BEATRIX POV Abalang-abala si Beatrix sa pagdidilig sa Hardin ng mga magulang niya. Namimiss na kasi niya ang magdilig ng mga halaman. Kapag bumibisita siya sa bahay ay lalo siyang nakaramdam ng excitement. Makikita na naman kasi niya, ang naggagandahang mga bulaklak na tinanim ng Mama niya. Kumakanta pa siyang dinidiligan ang namumulaklak na rosas. Sa tingin niya ay ito ang unang tinanim niyang bulaklak. Hindi niya akalain na buhay pa pala ito. Napahinto siya at tinititigan niya ng mabuti ang bulalak na bukod tanging tinanim niya. Nilapit niya ang kanyang ilong at napangiti ng maamoy niya ang bulaklak. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakita mong maganda ang kinalabasan. Bigla siyang napalingon sa likuran niya ng may kumakalabit sa kanya, pero paglingon niya wala namang ta

