Hindi pa ganoon magaling si Colton pero nakaka kilos na ito kaya naman magka sama na silang tatlo sa may dining room para kumain na ng breakfast. “Kamusta ang pakiramdam mo apo?” Tanong ni lola Rita kay Colton. “I am getting better, Lola,” naka ngiting sagot ni Colton. Ngumiti naman si Valentine at kumuha ng pagkain niya. Masaya siya na hindi, ma hirap alagaan si Colton kaya hindi siya na hirapan din. “Magaling ang doctor,” naka ngiting sambit ni lola Rita. Na tawa naman si Valentine sa sinabi ng matanda at bahagyang umiling. “Hindi naman Lola,” naka ngising sambit ni Valentine at nag simula nang kumain. “Ikaw naman Colton, bakit ba sobrang dami yata ng trabaho mo?” Naka taas ang kilay na tanong ni lola Rita. “Because I am working on home Lola, kaya marami ang trabaho ko,” samb

