BEATRIX POV Naalimpungatan si Beatrix ng may naramdamang malambot at mainit na bagay na dumampi sa kanyang labi. Napakasarap sa pakiramdam niyon, parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano iyon, pero sapat na sa kanyang makaramdam ng kakaiba. Hindi pa rin niya iminulat ang kanyang mga mata. Gusto pa niyang maramdaman ang malambot na bagay na nakadampi sa kanyang labi. Napamulat siya ng mga mata at nanlaki ang mga matang napatitig sa harap niya. Isang dangkal na lang magkalapit na ang labi nila ni Steven. Hindi ba nito napapansin na naiilang siya sa posisyon nilang dalawa? Oh, baka naman-- Napatigil siya ng napansin niyang nakatutok ang mga mata nito sa labi niya. Kita niya ang pagnanasa sa mga mata ng binata. "Why are your lips so kissable an

