BEATRIX POV Hinawakan ni Beatrix ang kamay ni Marcello. Pinisil niya iyon kaya takang napatingin ito sa kanya at kita niya ang katanungan sa mga mata nito. Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa anak niya na naglalaro ng saranggola. Kasama nito ang Ina niya sa Park, pero napakunot ang noo niya nang makitang may hawak itong cellphone. Kumibit-balikat na lang siya at hinayaan ito. Tinawagan kasi niya si Marcello para kahit paano ay makausap niya ito ng masinsinan. Gusto niyang makausap ang binata tungkol sa panliligaw sa kanya. Ayaw niyang ipagpatuloy ang panliligaw nito dahil baka magkakasakitan silang dalawa. Mas tamang sabihin na masasaktan ito sa sasabihin niya. "Marc, diba pumayag ako na manligaw ka sa akin?" tipid na ngiting napatingin siya rito. "I know it is hard to say

