CHAPTER-3

2075 Words
~~~~~~ Mula nung mangyare yung eksena sa may kanto at yung pagtatanggol ni Matt saamin ay palagi na itong nagagawi saamin at napalapit na kina Nanay at Mira. Ako na din ang nagtitinda tuwing gabi sa may tulay dahil nalaman ko kay aling yebes na lagi daw itong binubulabog noon ni Marietta si Nanay sa pwesto nito kaya minabuti kong ako nalang ang magtinda tuwing gabi. At naging pabor iyon kay Matt dahil ang binata pala ay laging nasa may tulay at kasama ito sa mga nagkakarerahan ng motorbike tuwing madaling araw. Kaya pala laging malakas ang benta ni Nanay doon ay may ilegal palang karera ng mga Motor na nagaganap tuwing alas onse ng gabi at natatapos ng alastres ng madaling araw. Nalaman kong laman si Matt ng karera, sikat ito dahil ito ang napapabalitang laging kampyon sa naturang karera at wala pa ni isa ang nakakatalo dito. "So doon mo kinukuha ang pang araw araw mo?" Tanong ko dito. Naka upo kami ngayon sa may pwesto ko. "Parang ganon" Tipid nitong sagot "Paano kung walang karera?" Takang tanong ko. "May ipon naman pwedeng tipirin" Kamot ulo nitong sagot na kina ngiwi ko. "Naku! Humanap ka ng stable mong trabaho, Hindi magtatagal ay malalaman din ng mga pulis na may ilegal na karera dito" Payo ko dito na tinanguan nyang agad "Alam ko pero.... saan?" Sagot nito na pinagkibit balikat ko nalang dahil kahit ako ay walang alam na mapasukan na stable. Nagkwentuhan pa kami ni Matt ng tukol sa mga bagay bagay ng biglang may maganda at sexy na babae ang lumapit samin at binulungan si Matt na tinanguan agad nito. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig doon sa babae dahil sa suot nya. Kulang nalang kase ay maghubad na ito dahil sa sobrang iksi ng suot. Yuyuko kalang ay kita na ang pinakatatago mong yaman , maging ang dibdib ay lumuluwa na dahil sa higpit at hapit ng damit na kinulang ata sa tela. Napapangiwi akong makita itong humalik sa pisngi ni Matt bago ito kekembot kembot na umalis sa harapan namin. Nag iwas ako ng tingin ng makita si Matt na nakangiti habang nakatingin sa reaksyon ko dahil doon sa paghalik nung babae sakanya. "She's Liza, Round girl sa race" Bigla ay pakilala ni Matt doon sa babae. "Ah okay" Tipid kong sagot dito at ibinaling na ang atensyon sa mga bumibili ng paninda ko. "Mauna na muna ako at may laban ako" Anito bigla na tinanguan ko agad kaya mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan at umalis na ng tuluyan. Madami dami ang mga bumibi ng mga tinda kong Mineral water , balot , penoy , candy at yosi. Mas mabenta ang yosi dahil karamihan sa mga nandito ay pawang mga kalalakihan na ang bisyo ay sigarilyo. "Hi Mara" Pagkuwan ay bati ng kung sino kaya pagkatapos kong suklian ang naunang bumili ay binalingan ko ito. "Uy Joey?" Di man sigurado ay bati ko dito ng mapag sino ito. Kababata at kaklase ko si Joey mula elementarya hanggang mag high school at nangibang bansa ito pagka graduate namin. "Kumusta kana?" Tanong nito at tumabi ito ng upo sakin. "Ayos lang naman. Ikaw? Naks! Gumwagwapo ka ata ah?" Biro ko dito na kinatawa naming dalawa Nag iba nga ang itsura nito, Yung dating maitim ay biglang pumuti, yung dating bansot ay tumangkad, yung dating patpatin ay biglang maskolado na ngayon, kaya ko lang ito nakilala ay dahil sa mga singkit ang mga mata at ang walang kamatayang braces nito na magmula noon at hanggang ngayon ay nadoon parin. "Talaga ba? So bagay na ako sayo?" Bigla ay biro nito kaya nahampas ko ito sa may braso nya "Palabiro ka parin no" Tawa tawa kong sabi dito na sinabayan nya. "Kumusta si Mira?" Pagkuwan ay tanong nito "Ayun okay lang naman sya, pero hindi na talaga makalakad dahil buto't balat nalang ang mga paa nya" Bigla ay malungkot kong sagot dito. "Naku! Gagaling din yan" Pagpapakalma nito sakin. "Sana nga" nakangiti kong sagot. "Ano pala ang natapos mo?" Pagkuwan ay tanong nya "Jusko Joey! Nakalimutan mo na ba na muntik na akong di maka graduate ng Highschool tapos tatanungin mo ako kung ano natapos ko?" Mapakla kong ngiti dito na kina tawa namin ng sabay. "Ay Oo nga pala, Pasensya na" Paumanhin nito na agad kong inilingan "Ikaw? Mukhang umaasenso ah?" Biro ko dito. "Engineer na ako, actually kakapasa ko palang sa board exam nung makalawa kaya napauwi kami dito ni Nanang" Ang tinutukoy nito ay ang kanyang Ina. "Naks! Congrats ah. Pakikumusta ako kay Nanang Delia" pukaw ko sa Ina nito "Pasyal ka bukas sa bahay" Pagkuwan ay yaya nya. Akmang sasagot na ako ng bigla ay dumating si Matt at nagsimula na itong magligpit ng paninda ko. "Teka! Maaga pa ah?" Takang tanong ko dito ngunit hindi ito kumibo at pinagpatuloy ang pagliligpit sa paninda ko at isinukbit na sa motor nya ang basket ko. "Teka pare! Sino kaba?" Bigla ay singit ni Joey kaya napabaling ang atensyon ni Matt dito "And who the hell are you too?" Maangas at nakakatakot ang tono nitong tanong kay Joey kaya napaatras ito ng bahagya "Ah Matt ito nga pala si Joey Kaklase ko noon at kababata ko, Joey si Matt nga pala ka----" "Boyfriend nya" Bigla ay putol ni Matt sa sasabihin ko na kina gulat ko. "May boyfriend kana pala Mara. Congrats" Ani Joey na lalong nagpagulo ng utak ko. "Ahh eh Joey kase----" "We need to go. May paparating na parak" Pagputol nanaman ni Matt sa sasabihin ko kaya aligaga akong nag ligpit na din ng paninda at walang anu ano'y sumakay na sa likod ng motor ni Matt "Sa susunod nalang tayo mag kwentuhan Joey. Mauuna na kami" Paalam ko dito at akmang kakaway pa ako dito ng bigla ay paandarin na ni Matt ang motor kaya napakapit ako sakanya dahil muntik na akong mahulog Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay mabilis akong bumaba ng motor nito at kinuha ang basket na nasa motor nya. "Salamat sa paghatid" Mahihimigan ang pagod at nahihiya kong tono sa pagkasabi ko non. "Did you like that guy?" Bigla ay seryoso nyang tanong kaya napaangat ako ng tingin sakanya. "ah? A-ano bang sinasabi mo dyan?" Naiilang kong balik tanong sakanya. "Yung Joey, Do you like him?" Tanong ulit nito na agad ko namang inilingan. "Hindi ah!" Agarang pagtanggi ko. "Good! You may go inside, Goodnight" Pagkuwan ay sagot nya at nagmamadali na itong umalis ng di man lang ako hinintay na magsalita pa Nagtataka man sa ikinilos nito ay pinagwalang bahala ko nalang at tumuloy na nga ako sa pagpasok sa bahay namin. ala una na ng madaling araw , pero maaga ako ngayon sa usual na uwian ko. Naligo muna ako bago ko napagpasyahan na matulog na sana ng biglang may makapa akong box sa basket na bitbit ko kanina kaya kinuha ko iyon at tinignan. "Cellphone?!" gulat kong patanong sa sarili ng makilanlan ang hawak kong bagay Mukha itong mamahalin at katulad ito ng mga nakikita kong latest na brand ngayon. Binuksan ko agad ito at sinuri ng may mapansin na isang maliit na piraso ng papel kaya kinuha ko iyon at binuksan. May nakasulat na note doon. Hi Zamara! Hope you like it my simple gift for you. I save my number already there so you can call me anytime. Have a nice day :-) Basa ko sa note na nakasulat doon Walang pangalan na nabanggit kung kanino galing kaya dali dali kong binuksan ang Cellphone at minabuting idial ang number na tinutukoy nito na naka save na ang nakalagay na pangalan ay Mr.NiceGuy. Ilang ring pa ang narinig ko bago may sumagot sa kabilang linya. "H-hello?!" Bungad ko ng sagutin nito ang tawag ko. "Hey! i just got home already" Sagot nito na nagpalaki ng mata ko. "M-matt?" Paniniguro ko na sya nga ang nasa kabilang linya. "Yes its me! Did you like my gift?" Di ko man ito nakikita , batid kong nakangiti ito dahil sa tono ng boses nya. "ah.. Oo nagustuhan ko, pero mahal ito diba?" Nahihiya kong sabi dito ngunit dinig ko itong tumawa lang "Hindi naman. Actually hindi ko binili yan, yan kase yung ipinusta kanina sa race, e i have one na so i desided to give it to you" Mahabang paliwanag nito na kina tango ko nalang "Ahhh.. Ganon ba? pero bakit sakin?" Nag aalinlangan kong tanong ulit "Why not? don't you like it?" "Naku! Hindi naman sa ganon, ngayon lang kase ako nakatanggap ng ganitong regalo" Napapahiyang sagot ko na kina tawa nya ng bahagya. "Edi mas okay. Ako ang unang nagregalo sayo ng ganyan" Sabi nito na nagpapula ng mukha ko. Buti nalang at wala ito sa harapan ko kung hindi ay baka magpalamon na ako sa lupa dahil sa sobrang hiya "Salamat ah" Pasasalamat ko dito sa nahihiyang tono. "Your welcome. Atleas now we have a communication" Sabi nito. "Di naman ako mahilig sa ganito, pero salamat talaga ng marami" Pagpapasalamat ko ulit dito na tinawanan nya ulit. "Ano kaba! Wala yon, basta ikaw" Anito na lalong nagpapula ng mukha ko. Para akong timang na kinikilig sa mga simpleng sinasabi nito kahit ang totoo ay wala naman talagang nakakakilig sa mga sinasabi nya. "Its already late, you have to go in your bed and get some rest and sleep" Pagkuwan ay sabi nito na agad ko namang tinanguan. "Okay. Ikaw din magpahinga kana. Goodnight" Sagot ko dito "How sweet. Good night too. Bye" Anito at ibinaba na ang tawag. Wala ako sa sariling tinungo ang kwarto ko at napapangiti akong nahiga doon. Para akong baliw na iniimagine ang mukha ni Matt na sobrang gwapo. Sa totoo lang po ay unang kita ko palang kay matt ay hinangaan ko na ito dahil sa mala artistahin nyang itsura, Matangkad at mistisuhin, maskulado ang katawan na para bang alaga sa pag g-gym, ang mga mata nyang kulay abo, ang matangos nitong ilong , ang mapula pula at may kakapalan ang mga labi. Gosh! Ang perfect nya para sa isang simpleng tao lamang. Kung hindi ko pa ito kilala ay mapagkakamalan ko itong anak mayaman. Kaso nga lang ay ulila na daw ito at nag iisa nalang sa buhay kaya kahit anong raket ay pinapatos, naitaguyod lang ang pang araw araw nya. ~~~~~~ Kina umagaan ay nadatnan ko si Nanay na naglalaba sa may likod bahay. "Hoy Mara! Pwedi ba tayong mag usap?" Pagkuwan ay tanong ni Nanay sakin matapos kong ilagay ang mga kumot at pundang marurumi. "Tungkol ho saan nay?" Tanong ko dito at naupo sa tabi nya na nasa harapan ng labahan nya "Nanliligaw ba yang si Matt sayo?" deretsahan nyang tanong sakin na kinagulat ko. "Naku! Si nanay napaka tsismosa, Hindi po no" Natatawang tanggi ko dito "Aba'y Nagtatanong lang tsismosa na agad?" Mataray nitong sabi na lalong nagpatawa sakin. "Bakit nyo ho ba kasi natanong?" Tawa tawa kong tanong dito. "Napapansin ko kase ang malalagkit nyang tingin sayo. Akala ko nga ay Nobyo mo na iyon" Sagot nito na kina ilang ko bigla. "Hoy Mara! Naku sinasabi ko sayo, maghanap ka ng lalake na mag aahon satin sa kahirapan hindi yung puro gwapo lang pero wala namang maipakain sayo" Tuloy ni Nanay sa sasabihin ng hindi ako makasagot sa naunang sinabi nito. "Hindi nyo po ba gusto si Matt para sakin kung sakali na magkagusto sya sakin nay?" Seryosong tanong ko dito at pinakatitigan ko ito sa mata. Nagbabakasakali na sabihin nito na gusto nya ngunit kabaliktaran ang sinagot nito. "Hindi si Matt ang nararapat sayo anak. May mas bagay sayo. Oo nandun na ako sa mabait sya at magalang, pero hindi tayo mabubusog ng bait at galang lang anak, ni wala nga itong permanenteng trabaho , pano kapa nya maitataguyod?" Mahabang lintaya nito na nagpabagsak ng mga balikat ko. Gusto ko si Matt Nay.... Gusto ko yung sabihin sakanya ngunit kita ko sa itsura nito na seryoso sya sa sinasabi nya. Oo tama lahat ng sinasabi ni Nanay, hindi sapat ang Mabait at Magalang lang. Sa estado kase ng buhay namin na isang kahig isang tuka ay kailangaan talaga namin ang isang taong mag aahon samin sa kahirapan. Pero kahit alam kong tama ang mga sinabi ni Nanay ay meron sa loob ko na tumututol at sinasabing sundin ko ang nasa puso ko. Nang hindi na magtanong pa si inay ay tinulungan ko nalang itong mag laba na agad naman naming natapos. TO BE CONTINUE.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD