BEATRIX POV Doon lang nakahinga ng mabuti si Beatrix, nang nakalabas na ang binata sa kwarto ng kanyang anak. Napahawak siya bigla sa kanyang dibdib ng kumabog ng malakas ang puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa kaba o sobrang lapit ng katawan ng binata sa kanya? Parang nanghihina ang tuhod niya kapag nasa malapitan ito at hindi siya makahinga ng mabuti. Humugot siya ng malalim na hininga, para kumalma ang sistema niya. Hindi niya lubos isipin na magagawa ni Steven na bulabugin ang puso niya. Tama bang magkagusto siya kay Steven? Hindi naman siya nito kayang tratuhin ng tama. Kahit man lang respeto, hindi kayang maibigay sa kanya. Hindi niya alam, kung bakit naging ganito siya. Siguro, traydor talaga ang puso niya dahil nagkagusto siya rito. Napabuntong-hininga na lang

