Chapter three

1875 Words
Nagulat ako ng pagpasok ko kinabukasan ay nandito na ang boss ko na masungit. "Good morning Sir." Bati ko sa kanya na hindi man lang ako pinansin. "Did you make the things i send to your email?" Nagulat ako ng magsalita ito kaya nataranta ako at tumango. "Yes. Sir i send ko na po." Sabi ko agad at agad kong binuksan ang cellphone ko at pumunta sa docu files ko para ipasa ko na sa kanya ang pinagawa niya. Halos mag-tatatlong linggo na akong nagtatrabaho rito pero grabe na ang pagod at puyat ko dahil sa lalakeng ito. Pero sa tuwing tinititigan niya ako ay nawawala ang galit ko sa kanya at tampo, nakikita ko kasi ang anak ko sa kanya. Kamukhang-kamukha kasi niya si Xion kaya minsan ay napapahinga na lang ako ng malalim. Maayos ang benifits dito at okay naman ang lahat dahil hindi ko naman masyadong nakakasalamuha ang mga empleyado rito. Si Marie ay maganda rin ang lagay dito sabi niya ay pangit ang ugali ng amo niya na kapatid ng boss ko, katulad ni Sir Xerxes ay masungit rin si Sir Xavier pero hindi naman nananakit. Natatawa pa nga ako kay Marie dahil crush niya ang boss niya na pinaglihi raw sa sama ng loob. Mga bilyonaryo pala ang magkakapatid na San Gabriel, tatlo sila pero ang bunso raw ng dalawang ito ay nasa England at doon na namamalagi dahil may mga negosyo rin raw ang mga ito roon. Dito lang namin nalaman kung gaano ka popular ang magkakapatid sa lipunan, twenty five si Sir Xanty ang bunso nila, sumunod si Sir Xerxes ang boss ko na twenty eight years old at si Sir Xavier naman ay thirty years old naman. Lahat sila ay mga negosyante at tinatawag na king of asia's busenesses, dahil halos lahat ng malalaking pharmaciutical company at canning company dito sa Pilipinas ay pagmamay-ari nila. Imposible siguro na si Sir Xerxes ang lalakeng nakilala ko noon at tinulungan. Magkaibang-magkaiba ang dalawa dahil ang nakilala ko noon na si X ay malambing at malumanay magsalita, tila dinuduyan noon sa pandinig ko ang boses niya at walang tattoo si Sir Xerxes sa braso nito. Si X ay meron at hindi katulad ng boss ko na malinis ag katawan, minsan ko na kasing nakita ang braso nito ng maglaro ito ng tennis noong nakaraan at naghubad pa nga ito. Kaya hindi siya si X ko, imposible dahil hindi man lang nga ako nito nakikilala. Naging abala kami sa umagang ito may tatlong meeting si Sir Xerxes at halos mapaupo na lang ako dahil sa pagod, dagdag pa na gutom na rin ako. "Yeah. i will come mom." Napatingin ako kay Sir Xerxes ng pumasok siya dito sa opisina. "Did you already eat Sapphire?" Bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya at umiling. "What? you want to die in hunger?" Galit nito na tanong kaya napayuko ako at kinuha ang wallet sa bag ko at tumayo. "Kakain na po ako Sir." Mahina kong turan. Akma na akong lalakad ay hinarangan niya ako at hinila niya ako hawak ang braso ko at pinaupo ako dito sa lamesa niya. "Just sit here i will order our food." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at tumango na lang. Tumawag ito hindi sa restauarant kundi kay Akihiro na nasa labas lang ng opisina niya. Errand boy at utusan ang tamang itawag sa lalakeng iyon dahil madalas siyag utusan nitong amo ko. "Ano ang oorderin ko kamahalan?" Bungad nito na binati ako sa pamamagitan ng nakakaloko niyang kindat. "Hi Sapphire." Bati niya kaya napangiti ako sa kanya. "Umuorder ka ng tanghalian namin, sa akin yong asusual." Sabi nito. "What about you?" Tumingin siya sa akin at napatingin ako kay Akihiro. "Kung may sisig at pakbet at maraming kanin okay na sa akin." Nakangiti ko na turan kay Akihiro kaya tumawa siya ng malakas at agad na nagpalaam dahil tinitigan ito ng masama ng boss ko. Kinuha ko na ang cellphone ko at bumalik ulit sa upuan sa harap ni Sir Xerxes, binuksan ko ang phone ko at nakita ko na may message si mama na may kasamang litrato. Napangiti ako ng makita ko na kumakain ng pansit si Xion at nakangiti ito sa camera at nakanguso. Nangingintab ang nguso nito kaya napatawa ako ng mahina pero narinig ko na umubo ng mahina ang boss ko kaya napatingin ako sa kanya. "Boyfriend?" Tanong nito kaya umiling lang ako at napatingin ulit sa litrato ng anak ko. "Kapatid ko po Sir." Maikli ko na sagot sa kanya. Walang nakakalam na may anak ako na ayoko namna itago pero dahil baka magtaka ang boss ko kung bakit kamukha niya ito ay iiwasan ko na ang hindi niya makita ang anak ko. Ito kasi ang napagusapan namin ni Marie lalo na at alam niya na kamukha ng amo ko ang anak ko. Magiging gulo kung malalaman ng amo ko na may anak ako na kamukha niya pagnagkataon. Mayayaman pa naman sila at ito ang kinatatakot ko sa lahat. Hindi na siya nagsalita pa at may kung anong kinakalikot sa laptop niya. Nag-message na lang ako kay nanay na painumin ng maraming tubig si Xion at tinabi ko na ang cellphone ko. Ilang minuto lang ay bumalik na si Akihiro at agad kong inayos ang pagkain namin naamoy ko agad ang napakasarap na amoy ng sisig natakam ako at lalong nagutom. "Ano pa ang hinihintay mo?" Tanong ni boss kay Aki kaya napakamot ito ng ulo at nagpaalam na sa akin. "Salamat Aki." Nakangiti ko na turan sa kanya kaya napangiti ito at agad na lumabas. "Eat Sapphire." Seryoso na turan ng boss ko kaya nagsimula na akong kumain gusto kong mapatalon dahil sa sarap nito at wala akong pakialam kung kaharap ko man ang amo ko. Naubos ko ang pagkain ko at simot lahat dahil gutom na gutom ako at nahiya ako sa amo ko na kalahati lang ang nakain nito. Beef salficao at mix vegetable ang pagkain niya pero walang kanin dahil lettuse salad ang order niya, kaya pala macho at napakagwapo niya dahil healthy living pala ang amo ko. Nahiya ako sa apat na rice ang naubos ko kaya napatingin ako sa lamesa. "Tapos ka na po Sir?" Magalang ko na tanong sa kanya kaya napaangat ito ng tingin sa akin. "Yes, ligpitin mo na iyan." Seryoso niya pa rin na turan kaya niligpit ko na ang pinagkainan namin. "Pagkatapos mo niyan samahan mo ako sa isa ko pa na meeting and after that pwede ka ng umuwi ng maaga." Sabi nito kaya napatango ako at nagmadali kong inayos ang sarili ko sa powder room. Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay may pumasok na dalawang empleyado na babae, dahil naiihi na ako ay pumasok ako ng cubicle. "Dalawa raw sila na baguhan dito at naging sekretarya ng mga boss natin." Narinig ko na turan ng boses ng isa sa mga babae. "Kaya naman kasi sila kinuha eh mukhang mga pokpok lalo na iyong isa na kung makadikit kay Sir Xavier talagang prostitute ang dating." Napakunot ako sa narinig ko pa na turan ng isa pa na babae. Tinaas ko na ang panty ko at tumayo matapos kong maayos ang sarili ko at lumabas na ako ng cubicle at pareho pang nagulat ang dalawang babae ng makita ako. "Pasalamat kayo at hindi si Marie ang nakarinig ng mga sinabi niyo kundi baka manghiram kayo ng mukha sa aso." Seryoso ko na turan sa dalawa na nakaismid lang at napahalukipkip sa harap ko. "Totoo naman malakas ang loob mo kasi bayaran ka lang!" Masamang salita ang binitiwan ng babae dahilan para mapakuyom ang kamao ko. "Ano hindi ka makapagsalita dahil totoo!" Galit na turan ng isa sa babae kaya napailing na lang ako. Inayos ko na ang bag ko at tumalikod na at lumabas na ng banyo. Napailing na lang ako at napakamot ng noo ko, nakakainis kung pwede ko lang pag-untugin ang ulo ng dalawang iyon ginawa ko na. Hindi ko ito sasabihin kay Marie dahil alam ko na magagalit iyon, dahil sa akin kung bakit hindi siya pumapatol noon sa mga naninira sa amin kaya nagpapasalamat ako dahil sa kanya. Pero iba ang ugali ng kaibigan ko na iyon at alam ko na hindi niya ito mapapalampas. Pagkabalik ko sa opisina ng boss ko ay nakita ko siya na nasa laptop pa rin at naninigarilyo na naman siya kaya napailing na lang ako. Inayos ko na ang gamit ko at niligpit ang ilan sa mga nakakalat na papel sa lamesa ko. Wala sa labas si Akihiro at nagtaka ako na baka kung saan-saan na naman iyon nagpunta. "Handa ka na ba?" Napatingin ako kay sir kaya tumango ako at binitbit ko na ang bag ko. Nauna na itong lumabas kaya sumunod na ako, kusan naman na naglo-lock ang pinto ng opisina niya kaya hindi ko na ito ni-lock pa. Sa labas pala ang meeting at sa isang Japanese Restaurant kami pumunta, may mga japanese at si Sir Xavier at Marie ay narito rin. May isang babae pa na interpreter daw ito at masama ang tingin sa amin ni Marie. Nasa kabila siyang bahagi kaya kinawayan ko lang ito na nginitian lang ako. Nagsimula ang meeting nila at hindi ko maintindihan ang sinasabi ng isa sa mga Japanese na kanina pa patingin-tingin sa akin. Naiilang na ako pero mukhang hindi ito napapansin ng mga kasama ko at ng amo ko na seryoso lang sa pakikopagusap. Ang alam ko lang ay may buseness venture dito ang mga Japanese na ito at nakikipag-negosasyon sila sa amo ko. Magaling magsalita ng Japanese word ang amo ko at si Sir Xsvier kaya hindi na nila kaiangan ng interpreter kaya wala naman ginawa dito ang babaeng nasa isang sulok rin. Nangangawit na rin ang hita ko dahil sa pagkakaupo namin dahil hindi ako sanay. "Are you okay?" Napatingin ako sa amo ko ng magtanong siya kaya napangiti lang ako at umiling. "Okay lang ako sir." Sagot ko na lang sa kanya. "By the way Mr. San Gabriel, your secretary is very pretty." Napatingin ako sa isa sa mga Japanese at sinabayan ng tawa kaya nailang ako. "Yeah, pretty but not yours." Seryoso na turan ng amo ko kaya kinabahan ako. Alam ko ang lamig ng boses na ito ibig sabihin nito ay hindi niya gusto ang sinabi ng lalake na Japanese. "The meeting is ajourn gentlemen." Biglang turan ng kapatid ng amo ko kaya napatingin ako dito lalo na ng tumayo na ito. "But we're not finish yet." Sabi ng isa sa kanila kaya tinignan ito ni Sir Xavier at inayos ang salamin at may binulong kay Marie kaya tumango ang kaibigan ko at nauna na itong lumabas. "Mauna ka na rin hintayin mo kami sa labas." Bulong rin ng boss ko kaya napatingin ako sa kanya at tumango. "Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Marie ng umupo ako sa tabi niya para hintayin ang amo namin. "Hindi ko alam pero mukhang badtrip na naman sila." Sabi ko na lang sa kanya kaya napailing na lang ako. Nagulat kami ng marahas na bumukas ang pinto at lumabas ang boss namin na parehong seryoso ang mga mukha. "Let's go." Maikli na turan ng amo namin kaya nagkatinginan na lang kami ni Marie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD