BEATRIX POV Masayang nakikipaghabulan si Beatrix, sa napakakulit niyang tatlong taong gulang na anak, si Stein. Nakakahawa ang tawa nito, kaya pati ang mga lolo't lola nito na nanonood sa kanila ay natawa na rin. Pati nga siya ay hindi na matumbasan ang sayang naramdaman niya, nang marinig ang masayang tawa ng anak. Hindi siya nagsisisi na ito ang binigay ng Diyos sa kanya. Wala na siyang hihilingin na iba, kung ‘di ang mapapabuti ang kanyang napakulit na si Stein. Napasigaw ito ng bigla niya itong hinuli at kinarga. Nagpapadyak pa ang mga paa at pati ang katawan nito ay kumakawala, para tumakas sa pagkahawak niya rito. "Mama, put me down,” ungot nito sa kanya, pero siya natatawa siya sa anak dahil pilit na makawala ito sa kanya. Umiiling siya rito at natatawa. "Ayoko nga, baka

