer at nauna na itong maglakad na sinundan namin nung Lalakeng muntik ng makabangga sakin. Nang makarating sa estasyon ng pulisya ay napagkasunduan namin nung lalake na babayaran nya yung paninda ko ng 2gives dahil wala daw itong pera at trabaho. Napag alaman ko din na dayo lang pala iyon kaya para makasiguro ay kinuha ko ang mamahalin nyang relong pambisig para hindi ako nito takbuhan. "I'll give you the first payment later" Anito ng makalabas na kami ng police station. "Kailangan ko yun ngayon! Malalagot ako kay Nanay pag wala akong naiprenda sa paninda ko" Nakanguso kong sabi dito na kinatingin nya sakin ngunit mabilis ding nagbawi ng tingin ng makita ko ito. "Ahh! Okay! Okay! Come with me" Anito at itinap ang upuan sa likuran, senyales na pinapasakay ako doon "Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko. "In my rental house. Para maibigay ko yung kalahating bayad" Sagot nito. "Ahhh... Di mo agad sinabi" Sabi ko at mabilis na sumakay sa likuran nya "Humawak ka kaba mahulog ka another bayad nanaman yon" nakangising sabi nito kaya sinamaan ko ito ng tingin. At sasagot pa sana ako ng bigla ay paharurutin nito ang motor kaya sa gulat at kamuntikan ko ng mahulog ay napakapit ako sa baywang nya ng mahigpit hanggang sa makarating kami sa inuupaan nito ay ganon parin ang posisyon ko. Takot Mahulog syempre! "Letse ka! Naiwan ata yung kaluluwa ko sa police station!" Singhal ko dito ng makababa na sa motor nya. Ang bilis kaya nyang magmaneho! "Di yan! Baka nagtago lang" Tawa tawa nitong sagot kaya sinamaan ko ito ng tingin. Nang maka huma ay pinagbuksan na nya ako ng pinto at pinapasok na ako sa may kaliitang apartment nya. Parang room for rent lang ito na para sa mga estudyante dahil sa liit. Pagpasok sa loob ay kumpleto na agad, Meron ng lababo may banyo sa tabi nito at kama na pang dalawaan lang. "Dito ka nakatira?" Tanong ko dito kaya napatingin sya sakin. "Yup! Why?" takang tanong nito. "Hindi kaba nasisikipan dito?" "Hindi naman" "Sa laki mong yan?" "May problema kaba sakin?" Inis na nitong tanong saka ito may kinuha sa cabinet na nasa gilid ng kama. "Wala naman, Na cucurious lang ako" Sagot ko dito na kina lingon nya ulit sakin. "Saan naman?" Takang tanong nya. "Mukhang mamahalin kase yung Motor mo tapos sa ganitong apartment kalang nakatira" Sagot ko na kinatango nalang niya at hindi na nagsalita pa. Nang matapos ito sa ginagawa sa Cabinet ay may inabot ito sakin na pera, nasa tingin ko ay nasa dalawa o tatlong libong piso. "Ang dami naman nito" Gulat kong sabi ng makita ang tatlong libong piso na inabot nya sakin. "Yung kulang sa susunod ko nalang ibigay, Sakto nalang kaseng panggastos ko yung natira" Sagot nito na malayo sa sinabi ko. Parang naguilty ako doon sa sinabi nya kaya dun sa tatlong libong binigay nya ay isang libo lang ang kinuha ko at kinuha ko ang kamay nya at nilagay sa palad nya ang dalawang libong piso. "What are you doing?" Takang tanong nito dahil sa ginawa ko. "Okay na itong isang libo dun sa paninda kong natapon. Itabi mo na yang dalawang libo para may panggastos ka" Nakangiti kong sagot na kina laki ng mata nya "A-are you sure?" paninigurado nya "Oo. Kaya itago mo na iyan" Sagot ko. Akmang aalis na sana ako ng maalalang wala na pala akong pera sa bulsa at tanging yung isang libong bayad nya ang pera ko kaya wala akong pamasahe pauwi "Ah eh ano kase" Nahihiyang sabi ko ng makaharap ulit ako sakanya. "Nagbago ba isip mo?" Nakangising tanong nito na agad kong inilingan "Itatanong ko lang kase kung...." Diko matuloy tuloy ang sasabihin dahil nahihiya talaga ako "What? My Name? My Phone number?" Ngingisi ngisi nyang tanong na kina ngiwi ko. "Asa! Ah ano kase May bente kaba dyan?" kamot ulong tanong ko na kina taka nya. "Ano yun?" Takang tanong nya "Bente? 20 pesos bill" Nahihiyang sagot ko. "Ahh... Wait magtitingin ako, bakit?" Nagtataka talagang tanong nya. "Wala kase akong pamasahe pauwi" Sagot ko dito na kinatawa nya ng malakas. "Yun Lang pala. I'll take you home nalang wala kase akong 20 pesos" Anito sa natatawa parin kaya napayuko ako dahil sa hiya. Nauna na akong lumabas para dito na ito hintayin. At makalipas ang sampung minuto ay lumabas na din ito at iba na ang suot nito. Kung kanina ay balot na balot ito ng itim na jacket, ngayon ay naka V-neck shirt nalang ito na kulay sky blue at six pocket na jeans ito na printed army. "Tara na" Yaya nito saka na ako inalalayan makasakay sa motor nya. Itinuro ko sakanya ang bahay namin para di na ako magcommute pa kung sakaling sa bayan pa ako nito ihatid. Nang nakarating sa tapat ng bahay namin ay agad na akong bumaba ng motor nya. "Thank you sa paghatid" Nakangiti kong sabi dito. Tinanggal muna nito ang Helment na suot nya bago ako sagutin "No worries. By the way I'm Matt and you are?" Pagkuwan ay tanong nito "Ako nga pala si Zamara, Mara for short" Pakilala ko dito sabay lahad ng kamay para makipag shake hands "Nice meeting you Zamara" Ngiting sabi nito at inabot ang kamay ko para makipag shake hands. "Sige na baka gabiin kapa. Salamat ulit sa pag hatid. Ingat" Paalam ko dito na tinaguan nalang nya at pinaandar na nito ang motor nya. Nang makaalis na ito ay pumasok na agad ako sa loob ng bahay namin. Infairness! Gwapo sya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook