~~~~~~>
Nang makarating sa floor at tapat ng room ni Mira ay dali dali ko itong pinasok. Nang makapasok ay madaming pasyente ang nakahiga sa mga bed na naririto sa ward.
Di gaya sa mga private room itong kinalalagyan ng kapatid ko ngayon. Nasa sampu hanggang labing dalawa ang mga higaan ng mga pasyente dito, hindi din gaya sa mga private room na naka aircon, tanging bentilador lang na sa tingin ko ay aapat lang o lima ang bilang. Halos hindi na nga maabuban ng hangin ang mga nasa dulo na pasyente dahil ang iba sa mga iyon ay naka steady ang andar sa iisang pasyente. Hindi rin kagandaan ang amoy ng kwarto dahil maliban sa mga pasyente na naririto ay may mga dalawaan o higit pang bantay ang iisang pasyente.
Nakita ko si Nanay na nasa may dulo kaya dali dali ko itong nilapitan. nakatungo ang ulo nito sa kama at mukhang tulog ito habang si Mira ay mulat ang mata at nakatitig sa bintana habang tanaw ang buwan na bilog na bilog.
"Mira?" Mahinang pagtawag ko dito kaya napabaling sakin ang kanyang paningin.
"Ate" Naiyak nyang pagtawag sakin kaya dinaluhan ko agad ito.
"Anong nangyare? May masakit ba sayo?" Sunud sunod na tanong ko at sinuri ang kabuohan nito.
"Ang sabi po ng doktor ay kailangan ng putulin ang mga paa ko" Umiiyak nitong sagot na kina habag ko.
"Bakit? Diba ay gumagaling na ang iyong mga paa?" Maluha luha ko ng tanong ulit.
"Hindi ko po maintindian ang iba nilang pinag usapan ni Nanay, pero yun lang daw po ang paraan para hindi kumalat ang impeksyon" Mahabang paliwanag nito sa umiiyak na boses.
"Tahan na. Kakausapin ni ate ang doktor mo at gagawan ng paraan ni ate ah" Pang aalo ko dito saka ko pinunasan ang mga luhang lumandas sa mga pisngi nya.
Nagpaalam ako dito na pupuntahan muna ang doktor na tumingin sakanya para malaman ko ang tunay nyang lagay.
Nang marating ang kinaroroonan ng Doktor na sinabi nung nasa nurse station ay mabilis ko itong hinanap at hindi naman ako nabigo dahil nasa isang table lang ito sa OR habang tumitingan sa mga chart ng mga pasyente.
"Doc. Ramsel?" Pangungumpirma ko kung tama ba ang doktor na nalapitan ko.
"Yes? How may i help you?" Sagot nito ngunit hindi inalis ang paningin sa mga binabasang chart.
"Ako po pala si Mara ate po ni Zaimira Guevarra" Pagpapakilala ko dito kaya nag angat ito ng tingin sakin at mabilis na tumayo sabay ayos ng white gown nito.
"Yes miss guevarra?" Mabilis nitong tugon habang inaayos ang salamin sa mata
"Itatanong ko lang po kung ano po ang lagay ng kapatid ko" Nahihiya kong tanong sabay tungo sa mga kamay kong nakasalikop.
"Hindi pa ba nabanggit ng Nanay nyo ang lagay ng kapatid mo?" Tanong din nito at may kinalkal na chart sa mesa nito na sa wari ko ay ang chart ni Mira.
"Natutulog na po kase ang Nanay doc. Si Mira naman po ay iilan lang ang narinig at nalalaman sa napag usapan nyo daw po ni Nanay kaya minabuti kong personal na malaman sainyo ang lagay nya" Mahabang paliwanag ko dito na kinatango tango nya at binulatlat ang chart na nakuha nya sa mesa nito.
"Okay. So eto nga ang lagay ng iyong kapatid ay meron syang sakit sa buto at malala na iyon na umabot na sa impeksyon. Hindi na namin iyon maagapan sa mga antibiotics kase ay malala na nga at hindi naagapan agad" Mahabang paliwanag nito na pinanlumo ko at mabilis na nangilid ang mga luha ko sa mata.
"Totoo po ba na ang pagputol lang sa mga binti nito ang tanging paraan para maagapan iyon?" Maiiyak ko ng tanong ulit dito.
Hindi kaagad ito sumagot, sa halip ay nakita ko itong may kinakalkal nanaman na kung ano sa kabinet ng mesa nito at may inilabas itong isang supot na sa wari ko ay tissue iyon saka ito bumunot doon at inabot sakin.
"Stop crying Ms.Guevarra, Hindi maganda na ganyan ang ipakita mo sa kapatid mo, baka panghinaan din yon ng loob pag nakitang nahihirapan kayo ng Nanay nyo ng dahil sakanya" Anito na tinanguan ko agad at mabilis na pinunasan ang mga tumulong luha sa mata ko.
Tama si Doc. hindi ko dapat ipakita sa kapatid ko ang kahinaan ko dahil baka sumuko din ito kahit na pilit itong lumalaban.
"Halika at ipapaliwanag ko sayo ang lagay ng kapatid mo" Anito at iminuwestra nito ang daan patungo siguro sa opisina nito.
Di nga ako nagkamali. Pinapasok ako nito sa isang kwarto na gaya ng isip ko ay opisina nga nito at pina upo ako sa upuan na nasa tapat ng mesa nito kung saan may nakalagay na plate at nakasulat doon ang pangalan nitong D.M Ezekiel Ramsel.
Nang makaupo ito sa upuan nya ay may kinuha itong picture ng X-ray na sa wari ko ay kay Mira iyon dahil dalawang mahabang buto ang naka ukit doon.
"Here's your sister's X-ray Ms.Guevarra, As you can see her bone is crack. Actually both of them is crack. Itong sa kaliwa ay nalulusaw na at ang ibig sabihin non ay sobrang lala na habang ang kanan naman ay papunta na rin doon" Paliwanag nito sa X-ray ng kapatid ko na lalong nagpalumo sa nararamdaman ko.
Paano nagkaganito? Wala namang idinadaing saakin si Mira... palagi pa itong masayahin kapag binibisita namin sya ni Matt sa kwarti nya.
"I know what's on your mind. Base on your mither, Your sister Zaimira is a Happy and strong woman, but deep inside she's weak " Anito sa malungkot na boses na lalong nagpalumo sakin.
"Totoo po iyon doc. wala ka pong makikitang hirap o sakit sa mukha nya dahil lagi itong nakangiti at sinasabing ayos lang sya at magaling na sya" Maiiyak ko nanamang sabi dito kaya napatungo ulit ako sa mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko.
"Kahit ako ay nakita iyon kanina ng dalhin siya ng nanay nyo kanina. Imbes na dumaing sa nararamdaman ay nakangiti pa ito at inaalo ang inyong Ina na tumahan at siya'y ayos lamang daw" Tatango tango nitong kwento habang pinagmamasdan ang chart ng kapatid ko na para bang inaaral mabuti ang kaso nito
"Magkano po ba ang gagastusin sa operasyon doc?" Nangangatal, kinakabahan , at naiiyak kong tanong dito.
Kahit alam kong wala akong mailalabas na pera ay kailangan kong malaman iyon para magawan ng paraan. Kahit anong trabaho at raket ay papasukin ko mailabas lang ang kinakailangang halaga sa operasyon ni Mira.
"I think it will cost a hundred thousands or more. Hindi din kase ako o kami dito ang mag ooperate ng operasyon nya kung sakaling ipapaopera nyo na sya" Paliwanag nito na kinalaki ng mga mata ko.
Hundred Thousands?
"A-ng....Ang laki naman ho doc. Saan ako kukuha ng ganoon?" Napapanga nga, gulat kong tanong.
Nagkibit balikat nalang ito sa kawalan ng maisasagot sa tanong ko at napapabuntong hiningang tumayo ito at tinungo ang isang pinto na hindi ko matukoy kung ano iyon.
Paglabas nito ay may dala na itong dalawang tasa na mukhang kape ang laman, tapos ay inilapag nito sa mesa sa harapan ko ang isa habang ang isa ay sa harap nya at kanya.
"Salamat po" Pagpapasalamat ko sa kapeng binigay nito at kinuha iyon para mainom
"No worries" naka ngiting sagot nito saka ito humigop sa tasa nito na ginaya ko.
"Ah doc sino po ba ang mag oopera kung sakali?" Tanong ko dito matapos makainom sa kape.
"Ipapalipat ko sya sa Main Hospital dahil wala kaming sapat na kagamitan para sa pag opera ng kapatid mo" Deretsahan nitong sagot na kinagulat ko.
"E doc baka hindi lang ho isang daang libo ang kakailanganin doon kundi milyon" Nanlulumo kong sabi na kinabuntong hininga nya ng malalamin.
Madami pa itong ipinaliwanag tungkol sa lagay ni Mira at proseso ng pagpapaopera nito. Nanlulumo akong lumabas ng opisina nito ng makapagpasalamat at makapag paalam na babalik na ako sa kwarto ni Mira.
Pekeng ngiti ang gumuhit sa mukha ko ng mabungaran si Mira na gising pa at sa tingin ko ay hinihintay ako nitong makabalik para malaman nito ang napag usapan namin ng doktor nya.
"Anong sabi ate?" Tanong nito sa nakangiting tono at akmang uupo ito ng pigilan ko.
"Magpahinga kana at mag uumaga na, bukas nalang kita kukwentuan tungkol sa napag usapan namin ng doktor mo" Nakangiti ko ding sagot dito na agad nyang tinanguan, kaya ipinikit na nito ang mga mata nya at mabilis na nakatulog.
Nang makaupo sa isang silya na katabi ni Nanay ay doon ko palang naramdaman ang sobrang pagod. Nahilamos ko ang sariling mga kapad sa mukha ko sa dami ng iniisip ko.
Gaya ng kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga at kung paano ko maisasalba ang buhay ni Mira.
Ayon kase kay Doc. Ramsel, pag hindi naagapan at naputol ang mga binti ni Mira ay kakalat daw sa buong katawan ni Mira ang impeksyon at pwede daw nya iyon ikamatay.
Napapapikit akong napasandala sa sandalan ng silya ko at napatingala sa puting kisame. Napitlag lang ako sa pag iisip ng maramdaman ang pag vibrate ng cellphone sa bulsa ng maong kong pantalon kaya dali dali ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang nagpadala ng mensahe.
Matt....
May mahigit sa sampo na itong Misscalls at aabot sa bente o trenta na ang text message nito na kina gulat ko.
Fr: Matt ?
- Where are you Mara?
I was looking for you
all night.
Recieve 3:17 am
Huling basa ko sa mensaheng pinadala nito. Pagod at nanlulumo man ay nagtipa ako para replayan ito, ngunit pagkasend ko ng replay ko ay may mensahe nanamang dumating galing sakanya.
Fr: Matt ?
- Walang tao sa bahay
nyo Mara. Where are you?
Answer my calls and texts.
Recieve 3:21 am
Magtitipa nanaman sana ako ng replay doon ng bigla ay tumunog ang Cellphone at lumabas ang Pangalan ni Matt sa screen. Tumatawag ito
"Hello Matt" Bungad kong sagot dito.
"My gad Mara! Where are you? I'm so worried about you" Nasa tono nga nito ang pag aalala at dinig ko pa itong napapabuntong hininga
Sasabihin ko ba sakanya ang lagay namin? Baka pati sya ay mamublema sa sitwasyon namin. Ayokong pati sya ay maabala ng dahil sa lagay ni Mira lalo na't napalapit na ito sakanya
"Ah..Ano kase yung.. yung malapit na kamag anak ni Nanay.. Na-namatay, Oo Oo... Namatay kaya napasugod kami agad dito" Nauutal at mahihimigan ang pagsisinungaling sa tono ko kaya napatampal nalang ako sa noo ko.
"Tell me Mara. Baka may maitulong ako" Anito na parang nahulaan nga na nagsisinungaling ako.
Ang tanga naman kase ng dahilan mo Mara! Pumatay kapa ng kamag anak nyo. Lokaloka!
"Totoo ang sinabi ko Matt, Nandito kami ngayon sa kabilang baryo" Pinanindigan ang kasinungalingan na sinabi.
"Where exactly that address? Pupuntaan kita" Anito na nagpa aligaga sakin at di agad ako nakasagot.
Wala akong makapang isasagot dito. Diko malaman ang ipapalusot na nagpa aligaga lalo sakin.
"Ahh ano kase... Uuwi din ako bukas. Oo! Bukas nalang tayo magkita" Nasagot ko nalang dahil sa kawalan ng masasabi.
"Tell me Mara what happen? I know you're hiding something to me" Anito na kina kaba ko lalo.
Shit! Pano ba to?
"Naku! Wala ano kaba! Magsasabi ako sayo pag may problema ako. Nagkataon lang na biglaan ang pagyaya ni Nanay na magtungo dito kaya kami napasugod kahit dis oras na ng gabi" Mabilis at dere deretso kong sagot dito.
Dinig ko itong napa buntong hininga at saglit na nanahimik. Kinakabaan tuloy ako kung nahahalata talaga nya ang pagsisinungaling ko sakanya.
"Okay. I'll see you tomorrow" Anito sa tonong napapabuntong hininga.
"Okay sige. Magpahinga kana ah" Sagot ko dito.
"You too. I love you" Ramdam ko ang lungkot sa tono nito ngunit nginitian ko nalang para lalong hindi makahalata.
"I love you too" Sagot ko at ibinaba na ang tawag nito.
Napapabuntong hininga akong napapikit tapos ay babaling sana kay Mira ngunit si Nanay ang nabungaran ko na tutok masyado ito sakin.
"Nay?" Kinakabaang tawag ko dito.
"May relasyon na pala kayo ng Matt na yan" Nasa tono nito ang galit kaya napa tungo ako.
"O-opo nay" Nahihiya kong pag amin.
"Kaya pala hindi mo na natututukan ang kapatid mo dahil nahuhumaling kana dyan sa lalakeng yan!" Galit na talaga ang tono nito.
"Patawad po Nay" Nakatungo at tanging nasagot ko nalang.
To Be Continue.........