Diretso lang ako sa opisina ko at alam ko na nakasunod lang sa akin si Sapphire.
Inis na inis ako dahil may kursonada sa kanya ang hapones na iyon.
Nang makapasok ako sa opisina ko ay niluwagan ko ang necktie ko at naghabol ng hininga.
"Sir, kailangan ko na po bang umuwi?" Natigilan ako ng magsalita si Sapphire kaya napigtas na ang huling pagtitimpi ko sa kanya.
Bigla ko siyang kinabig sa akin at hinalikan siya ng madiin kaya nagpumiglas ito sa hawak ko.
Hindi ko binitiwan si Sapphire at mas diniin ko siya sa pader at hinalikan ng mas malalim kaya napaungol ito.
Matagal kong pinigilan ang sarili ko sa paghalik ko at pagkulong niya sa mga bisig ko kaya ngayon na nagkaroon na ako ng pagkakataon ay hindi na ako nakapagpigil pa.
"Sir wag po..." Bulong niya ng bitiwan ko ang labi niya at bumaba sa leeg niya ang halik ko.
Tinutulak niya ako para pigilan pero hindi ko siya hinayaan na makawala sa akin.
Bumaba pa sa may skirt niya ang kamay ko at pinisil ang pwet niya at papunta sa hita niya at hinahanap ko kung saan ko pwedeng ipasok ang kamay ko.
"Your smell so good darling." Bulong ko na sinamyo ang bango niya, i wonder na kung bakit matagal kong kinasabikan na muli kong maamoy at mahalikan siya.
Narinig ko na sumisinghot siya at tila hindi na niya ako pinipigilan kaya bigla ay natauhan ako at napatingin sa kanya at parang kinurot ang puso ko dahil umiiyak na pala ito at nanginginig.
"Please, Sir Xerxes tama na po." Umiiyak nito na pakiusap at nakatingin siya sa akin habang namumula at umiiyak.
Agad ko siyang niyakap at paulit-ulit na humingi ng tawad.
"I'm so sorry kung naging marahas ako." Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"Sir Xerxes." Bulong nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Xerxes, can you call me by my name?" Tanong ko sa kanya kaya naramdaman ko ang pagtigil niya at muling napatitig sa akin.
"Xerxes..." Bulong niya kaya niyakap ko pa siya ng mas mahigpit.
Pinaupo ko siya habang wala pa rin itong imik kaya napahinga ako ng malalim.
Tumayo ako at iniwan ko ito saglit para kumuha ng tubig napailing na lang ako sa ginawa ko napakamot ng sentido ko.
Bumalik ako agad sa kanya at hinawakan siya pero pumiksi lang ito at nagulat.
"Hey! it's okay i'm not gonna hurt you." Malambing ko na turan at umupo sa paanan niya at kinuha ko ang kamay niya at pinainom siya ng tubig.
"Inumin mo muna ito para mahimasmasan ka." Sabi ko sa kanya kaya sinunod niya ako at naubos niya ang laman ng baso.
"Pwede na po ba akong umuwi?" Bulong niya mayamaya kaya napatango ako.
"Ihahatid na kita." Sabi ko sa kanya akma na akong tatayo ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay ko.
"Wag na Xerxes malapit lang naman dito ang apartment ko sa kabilang bahagi lang ng building na ito." Sabi niya kaya napahinga ako ng malalim at tumango na lang.
Pagbibigyan ko siya pero tatawagan ko ang isa sa mga tauhan ko na sundan ito para maging maayos ang pag-uwi niya.
Tumayo ito at pumunta sa lamesa nito at nakita ko ang panginginig ng kamay nito.
Marahil ay natakot ko siya sa kapangahasan ko kaya napailing na lang ako at tumayo ako at lumapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa likod.
'Patawarin mo ako Sapphire hindi ko sinasadya." Bulong ko sa kanya kaya natigilan ito at lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Naiintindihan ko Xerxes, pero sana wag ganun natakot ako." Mahina niyang bulong kaya tumango ako at pinaharap ko siya sa akin.
"Can i court you?" Tanong ko kaya nakita ko ang pagkabigla niya at namula siya kaya hinaplos ko ang pisngi niya.
"I want to know you better Sapphire please." Muli kong bulong na pakiusap sa kanya kaya napatango siya at yumakap sa akin.
Napangiti ako dahil alam ko na hahayaan niya ako na kilalanin ko siya at ako rin sa kanya.
"Pero bawal po ito sa rules." Bulong niya kaya natawa ako.
"You are exception darling." Natatawa ko na turan sa kanya sabay halik sa noo niya at muli ko siyang niyakap ng mas mahigpit.
Habang nakaupo ako dito sa lamesa ko ay hindi ko maiwasan na titigan si Sapphire, abala ito sa trabaho at ako ay kanina pa walang gana.
Parang ayokong magtrabaho ngayon gusto ko lang siyang titigan habang abala siya sa trabaho.
"Pinsan baka matunaw na niyan si Sapphire." Napatingin ako kay Akihiro na pumasok pala dito sa opisina ko ng hindi ko namamalayan.
"Nagdala pala ako ng tanghalian niyo." May dala siyang dalawang supot ng pagkain at pinatong sa lamesa sa gilid ko.
"Ikaw pala Aki ano yan?" Napatingin ako kay Sapphire na sinilip ang dala ni Akihiro.
Nainis ako na nakangiti siya sa pinsan ko kaya tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Sino nag-utos sa iyo nito?" Bulong ko na tanong kay Akihiro kaya bahagya niya akong tinitigan.
"Pinabili ni Xavier baka raw pinagsamantalahan mo na daw si Sapphire." Sagot niya sabay tawa binatukan ko siya kaya napangiwi ito at umalis sa tabi ko.
Siraulo talaga si Xavier mamaya yon sa akin napatingin ako kay Sapphire na nakatingin pala sa akin.
Lumapit na lang ako dito at nakiusyoso sa dalawa na inaayos na ang pagkain sa lamesa.
Habang kumakain kami ay nakikinig lang ako sa kwentuhan ng dalawa.
"May boyfriend ka ba ngayon Sapphire?" Biglang tanong ni Akihiro na parang gusto ko tuloy itong batukan.
"Wala." Maikli na sagot lang ni Sapphire kaya napaismid ako.
"Manliligaw?" Tanong ulit ng pinsan ko kaya nainis ako lalo at napatigil sa pagkain.
"Meron." Maikli nito na sagot sakto na napatingin sa akin si Sapphire at napangisi ako dahil sa pamumula ng pisngi niya.
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa itsura nito kaya napailing na lang ako.
"Wala na hindi na ako magtatanong pa." Tumatawa na turan ni Akihiro kaya napailing na lang ulit ako.
Nang matapos kami na kumain ay lumabas na ulit si Akihiro bagay na ikinatuwa ko.
Napatingin ako kay Sapphire at lumapit sa kanya na abala sa pagpupunas ng lamesa.
Bigla ko siya kinabig payakap sa akin kaya naramdaman ko ang pagkabigla niya.
"Xerxes!" Gulat niya na turan kaya lalo ko siyang niyakap sa akin.
"You smell so good." Bulong ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya sa puno ng tenga niya.
Saka ko siya pinaharap sa akin at sinunggaban siya ng halik sa mapupula niyang labi.
Napaungol siya na lalo ko lang ikinasabik sa kanya naramdaman ko pa ang paghawak niya sa damit ko para pigilan ako.
Pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makawala sa akin.
Naalala ko yong unang araw na mahalikan ko siya ilang taon na ang nakakaraan at hindi ako makapaniwala na muli ko siyang mahahalikan ng ganito.
"Your lips is the sweetest." Bulong ko ng bitiwan ko ang mga labi niya at nakita ko ang pamumula ng labi niya.
"Hindi ako marunong humalik." Bulong niya kaya napangiti ako at hinawakan ang mga labi niya.
"Ayos lang i will teach everyday." Bulong ko sa kanya kaya napatango lang siya at ng muli ko siyang halikan ay napapikit na lang ito.
Sa maghapon ay wala akong ibang ginawa kundi ang panatilihin ko lang na nasa kandungan ko siya.
Habang pumipirma ako ng mga papeles ay nasa kandungan ko siya at nakayakap lang siya sa akin.
Ito ang pinakamagandang nangyari sa akin kahit nagtatrabaho ako ay ginaganahan ako.
Dahil nasa tabi ko pa rin ang babaeng pinakamamahal ko.
"Ihahatid kita sa inyo." Sabi ko mayamaya kaya napatingin siya sa akin at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
"Hindi na po sir malapit lang naman dito ang apartment ko." Taranta niya na turan kaya nagtaka ako.
Naalala ko na hindi ko pa siya naipa background check kaya napailing lang ako, saka ko na iyon gagawin dahil hindi naman ito importante.
"Bakit ayaw mo?" Medyo seryoso ko na tanong sa kanya kaya naramdaman ko ang pagkagulat niya.
"Hindi naman sa ayoko kaya lang ay nakakahiya." Mahina niya na sagot kaya hinalikan ko na lang siya sa pisngi niya.
Hinayaan ko na lang ang sinabi niya at napatuloy na lang sa ginagawa ko, disente siyang babae kaya naiintindihan ko siya.
Nang makauwi ako dito sa condo ko ay nagtaka ako dahil nakabukas ang telebisyon at malakas ang volume nito.
Nang pumunta ako sa sala ay si Xanty pala at prenteng nakaupo sa sofa at may alak na hawak.
"Did you meet her already?" Tanong niya habang nakatutok pa rin ang tingin sa telebisyon.
Napakunot ako ng noo at hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi niya.
"Sapphire Flores." Turan niya na tinignan ako kaya kumulo ang dugo ko dahil mukhang makikialam na naman siya.
"Don't you even dare Xanty!" Banta ko sa kanya kaya tumawa lang ito ng nakakaloko.
"Kapag nalaman ng mga kalaban ang kahinaan mo mawawala na naman sayo ang lahat." Seryoso nito na turan kaya mabilis akong lumapit sa kanya at kinuwelyuhan siya.
"Binabalaan kita kapag nakialam ka ulit hindi ako mangingimi na patayin ka!" Mapanganib ko na banta sa kanya kaya napangisi lang siya at binitiwan ko siya.
Tumayo ako a inayos ang salamin ko narinig ko ang mahina niyang tawa na tumayo na rin.
"Your temper will be your death Xerxes." Sabi niya saka napailing kaya napakuyom na lang ako ng kamao ko.
Habang naliligo ako ay napahawak ako sa kanan ko na dibdib at hinaplos ang pilat na hanggang ngayon ay nandito pa rin.
Naalala ko na naman ang mga labing iyon na malambot at kay sarap halikan, napahilamos ako at napabuntong hininga.
Habang tumatagal na nakikita ko si Sapphire ay lalo lang akong nasasabik sa kanya.
Nang matapos akong maligo ay umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.
Napangisi ako dahil may mapagbubuntunan na naman ako ng galit ko.
Nagbihis ako at kinuha ang itim ko na jacket at isinuot ito at lumabas ng kwarto ko.
Naabutan ko si Xanty na naghihintay pala sa akin kaya napangisi ako.
"May transaksyon ngayong gabi at mukhang malaking deal ito." Nakangisi niya na turan kaya napatango ako at magkasabay kami na lumabas ng bahay ko.
Iisa lang ang hilig naming magkakapatid ito ay ang nakawin ang mga kontrabando na sinasagawa ng mga opisyal ng bansang ito na hindi alam ng publiko.
"Handa na ba kayo sa million ngayong gabi brothers?" Tanong ni Xavier na sinuot ang maskara at nauna nang pumasok sa loob ng lumang gusali.
Lagi kaming handa saka kami naghiwa-hiwalay ng daan at sinuot ang maskara ko.
Ito ang trabaho namin na hindi dapat malaman ni Sapphire dahil alam ko na hindi niya ako magagawang tanggapin sa paraan ng trabahong ito.