BEATRIX POV Pagkatapos siya nitong tanungin tungkol sa kompletong pamilya ay hindi na siya muling nagsalita. Tahimik na lang siya sa tabi at iniisip kung ano na ang mangyayari sa kanila. Wala naman siyang problema tungkol sa kanila dahil gusto lang niyang maging masaya ang anak niyang si Stein. "Si Stein lang ba ang may gusto?" tanong ng kanyang isip. Ipinilig na lang ang kanyang ulo. Habang nasa biyahe sila, maririnig mo lang ang tunog ng sasakyan at pasipol-sipol ng Driver nito. Hindi niya alam, kung bakit hindi siya nakaramdam ng ilang sa binata. She doesn't know why. Napatingin siya kay Stein na nakahilig ang ulo nito sa kanyang dibdib. Bahagya niyang niyuko ang kanyang ulo para tingnan kung tulog ba ito. Napangiti siya nang makitang nakatulog ito sa dibdib niya. "Bea

