BEATRIX POV Pagkalabas niya sa kanyang kwarto, bigla na lang gumulat sa kanyang harapan ang bulaklak. Muntik na nga siyang atakihin sa puso dahil doon. Napasimangot siya sa kanyang Ina na natatawa na ngayon sa reaksyon niya. Ito kasi ang nagdala ng bulaklak at ang laki pa ng ngisi nito na ipinagtataka niya. "Good Morning, anak," bati nito sa kanya. Kumunot ang noo niya sa inaasta talaga ng Ina niya, para na nga itong shunga kung makangiti sa kanya ay wagas. "Kanino galing iyang bumalaklak na iyan, Ma?" tinaasan niya ito ng kilay at nagdududang tingin ang pinukol niya rito. "Huwag mong sabihin na may manliligaw sa'yo? Isusumbong talaga kita kay Papa," "Ikaw talagang bata ka. Hindi sa akin ito kung ‘di kay Steven," nakangising sabi nito sa kanya. "Steven?" naguguluhan niyang s

