STEVEN POV Napasabunot na lang si Steven sa kanyang buhok. Lahat ng mga investor sa bangko ay biglang nag- pull out. Wala man lang rason na ibinigay sa kanya. Wala naman siyang ibang naisip, kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Sa pagkakaalala niya, walang sinabi sa kanya ang mga investor tungkol sa pag-pull out ng shares. Bakit lahat ng mga ito ay nakipagkalasan sa kanya. Wala naman siyang ibang ginawa, kung hindi mapabuti ang kanyang negosyo. Kaya nakakapagtaka lang na isa-isang kumalas sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa bakal na pintuan sa kanyang opisina at pinindot ang code nito. Siya lang ang nakakaalam tungkol sa code dahil mahirap ng magtiwala. Pati nga ang kanyang mga magulang ay walang alam tungkol sa pintuan na ito. Lahat ng mga importanteng papeles at an

