Chapter four

1815 Words
Napatingin ako kay Akihiro ng pinapanood niya ang mga aplikante na nasa hallway ng kumpanya namin. Ito na naman ang araw na mag-hahire kami ng bagong sekretarya kaya napahilot na lang ako ng sentido ko. "Ang ganda ng dalawang ito, sigurado ka ba na siya itong babae na nagligtas sa iyo noon?" Tanong nito kaya napahalukipkip ako at tumango. "Yeah, hindi ako magkakamali." Sagot ko sa kanya kaya napatawa ito na parang sira. "So, sila ang kukunin natin." Sabi niya at inayos na ang sarili at tumingin sa akin. "Hired na sila at ibigay mo ang kaibigan niya kay Xavier." Sabi ko sa kanya na napatingin sa kapatid ko na natutulog dito sa sofa. Kinuha ko ang papel na nilukot ko at binato ko dito mabilis ang reflex nito at nasalo ang papel kaya napangisi ako dito. "Type ko yang isa mukhanh masarap." Nakangisi nitong turan kaya napailing na lang ako, sa ugali ng kapatid ko ay pinapatos niya lahat basta type niya. "Good luck Xav mukhang amazona ang isang ito." Natatawa na turan ni Akihiro na kinatawa ko at napatingin sa monitor. Sa wakas siya na mismo ang maglalapit sa aming dalawa pero kailangan ay magpanggap ako na hindi ko siya kilala dahil may kasalanan ako sa magandang bababeng ito. Naghintay lang ako ng ilang minuto at dinala na dito ni Akihiro si Sapphire ang napakagandang dalaga na hindi ko makalimutan. Ilang taon na ba? Tatlong taon na mula ng huli ko itong makilala at basta ko na lanh iniwan. Kung nagtagal pa ako sa lugar na iyon baka napahamak na rin ito. Ngayon ay halos maubos ko na ang mga taong may pakana sa pagkakadrug ko at hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa lugar na iyon. Napatayo ako ng maayos ng pumasok na sila at ng humarap ako at pinakilala ni Akihiro kay Sapphire ay kinabahan ako. Lalo na ng makita ko ang pagkabigla sa mukha niya hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon pero alam ko na nakilala niya ako. Sa unang araw ng pagtatrabaho niya bilang sekretarya ko ay hindi ako natuwa dahil mukhang mas malapit pa siya kay Akihiro kaya nagdesisyon ako na ipasok ang mesa niya dito sa opisina ko. "Akihiro put her desk inside my office now!" Nagulat pa ang dalawa ng makita ako at hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Sapphire. "Bakit naman? Diba ayaw mong maistorbo sa loob?" Magkasunod na tanong ni Akihiro na tila tumututol sa desisyon ko na biglaan. "Gagawin mo ba o ipapabalik kita sa Japan?" Inis ko na utos sa kanya, nanlaki ang mata niya at agad na lumabas ulit ng opisina ko. Nagdadabog na dala nito ang ilan sa gamit ni Sapphire at nakasunod dito ang dalaga na kapag napapatingin sa akin ay namumula. Gusto kong matawa sa itsura niya kaya lang ay gusto kong seryoso lang dapat para hindi niya ako mahalata. "Yan na kamahalan masaya ka na?" Tila nanunuya na turan ni Akihiro kaya nginisihan ko lang siya ng lihim, yong hindi makikita ni Sapphire. "Makakalabas ka na at bumalik sa trabaho." Sabi ko na lang sa kanya, at naiwan kami dito sa loob ni Sapphire na agad na inayos ang mga gamit niya. Nang matapos niya ito ay napatingin siya sa akin at parang may gustong sabihin pero hindi ko na siya pinansin pa. Baka hindi ako makapagpigil ay may magawa pa ako na pagsisihan ko lang sa huli. She's still beautiful and innocent, pero nag-mature siya at may nakita ako na tapang sa mga mata niya. May kakaiba na rin sa kanya medyo nagkalaman na siya pero hindi naman siya mataba, hindi rin payat. Tama lang at tila kay sarap pa rin na halikan ang mga labi niya na matagal kong pinanabikan. Pero ngayon na nakita ko siyang muli ay hindi ako dapat magmadali dahil katulad ng sabi ni Xavier ay hinay-hinay lang. Naging abala kami sa mga sumunod na araw at alam ko na napapagod ang babaeng mahal ko pero dahil kailangan kong panindigan ang plano ko ay hinayaan ko lang siya. Nakita ko ang pagod sa mukha niya habang inaayos niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko. Ako ay nakatayo lang sa may bintana at naninigarilyo, ito kasi ang pangpakalma ko. "Kapag natapos mo iyan pwede ka ng umuwi." Seryoso ko na turan sa kanya kaya napatigil ito at tumingin sa akin. "Opo Sir." Mahina niya lang na sagot at minadali na ang pag-aayos ng mga papeles. Sa ilang taon na papalit-palit lang ako ng sekretarya ay walang katahimikan ang buhay ko dahil lahat ng makuha namin ay parang mga prostitute. Napailing na lang ako dahil sa kapatid ko na masyadong babaero at gustong-gusto talagang sinisira ang araw ko. Napaupo ako dito sa VIP room na madalas namin na tambayan ng kapatid ko at ni Akihiro ang isang iyon ay nasa dancefloor at nagsasayaw. "Kumusta ang sekretarya mo?" Tanong ni Xavier kaya napakunot ang noo ko na napatingin sa kanya. Uminom ako ng alak na sinalin niya pero hindi ko siya sinagot bagkus ay nginisihan ko lang ito. "I know what did you do to her friend Xavier. Mag-ingat ka sa ginagawa mo!" Imbes na turan ko sa kanya kaya napaupo ito ng maayos. "Kanino mo nalaman yan?" Galit nitong tanong kaya napahalukipkip ako. "Akihiro is a trusted sourse of mine, nahuli ka niya hindi trabaho ang pinapagawa mo sa kanya." Seryoso ko na turan kaya napamura ito ng malutong at nilagok ang isang baso na may alak. "Xerxes hindi kita pinapakailaman sa mga kalokohan mo! Kaya wag mo rin akong pakialaman!" Galit nito na turan kaya nainis ako dito. "Kaibigan siya ni Sapphire! Kaya may pakialam ako kapag may nangyaring hindi maganda kay Diamond Marie sisiguruduhin ko na ipapatapon kita sa Tibet!" Madiin pero may pagbabanta kong turan sa kanya. "We can play womans heart but to hurt and torture them? siguruduhin mo lang na hindi kita mahuhuli diyan sa pantasya mo." Ito ang huli kong banta sa kanya bago ako tumayo at iniwan ang black card ko. Sinuot ko ang jacket ko at lumabas ng kwarto. Dumeretso ako isang private elevator at pinindot ko ang botton na may passcode. Napahinga ako ng malalim bago sumandal sa pader. We mess up until now, lahat ng mga kapatid ko kahit ako ay may sira sa ulo dahil walang kwenta naming mga magulang. Lumaki kaming magkakapatid sa Italy at alam ng halos kamag-anak namin na hindi kami lumaki sa magandang pamumuhay. Ang tatay namin ay isang mayamang negosyante pero napakalupit nito lalo sa ina namin na walang ibang ginawa kundi ang sumunod lang dito. Pagkapasok ko sa unit ko ay agad ko ng hinubad ang damit ko at dumeretso sa banyo para maligo. Puno ng tattoo ang katawan ko dahil tinatago nito ang mga pilat ng kahapon na pinagdaanan namin sa aming ama. Nang pumikit ako ay naalala ko ang mukha ng babaeng hindi ko kailanman makalimutan. Minahal ko siya kahit sa malayo dahil alam ko na hindi pa iyon ang tamang oras para sa aming dalawa. Pero ngayon na halos hindi na namin mabilang ang pera na kinikita naming magkakapatid ay kaya ko ng alisin sa landas ni Sapphire ang mga taong nanakit sa kanya. Sinimulan ko ito asawa ng ina na unti-unti kong tinanggal sa buhay nila, pero ang nakakagalit ay pinatawad pala nito ang ina nito na nagmalupit sa kanya. Pinatigil ako ni Xanty ng nakababata kong kapatid na sundan si Sapphire noon sa kapanatagan ko na lagi itong ligtas sa pamamagitan niya. Kaya hindi ko alam kung ano ang buhay niya ngayon pero sapat na sa akin na nakita ko na siyang muli at kaunting tiis na lang mayayakap ko ng muli ang babaeng pinakamamahal ko. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina dahil gusto kong mauna sa sekretarya ko. Pero nauna pa rin ito at malinis na ang opisina ko bagay na gustong-gusto ko dito, masyado niyang mahal ang trabaho niya. "Good morning sir, ito na po ang scedule niyo ngayong araw." Magalang na turan nito at nilapag ang isang tasa ng kape at ang ipod ko na kung saan nakasulat ang mga meeting ko ngayong araw. "Did you eat?" Tanong ko imbes na pansinin ang sinabi niya sa akin. "Opo sir tapos na po." Magalang nito na sagot kaya kinuha ko na ang ipod ko at binasa ito habang humihigop ng kape. Nakita ko na bahagya nitong binuksan ang blinds at parang gusto kong matunaw sa ngiti nito at may kaunting pikit pa ng mga mata. Tila ba sinamyo nito ang mabining hangin sa labas. Gusto kong mangiti pero napailing na lang ako. "Good morning po, Sir Xerxes." Bati niya kaya napatingin ako sa kanya kaya napalunok ako at tumango lang. "Magiging abala tayo ngayong araw." Sabi ko na lang sa kanya kaya tumango ito at umupo na sa lamesa niya. Nagsimula na kaming magtrabaho at nakita ko kung paano niya pinag-aaralan na mabuti ang mga pinapagawa ko sa kanya. Ibibigay niya sa akin ito kapag pipirmahan ko na lang. Ang huli namin na meeting ay may katagalan dahil galing na sa Singapore ang mga kailangan kong pagdaan na budget ng kumpanya. Kinailangan ko pa na siyasatin ang lahat bago ako magbigaw ng go signal sa kanila. Nakita ko si Sapphire na tila pagod na pagod habang nakaupo sa lamesa niya kaya nainis ako. "Did you already eat Sapphire?" Seryoso kong tanong sa kanya, tumingala siya at umiling. "What? you want to die in hunger?" Galit kong sita sa kanya kaya halata itong nagulat at kinuha ang wallet sa bag kaya napailing na lang ako. Napatingin ako kay Sapphire habang kumakain kaya lihim akong napangiti, parang masarap ang kinakain niya at may kakaibang amoy ang pagkain na kinakain niya. Pinigilan ko ang sarili ko at napailing na ulit ako sa sarili ko. Nandito na kami sa meeting namin at kanina ko pa painipigilan ang sarili ko na masakal ang isa sa mga hapones na ka-meeting namin. Malagkit itong nakatingin kay Sapphire at inis na inis ako. Parang ganun rin ang nararamdaman ng kapatid ko kaya agad nitong pinutol ang meeting at hindi ko na pipirmahan ang gusto nilang mangyari. Pinalabas na namin sina Sapphire at napatingin ako kay Xavier na inalis ang salamin at kinuha ang papel, agad nitong pinunit ang papel dahilan para magulat ang mga hapones. "What did you do Mr. San Gabriel?" Gulat na tanong ng isa sa kanila kaya napangisi ako at agad ko itong nilapitan at sinakal. "Next time know your role! You set your eyes to my woman!" Galit ko na turan sa kanya at may binulong ako na nakapagpalaki sa mga mata nito saka ko ito binitiwan at nauna ng lumabas. Naabutan ko si Sapphire na nakaupo at bigla itong napatayo. "Let's go." Seryoso ko na yaya dito kaya agad itong sumunod sa akin. Napakuyom ako ng kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD