9

1379 Words
HINDI makapaniwala si Kila na nakikita niya si Gray sa ganoong kalagayan ngayon. Ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na makikita niya itong nakakulong sa isang selda. Nakaupo ito sa isang sulok at nakasubsob ang mukha sa mga tuhod kaya hindi siya nito kaagad nakita. Nanghihina na napapaiyak siya. Nang tawagan siya nito kanina sa cell phone ni Aling Tess at sinabi ang kalagayan nito ay kaagad siyang nagtungo roon. Gimbal na gimbal siya nang malamang nasa presinto ito at nakakulong. “Grayson...” tawag niya rito. Nag-angat ito ng mukha. Kaagad siya nitong nilapitan nang makita siya. Namumula at nanlalalim ang mga mata nito. Mukha itong miserableng-miserable. Habag na habag siya sa hitsura nito. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Halos hindi na niya mapigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Hindi na niya maintindihan kung bakit kailangang mangyari ang mga bagay na iyon sa kanila. Kung pagsubok lang iyon ng Panginoon, sobra naman na yata. “Kila, patawad,” ani Gray sa basag na tinig. “Napilitan lang akong sumama kina Peter na looban ang isang sanglaan kagabi. Hindi ko naman akalain na mahuhuli ako. Gusto ko lang namang makadelihensiya ng panggamot ni Tatay.” “Bakit, Gray?” nanghihinang tanong niya. “Marami namang malinis na trabaho diyan. Hindi mo kailangang magnakaw.” Paano nito naisip na gumawa ng masama? Talaga bang nawalan na ito ng pag-asa? “Marami nga pero kakarampot naman ang suweldo. Hindi sapat para sa mga gamot ni Tatay. Kinailangan kong kumapit sa patalim. Hindi puwedeng basta ko na lang panoorin ang ganoong kalagayan ng tatay ko. Kailangan kong kumilos.” “O, nasaan ka ngayon? Ano ang napala mo? Nakakuha ka ba ng malaking halaga? Ano ka ngayon? Kalaboso. Magkaka-record ka pa nito, eh!” galit na sabi niya. Nanlulumong napabuntong-hininga ito. “Makakalabas din ako rito. Hindi ako pababayaan ni Peter. Ang sabi niya, ilalabas niya ako rito basta hayaan ko siyang makatakas. Alagaan mo muna sina Tatay habang narito ako. `Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para sa mga susunod na gamot niya. `Wag mo ring sasabihin sa kanila na narito ako at baka pati si Nanay ay ma-stroke. Sabihin mong nagkaroon ako ng trabaho sa probinsiya at tatawag agad ako. Mangako kang hindi mo sila pag-aalalahanin.” “Gray...” Hindi niya alam kung susuntukin ito o yayakapin. Nagagalit siya rito ngunit naaawa rin naman siya. Hindi niya ito lubos na masisi sa nagawa nito. Hindi naman ito likas na masama. Nagawa lang nitong gumawa ng masama para sa pamilya nito. Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa rehas. “Malalampasan ko rin ito. Ako na ang bahala. `Wag ka nang masyadong mag-alala. Ilalabas ako ni Peter dito. Sige na, umuwi ka na. Ayokong nakikita mo ako sa ganitong kalagayan.” Kaysa maiyak sa harap nito ay tumalikod na siya at mabilis na nilisan ang presinto. Sa halip na umuwi ay naglakad-lakad muna siya. Nang makakita siya ng mall ay pumasok siya roon. Dahil nanlalabo na ang kanyang paningin ay hindi niya nakitang may kasalubong siya. May nabangga siyang malaking bulto. Napaupo siya sa marmol na sahig sa lakas ng impact. Kaagad naman siyang dinaluhan ng nakabangga niya. “Are you okay, Miss?” Hindi niya magawang tumayo at sumagot. Hindi na rin niya napigilan ang mga luha. Nag-unahan ang mga iyon sa pagpatak. Sobra-sobra na ang mga dinadala niya. Tila wala nang katapusan ang lahat. “Hey, hey, don’t cry,” natatarantang sabi ng estranghero na may baritonong tinig. Tila pamilyar ang tinig nito ngunit hindi niya maalala kung kailan at saan niya unang narinig iyon. “I’m so sorry. Here, dry your tears.” May iniabot ito sa kanya na isang puting panyo. Halos wala sa loob na pinahid niya ang kanyang mga luha. Ano ang naisip niya at doon siya umiyak? Ang plano sana niya ay maghanap ng banyo at doon impit na umiyak upang kahit paano ay maibsan ang paghihirap ng kalooban na nararamdaman niya. Inalalayan siyang tumayo ng estranghero. “Are you okay?” Napatingin siya sa mukha ng lalaki. Ngayong hindi na gaanong nanlalabo ang mga mata niya dahil sa mga luha, nakita na niya ang kabuuan ng mukha nito. Pamilyar nga ito sa kanya. Saan nga ba niya ito nakita dati? “Okay ka lang, Miss?” tanong uli nito. Tumango siya. “Xander?” Napalingon ito sa pinanggalingan ng tinig. Isa pang lalaki ang nasa hindi kalayuan, nasa bungad ng isang tanyag na jewelry store. “Sandali lang,” sabi nito sa lalaki bago siya muling binalingan. “Okay ka lang talaga? I have to go. Take care.” Bago pa man siya makatugon ay nagmamadaling pinuntahan na nito ang lalaking tumawag dito. Nagkibit-balikat na lang siya at tumalikod. Nakalabas na siya ng mall nang matandaan niya kung saan niya ito unang nakita. Ito rin ang lalaking nakabangga niya noon sa labas ng unibersidad na pinapasukan ni Grayson. Ibinulsa niya ang panyong hawak niya. Nakalimutan na niyang ibalik iyon. Hindi bale na. Walang puwang sa isip niya ang mga ganoong bagay sa mga oras na iyon. Nagsayang na nga siya ng oras sa pagpasok sa mall. Kailangan niyang kumilos upang mailabas na niya sa kulungan si Gray. Nahihirapan siyang isipin na nakakulong ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Nagmamadaling sumakay siya sa jeep na pauwi sa kanila. Hindi siya dumeretso sa bahay nila. Pinuntahan niya ang bahay ni Peter. Nadatnan niya ito sa labas ng bahay nito na nakikipag-inuman sa mga kabarkada nito. Naningkit ang kanyang mga mata at naikuyom ang kanyang mga kamay. Kaagad na napuno ng galit ang buong pagkatao niya sa nakikita. May gana pang magpakasaya ang gago samantalang si Gray ay nasa presinto. Inaasahan ito ng kanyang nobyo. Buo ang paniniwala ni Gray na ilalabas ito ni Peter ng kulungan. Sa nakikita niya, walang plano si Peter na gumawa ng hakbang upang makalaya sa kulungan si Gray.  Galit na nilapitan niya ito. Hindi niya gaanong pinansin ang pagsipol ng mga kabarkada nitong tila may tama na ng alak. Napangisi si Peter nang makita siya. “Miss Beautiful, ano ang maipaglilingkod ko sa `yo?” tanong nito habang prenteng nakaupo sa monobloc chair. “Kailan mo ilalabas si Gray sa kulungan?” tanong niya. Humagalpak ito ng tawa. Pinigilan lang niya ang sarili na hampasin ang mukha nito. “Bakit ko gagawin `yon? Kaano-ano ko ba siya? Hindi pa kami close, `oy! Siya nga itong mapilit na sumama sa mga raket ko, eh. May balat yata sa puwit ang boyfriend mo, Miss Beautiful. Hindi naman ako madalas na mabulilyaso sa ibang lakad ko. Sumama lang siya, nahuli na ako. Bagay lang sa kanya `yon. Malaki na siya. Bahala na siyang dumiskarte kung paano makakalabas do’n.” Sumiklab ang galit niya. Sa sobrang galit niya ay nasampal niya nang malakas ang mukha nito. Bigla itong tumayo at tumaas ang kamay. Pumikit siya nang mariin at hinintay ang pagdapo ng kamay nito sa kanya ngunit hindi iyon dumating. Tumawa ito nang malakas. Hinaplos nito ang pisngi niya. Pumiksi siya at tinampal ang kamay nito. “`Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa magaganda. Kung gusto mong ilabas ko ang boyfren mo, may paraan naman, eh.” Inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga. Lalayo sana siya ngunit hinapit siya nito. Naghiyawan ang mga kaibigan nito. “Serbisyuhan mo ako buong magdamag,” bulong nito sa tainga niya. Kinilabutan siya. Diring-diri siya rito. Inipon niya ang lahat ng lakas  na mayroon siya at marahas itong itinulak palayo. Napasadsad ito sa mesa. Bago pa man siya mapahamak ay kumaripas na siya ng takbo. Naririnig pa niya ang malakas na halakhak ng mga ito. Nang makalayo siya ay tumigil siya at sumandal sa isang pader. Tila sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba at takot. Naiiyak na naman siya. Hindi maaaring magtagal pa sa kulungan si Gray. Hindi siya papayag. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi rin niya hahayaan ang sarili na pumayag sa gusto ni Peter. Kung ibebenta rin lang niya ang katawan niya, sa isang mayaman na. Natigilan siya sa naisip. Paano dumaan iyon sa isip niya? Talaga bang handa siyang ibenta ang lahat ng mayroon siya para kay Gray at sa pamilya nito? Dali-dali siyang umuwi sa bahay. Kailangan niyang hanapin ang numero ni Mama Nicole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD