~~~~~~>
"Nay! Nay! Nandito na ho ako!" Namumugto man ang nga mata ay masaya kong sinabi iyon ng makapasok sa loob ng bahay namin pagkatapos ng usapan naming iyon ni Joey.
Halo halo ang nararamdaman ko ngayon, Malungkot dahil nasaktan ko si Joey dahil sa nangyari ngayon lang. Masaya o mas tama bang sabihin na sobrang saya dahil pinalaya na ako nito at nalaman kong dala ko sa aking sinapupunan ang magiging anak namin ni Matt.
Gulat at nanlalaki ang mga mata kong napahawak sa kaliwang pisngi ko ng salubungin ako ng malakas na sampal ni Nanay.
"Nay?..." Gumagaralgal ang boses kong pagtawag sakanya.
"Narinig ko lahat ng napag usapan nyo ni Joey. Jusko Mara! Ang tanga mo! Ang tanga tanga mo!" Nanggigigil , galit at nauubusan na ng pasensyang sabi ni Nanay sakin habang ang mga palad ay pinipigilan nyang masaktan ulit ako.
"Patawarin nyo po ako" Umiiyak ko nang paghingi ng tawad dito
"Hindi ko din matatanggap ang batang yan sa sinapupunan mo!" Galit at seryoso nitong sabi na kina gulat ko.
"Nanay?" Nabibigla, gulat kong pagtawag ulit sakanya
"Narinig mo ako Mara! Lumayas ka dito at sumama kana sa Matt na iyon! Hindi ko kailangan ang anak na disgrasyada!" Pasigaw nitong sabi sabay turo sa pintuan kung saan ako pumasok.
"Nay! Baka pwede naman nating pag usapan ito ng maayos" Pagmamakaawa ko nagsusumamo saka ako lumuhod sa harapan nito at hinagilap ang mga kamay nya ngunit tinabig nito ang mga kamay ko.
"Wala na tayong dapat na pag usapan. Pinili mo ang lalaking iyon kaya lumayas ka ngayon din! Hindi ka namin kailangan ni Mira!" Desidido, galit na galit nitong sabi saka ako inakay palabas ng bahay at pabalyang binitawan sa tapat ng pinto at pabagsak na pinagsarhan ako nito.
Tanging pag iyak nalang ang ginawa ko habang nililisan ang bahay namin habang nakatanaw dito.
Minabuti kong magpunta sa apartment ni Matt. Nagbabakasakali na naroon na ito at nakabalik na, ngunit si Aling Nenita ang nadatnan ko doon na naglilinis ng bahay.
"Magandang umaga ho aling Nenita" Bati ko dito ng makapasok sa loob ng bahay.
"Magandang umaga din Ija" Nakangiti man ay batid ko ang sungit nito.
"Bakit ho ninyo inaalis ang mga gamit ni Matt?" Nagtataka ko ng tanong dahil isinisilid nito ang mga gamit ni Matt sa isang kahon.
"Naku! Ipapa upa ko na itong unit na ito sa iba. Aba'y mukhang wala ng balak bumalik ang nobyo mo!" Masungit na nitong sagot na kina tungo ko.
"Babalik pa oh iyon Aling Nenita" Napapahiya kong sabi kaya namaywang itong tumingin ng deretso sakin at itinigil panandalian ang ginagawang pagliligpit.
"Hindi na babalik yon! Kung babalik iyon e asan? Halos dalawang buwan na syang wala Mara. Tinakasan na yung bayad sa upa, baka pati ikaw ay tinakasan na din!" Mataray, Naiinis nitong sabi na nagpangilid ng luha ko sa mata.
"Magkano ho ba ang upa nyo dito?" Yun nalang ang naitanong ko ng maiba ang usapan namin dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
"Tatlong libo ang buwan, Libre na ang lahat ng bills. Isang buwan palang naman ang utang ng nobyo mo dahil bayad ito nung nakaraang buwan" Sagot nito habang nagpapatuloy sa ginagawang pagliligpit.
Bumunot ako ng tatlong libo sa maliit na shoulder bag ko. Pera iyon ni Matt na hindi ko nagamit sa hospital dahil sinagot lahat ni Nanang Delia ang gastusin ni Mira sa hospital, kaya naitabi ko ang Bentemil na iniwan ni Matt sakin.
"Ito po ang bayad Aling Nenita. Ako na po muna ang tutuloy dito habang wala pa si Matt" Abot ko sa tatlong libo matapos ko itong hugutin sa bag ko.
Napatigil ito sa ginagawa at tinitigan muna ang hawak kong pera bago nya iyon tinanggap at tumingin sakin.
"O sige. Kung ganon iiwan kona dito ang mga ito, ikaw nalang ang bahalang magbalik sa mga nailigpit kona" Anito habang binibilang ang perang inabot ko at mabilis na ibinulsa iyon.
Tanging pagtango nalang ang naisagot ko at nagpaalam na itong aalis na.
Pagkaalis ni Aling Nenita ay kinuha ko ang Cellphone ko sa bag para tawagan ang numero ni Matt..
The number you have dial is iether on attended or out of coveraged area..Please try your call later..toot toot toot
Laging ganito ang sinasabi sa linya kapag sinusubukan kong tawagan ang numero nya. Napapabuntong hininga nalang akong nahiga sa kama at hinaplos ang wala pang umbok kong tiyan kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Nasaan kana Matt?....
Nakatulugan ko ang pag iyak at pag iisip kay Matt. Naalinpungatan lang ako ng maramdaman ang gutom. Mabilis akong makaramdam ng gutom ngayon, mga isang linggo na ang nakalipas dahil pala iyon sa pagbubuntis ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw , linggo at buwan na hindi na talaga nagparamdam at nagpakita si Matt saakin. Sa apartment parin nya ako tumutuloy ngayon at Limang buwan na ang aking tiyan
"Mara! Paki bigay nga ito doon sa table 4" Utos ni Mama Linda, May ari ng karinderyang pinagtatrabauhan ko ngayon.
May dalawang buwan na akong nagtatrabaho dito. All around kaya medyo nakakapagod pero ayos naman ang sahod at mabait si Mama Linda.
Minsan taga luto, minsan taga hugas ng plato at minsan taga linis ng mga mesa at taga serve ng mga order ng mga costumers.
May kalakihan ng kaunti ang karinderya ni Mama Linda. Mabenta din kase ito lalo na sa mga construction worker na nakapalibot sa karinderya. Kaliwa't kana kase ang mga biulding na nagpapagawa sa tapat lang ng karinderya kaya halos lahat ng nagtatrabaho doon ay dito kumakain, kaya nakakapagod ang trabaho namin pagdating ng alasdose, hindi kami magkanda ugaga sa pag asikaso sa mga kumakain pagdating ng lunch break nila.
"Sige ho Mama" Pinagpapawisan man ay nakangiti kong kinuha ang inaabot nitong tray at isinerve iyon sa table 4 na tinutukoy nya.
Nang marating ang table 4 ay sina kuya Benjo ang nadatnan kong naroroon. Mababait ang mga construction worker na kumakain dito kaya nakikipag biruan ako minsan at nakikisakay sa mga biro nila.
"Uy Mara! Ang laki na nyang tiyan mo ah? Kailan ang kabwanan mo?" Nakangiting bungad ni Kuya benjo ng mailapag ko na ang mga order nilang pagkain.
"Matagal pa Kuya Benjo, kailangan ko pang mag ipon" Nahihiyang sagot ko dito
"Ninong ako ah" Prisinta nito na kina ngiti ko.
"Sige ba! Hindi ko tatanggihan yan" Biro kong sagot na kinatawa namin ng sabay.
Nagpaalam na akong babalik sa kusina dahil sunod sunod na ang mga costumer na pumapasok sa karinderya dahil Alasdose na at oras na ng Rush hour work namin na agad nyang tinanguan.
Nasalubong ko sina Bea at Julie na may kanya kanyang hawak na tray para i serve kaya minabuti kong magtungo sa lababo at hugasan ang mga nagamit ng pinggan at kubyertos. Tatlo lamang kase kaming katulong ni Mama Linda dito sa Karinderya. Mababait naman sina Bea at Julie kaya nagkakaintindihan at nag bibigayan kami sa mga trabaho namin.
"Mara! Tapos kana dyan? Pwede mo bang idala ito sa Table 9 kay Don Diego?" Tanong ni Mama Linda at inilagay nito ang isang tray na may lamang adobong manok at dalawang plato na may tag iisang cup ng kanin.
Ang tinutukoy nitong Don Diego ay ang regular naming costumer na siyang inhero ng isang malaking building sa tapat ng karinderya, Mula daw kase ng matikman ang adobong manok na luto ko ay lagi na itong nagagawi sa karinderya dahil napaparami daw ang kain nito dahil sa sarap ng pagkakaluto ko ng Adobong manok.
"Sige ho Mama" Nakangiting sagot ko at agad na binitbit ang tray na naglalaman ng order ni Don Diego.
Mabait ito at pala kwento. Siya yung matandang lalake na nagpasakay saakin noon at hinatid ako sa harapan ng hospital noon. Nagulat pa nga ito noong una akong makita dito sa karinderya dahil natatandaan daw nya ako. Kaya mula noon ay lagi na itong nagagawi dito at kumakain lalo na nung malaman nyang ako ang nagluluto ng adobong manok na lagi nitong inoorder.
"Magandang tanghali po Don Diego" Nakangiti kong bati dito ng makalapit sa mesa nito kasama nya si Mang Nestor na driver nito at assistant na din.
"Hello Mara. How are you?" Masayang bati nito sakin ng matingala ako.
"Okay lang ho. Kayo ho?" Sagot ko dito habang inilalagay sa mesa nito ang dalang order nya.
"Oh craft that Po and ho. Nakakatanda masyado" Natatawa nitong sabi na kina tawa ko din.
"Pasensya na" Pagpapa umanhin ko.
"Have you eat lunch already?" Pagkuwan ay tanong nito.
"Busog pa naman ako, saka mamaya pa kami pwedeng kumain dahil oras ng pagdasa ng mga costumer ngayon" Mahabang sagot ko dito.
"is that so? Okay, wag nagpapagutom ah at baka magutom din si Baby" Ngiting sabi nito na agad kong tinanguan at nag umpisa na itong kumain kasama ni Mang Nestor.
Kaliwa't kanang ang paparito't paparoon ko dahil sa pag serve ng mga orders ng costumers, Papalit palit kami nila Bea at Julie ng trabaho. Minsan magseserve, minsan maglilinis ng mesa o di kaya ay maghuhugas ng mga plato.
Napapabuntong hininga kaming sabay sabay na naupo sa mahabang upuan dito sa kusina nina Julie at bea, matapos ang trabaho. Ala una imedya na ng tuluyang maubos ang mga kumakain dahil oras na ng trabaho nila.
"Kumuha na kayo ng pagkain nyo doon, lalo kana Mara at baka gutom na si Baby" Pagkuwan ay sabi ni Mama Linda ng pumasok ito sa kusina.
Tanging pag tango nalang ang naisagot naming tatlo dahil sa kapaguran at nagsitungo na sa stante para kumuha ng makakain namin.
Ito ang maganda sa trabaho ko, libre lahat maging ang pagkain tapos ay maganda pa kung magpasahod si Mama Linda. Naiuuwi pa namin ang mga tirang ulam pag hindi na ubos. Kaysa masira at masayang daw ay ibinibigay nalang ni Mama linda samin. Malaking tulong iyon saakin kaya nakakaipon ako at may naipambabayad sa upa ng bahay.
Almusal na nga lang ang nagagastos ko at pamasahe papunta at pag uwi. Mula kase sa tanghalian hanggang sa hapunan ay libri ang pagkain ko kaya malaking tulong talaga iyon sakin lalo na sa papalapit kong panganganak.
Day off ko tuwing linggo kaya nagsisimba ako at sumasaglit sa bahay namin para silipin sina Nanay at Mira. Minsan pag nakita ko si Nanay na umaalis ng bahay ay sinasalisihan ko ito para makita at makausap si Mira na nililihim naming dalawa.
Inaabutan ko lagi ito ng pera para may panggastos sila sa tuwing hindi nakakabenta ng kakanin si Nanay. Hindi na kase ito nakakapagtinda sa gabi mula nung mawala ang karera ng mga motor na talamak noon sa may tulay.
"Itabi mo ito ah. Kapag wala na talagang mailabas si nanay ay saka mo ibigay sakanya" Nakangiting sabi ko kay Mira saka ko inabot ang pera sakanya.
"Naku ate, marami na ang naipon ko sa mga bigay mo dahil ayaw tanggapin ni Nanay. Alam nyang galing daw sayo ang mga iyon" Mahabang sabi nito saka nito kinuha ang isang maliit na box saka nito binuksan at pinakita ang laman saakin.
Mga pera iyon na naipon nya galing sa mga bigay ko at marami rami na nga ang mga iyon.
"Basta! Itago mo ang mga iyan. Pambili mo ng mga gusto mo kung ayaw ni Nanay. Mag iipon pa ako ng pambili sa wilchair mo" Nakangiting sabi ko saka ko ginulo ang buhok nito.
"Wag na ate. Ipunin mo nalang yon para sa baby mo. Ipakita mo agad sya sakin paglabas nya ah?" Pagtanggi nito sabay haplos sa tiyan ko.
"Oo naman! Sige na magpahinga kana. Binilhan na din kita ng gamot para sa isang linggo, wag kang papalipas ng gutom ah. Mauuna na ako baka maabutan ako ni Nanay" Habilin ko sakanya saka na ako nagpaalam.
Para akong kriminal na palinga linga sa paligid bago tuluyang lumabas ng bahay. Natatakot at nahihiya ako kay Nanay kung sakaling magpang abot kami. Minsan na kase ako nitong nahuli na sinisilip sila sa may labasan at ipinahiya ako nito sa mga taong dumadaan kaya mula noon ay maingat na akong pumaparito sakanila.
Nang nakauwi sa inuupaan ko ay mabilis akong nakatulog dahil sa paglalakad ng malayo at pamimili ng mga iilang gamit pambata. Tuwing linggo kase ay namimili na ako ng tig isa o dalawang gamit na gagamitin ko sa panganganak.
KAYA KO ITO KAHIT WALA KA........