PROLOGUE
Amara Paradise..
Wedsday 23,2010
Masaya at Madaming Tao ang Bridal Party ni Andrea Ledesma at Ashton Tolentino halos lahat ng kanilang Kaibigan ay Dumalo ,
Isa na ito sa pinaka bonggang Bridal Wedding Party at sadyang ginastusan at pinag isapan ng lahat bago isagawa, Mga ilang minuto pa habang nagsasaya ang lahat, Ay biglang may isang bisita na dumating na hindi kilala ng Soon To Be Bride,Nakuha nito ang attention ng lahat mapa Babae oh Lalaki man, Sobrang sexy neto kaya halos lahat nakatingin sa kanya,Ang iba ay nagbulungan pa at pinag uusapan pa ito.
"Hindi ba si lorraine yan yong sikat na Model ng gratis Company?"
Sabi ng isang bisita sabay tingin sa dumating tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Oo nga no ang ganda niya pala lalo na sa personal"
Agad na natigilan lahat pati ang Bride ni Ashton na si Andrea,
Ngumiti ang babae at kumaway ,
"HI"
pag bati nito na may kasamang pagkaway sa lahat ng bisita, Napatingin naman si Andrea kay Ashton na wari'y nagtatanong kong kilala ba niya ito ngunit.
Umiling lamang si ashton sa kanya maya maya lumapit si Ashley ate ni Ashton
"Lorraine, Im glad you came" sabi niya.
"Yeah, Sure, Lalo na at nalaman kong nandito ang Night and Shinning Armor ko"
sabi nito ng nakangiti pa at maya maya pa ay napatingin si Ashley kay Andrea.
"Andrea,Ashton meet Lorraine my Bestfriend in Italy, Lorraine, Andrea at Ashton sila yong ikakasal"
pagpapakilala ni Ashley sa dalawa
"Owww, Sya pala ang kakambal ng Baby koooo, Hi Ashton "
sabi niya at nakipag beso beso ito ng matapus ay tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Andrea at nagbigay ng pekeng smile na halata naman Fake.
"Ikaw ba si Emery,Andrea? Whatever! I don't really care! ,I heard so many Things about you and as I see wala naman palang ka aya aya sayo , But anyway im glad to see you "
sabi niya at saka muling tumingin kay Ashley
"SO where's Asher?"
tanong niya kay Ashley agad na tumingin si Ashley at ng mahagip ng mata nya si Asher na papalapit ay tinawag niya ito.
"Ayan na pala ,Asher! Bro, Come' I have a surprise for you and Im pretty sure you miss her"
sabi ni Ashley ng makalapit, Ang walang ganang si Asher ay nag kiss agad si Lorraine sa pisngi niya na halatang kinainis ni Asher,
"You never change Ash, I miss you"
sabi nito.
Halata naman kay Ash na naalibadbaran ito kay Lorraine agad itong pumulupot sa kanyang Braso, At nag patuloy ang Party , Nakatingin lang si Andrea sa kanila, Naiinis ito sa ginagawa ni Lorraine kay Asher.
*****
11:30 Pm
Habang nagkakasiyahan lahat, nagkaroon ng simpleng inuman para sa lahat , si Asher katabi ang walang humpay na dikit ng dikit na si Lorraine , kaharap naman nila si Andrea at Ashton,
Lahat na ng close nila kasama nila do'n at nagkwekwentuhan lang habang nagkakasiyahan ang lahat napansin ni Ashton na pawisan na si Andrea, Kaya pinunasan ni Ashton ang noo ni Andrea , Napangiti lang si Andrea na halata na ayaw nito sa ginagawa ng kanyang Nobyo sa kanya,
Sa kabilang banda seryuso naman ang tingin ni Asher sa ginagawa ni Ashton kay Andrea, Wala siyang pakealam kong katabi niya si Lorraine, At tila hindi niya pa ito pinapansin, Maya maya pa ay narinig niya si Lorraine
"Baby' you want some Grapes?"
sabi nito,
Agad na tiningnan ni Asher si Lorraine at hinayaan lang niyang subuan siya nito ng grapes pero ang tingin niya ay hindi maalis kay Ashton at Andrea ,Maya maya ay nahuli niyang nakatingin sa kanila si Andrea at nag smirk lang si Lorraine parang inaasar pa si Andrea , Si Asher ay nag patay malisya nalang, At nang mapansin ni Ashton na nakatingin si Andrea sa derekyon ni Asher ay muli niyang inagaw ang Atention nitO ,Muling inasikaso ni Ashton si Andrea, Sapagkat nakita niya itong nakatingin kay Asher at Lorraine, Ang dalawang panig ay tila nag aasar lang sa kanilang ginagawa.
"Hon, CAKE?"
Sabi niya ng may kasamang ngiti tumango naman si Andrea at hinayaan niyang subuan siya ng kanyang Nobyo, Ng makita iyon ni Asher ay syang napahawak siya sa kanyang kamao, At tila pinipigil ang dadamdaming gustong sumabog , Agad siyang huminga ng malalim at umakbay kay Lorraine,
At tila nakaisip naman ng kalokohan si Lorraine at pakunwari'y nabuhusan siya ng kunting tubig sa Cleveage, Agad na naalarma si Asher at kumuha ng Tissue at pinunas yun sa bandang dibdib nya, Samantalang si Andrea ay napatingin sa kanila at tila natigilan, Si Lorraine ay nakangisi kay Andrea habang nakikita nyang pinupunsan ni asher ang bandang dibdib ni Lorraine. Hindi nakayanan ni Andrea ang nakita niya, Kaya mas pinili niyang tumayo para tuluyan nalang umalis,.Pero tila nakatunog si Ashton sa mga nangyayare kaya hinatak niya paharap si Andrea at hinalikan ito, Natigilan at Natahimik ang lahat at napatingin sa kanila ,Dahil sa biglaang nangayare, Nang makita ni Asher ang ginawa ni Ashton, Ay agad nitong napalo ng malakas ang Lamesa dahilan para pagtinginan siya ng lahat at mag cause ng Tention, Sa pagitan nila ng kanyang sariling kakambal, Samantalang natigilan ang lahat na nakatingin sa kanila ,Ganun din si Andrea at Lorraine ,Nag katinginan ang magkakambal, At animo'y ano mang oras ay pwedeng itong maging malaking gulo huminga ng malalim si Asher at agad na tumayo, Pilit nitong nilalaban ang sasabog niyang damdamin ,Napakuyom ng kamay ito at mas piniling umalis tiningnan lang sya ng lahat ,Sa kabila ng nangyare ay nagpatuloy parin ang Party nawalan ng gana si Andrea,Si Lorraine naman ay nagpasyang umuwi nadin at si asher wala silang idea kong umuwi naba ito. naging busy sa bisita si Ashton at si andrea na nawalan ng gana ay naisipan na magpalamig sa garden, Tahimik kase dun at walang tao kaya nagpunta siya dun para magpalamig muna at mag isip isip ,Sobrang apektado parin siya sa dating minamahal na si Asher walang tao do'n ng makarating siya tanging ang liwanag ng Buwan at Bituin ang nagsilbing liwanag niya, Napatingin si Andrea sa mga Bituin at ng maalala niya ang lahat ng nangyare ay napapikit nalang sya, Kasabay ng mga tanong na bakit sya Lumuluha? bakit parin sya Nasasaktan ? Sa tuwing sumasagi sa isip niyang iiwan nya si ashton ay nasasaktan sya para rito, Ngunit makakayanan ba niyang mapunta sa iba si Asher? sa twing nakikita niya ang Binata ay nais niyang bumalik sa mga bisig nito.
Agad syang napapikit ,Habang nararamdaman ang sakit ng siya lang ang tanging nakakaalam.
"Mahirap ba? Nahihirapan kaba? Nasasaktan karin ba?"
Agad siyang napamulat ng marinig nya ang boses ni Asher, Agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata at tumingin dito , Napansin nyang sila lang dalawa ay naisipan nyang umalis na agad, Pero isang braso ang pumigil sa kanya, Nakita niyang pinigilan siya ni Asher ,Tiningnan niya ito at nakita niyang may mga namumuong luha sa mga mata nito,May kirot sa Puso ni Andrea nang makita niya ang mga mata nitong puno ng Emosyon at ano mang Oras ay nagnabadyang bumuhos ang mga luha nito,Isa itong Patunay na nasasaktan siya para rito.
"Mahirap ba? Nahihirapan kaba?"
Tanong nito na bakas ang mga luhang malapit ng bumagsak mas pinili ni Andrea na manahimik. Maya maya ay humarap sya sa binatang kanyang minahal. Damdamin na sya lamang ang nakakaalam
"Ikaw nahihirapan ka ba?"
tanong ni Andrea
"Oo, Hirap na hirap nako, Hirap na hirap nako na nakikita kang hawak nya at alam mo mas mahirap? Wala kong kalaban laban, Wala akong pwedeng gawin at wala akong magawa , Kase pag aari ka nya at hindi ka sakin,Hindi kana saakin, Sa tuwing nakikita ko yun ,Araw araw akong namamatay Andy ARAW ARAW"
sabi ni Asher
nasasaktan si Andrea sa nakikita nyang umiiyak si Asher at nasasaktan ito.
"Ikaw nahihirapan kaba? Sagutin moko, Kase ayuko nakikita na nasasaktan ka dahil nahihirapan kang tumimbang samin Andrea,Sobra kitang iningatan para masaktan ka ng ganyan, Masakit para sakin na gusto kita ilaban kahit wala na akong laban, Kase alam kong siya na ang mahal mo,Pero Andrea sabihin mo lang na mahal mo parin ako lalaban ako ilalaban kita kahit ang tutuo sukong suko nako, Ayuko nasasaktan ka ,Dahil sa nahihirapan ka samin, Kaya kong hindi mo ko kayang ilaban susuko nako para sa ikakapayapa mo, At tatanggapin ko nalang na mas mahal mo sya! ,Isa lang gusto ko marinig bago ko tuluyan lumayo sayo ulit, Mahal mo paba ko? Kase kahit kilan hindi ka nawala sa isip ko Andrea ,Walang pumalit sayo ,Walang hihigit sayo,Kase kasabay ng pag alis ko ng pinas at ang pag iwan ko ng puso ko sayo, Ikaw lang , Kahit kilan"
Sabay ang mga pagluha sa mata ni Asher, Ay ang katangang mahal kita kahit sa mga panahon napaka sakit na at ka suko suko na ,Lumapit si Asher kay Wndrea
"Ako na ang lalayo,patatahimikin na kita ,Gusto ko na nakikita kang masaya at kong sa kanya ka tutuong magiging masaya pakakawalan kita,Hindi dahil sa hindi na kita mahal kundi dahil sa ayuko ng nahihirapan kapa mamili at tumimbang, At dahil naniniwala ko na maiingatan ka niya at mahal na mahal ka rin nya, Nasaktan kita noon at isa na yon sa buong buhay kong pag sisihan,kaya please, Titigan moko, Kahit sa huling sandali gusto kong malaman lahat, Gusto ko marinig lahat mula sayo , Andrea mahal mo paba ko?"
Tanong niya at hinawakan ang kamay ni Andrea tininginan ni Andrea si Asher sa mga mata nito,
Pero tila'y walang gustong lumabas sa labi niya at nauunahan sya ng takot. Hindi sumagot si Andrea at yumuko lang ito na umiiyak, Sandali silang natahimik. Walang nakuhang sagot si Asher mula kay Andrea pilit na ngumiti si Asher at kiniss ang noo ni Andrea
"Marahil ay sapat ng sagot yan mahal ko, mag iingat ka palagi at maging masaya ka ,Kayo ni Ashton.,mahal na mahal kita , at ikaw lang ang babaeng sobra sobra kong minahal,Mula ng mga panahon na naging akin ka hanggang ngayon na hawak kana ng iba"
Saka tumalikod at dahan dahan nag lakad papalayo isang mabibigat na hakbang,
Ang ginawa ni Asher habang papalayo sa babaeng minamahal maya maya pa ay nagkaroon ng lakas ng loob
si Andrea ,Tumakbo papalapit kay asher, ng maabutan ito ay agad niya itong niyakap habang nakatalikod na dahilan ng pagtigil ni Asher, Nanghina sya sa pagyakap ng kanyang mahal.
"Mahal kita,Mahal parin kita! mula noon hanggang ngayon at kahit paulit ulit kong i deny ito ,Hindi ko kayang lukohin ang nararamdaman ko kase mahal kita noon hanggang ngayon mahal na mahal kita,Asher ikaw parin ,Ikaw parin" kasabay ng iyak nito,
Agad na humarap si asher sa kanya ng marinig ang mga salitang iyon. agad nyang tiningnan ang mga sincere na mga mata nito.
"But...Im really sorrry"
sabi ni ndrea.
"Hindi ko kayang iwan si Ashton, hindi ko sya kayang saktan,Patawarin moko, Hindi kita kayang piliin,Im sorry, Alam natin ang nangyare sa kanya nung mga panahon na inakala niyang mahal patay nako Ash. Kaya hindi kona sya magagawan saktan ulit ,Im so sorry"
Sabi nito napapikit sa sakit si asher ng marinig iyon at huminga ng malalim
"Dyan ba sa desisyon na yan,Dyan kaba sasaya?"
tanong niya
"Ito ang gusto ko"
Malayong sagot ni Andrea. Tiningnan nito si Andrea at nilapitan at niyakap ng mahigpit
" Kong yan ang gusto mo,Rerespetuhin ko, Patawarin moko kong isusuko kita,Ayuko ng mahirapan kapa at maipit sa pagitan namin dahil alam kong ilalaban ka nya, Sobrang mahal kita at palagi lang ako nandito titingnan ka mula sa malayo mahal, Mahal na mahal kita Andrea, SOBRA kitang mahal"
Saka tuluyan umalis at naglakad papalayo ,Pinagmasdan siya ni andrea papalayo,Napaupo si Andrea at sobra itong nasasaktan, Habang tuluyan ng natapus ang pag ibig na hindi nagkaroon ng magandang Ending
"Im so sorry mahal ko"
******
Samantalang mula sa malayo ay may isang taong lumuluha sa sakit sa nakitang eksena sa pagitan ng Babaeng sobra niyang mahal at nang kanyang sariling kakambal.
Pinagmamasdan ni Ashton si Andrea na umiiyak at nasasaktan at kitang kita din niya, Kong paano bumitaw ang kanyang kambal para lang sa ikakaayos nila ,At Para kay Andrea , Pag dating sa usapin pag ibig ,Sino nga ba ang tunay na masasaktan ang taong nagparaya para pag mamahal . Oh ang taong nakikita ang taong mahal niya na nasasaktan ng dahil sa iba.