Pagka tapos kumain ng dalaga ay agad siyang kumuha ng tubig at nilagay ito sa pitchel para kay Colton, kaya naman pagka tapos niyang kumuha ng tubig ay bigla na siyang pumunta sa may kwarto ni Colton para bantayan ang binata dahil baka mag trabaho ito bigla at hindi mag pahinga. Nang maka pasok si Valentine sa kwarto ni Colton ay napa buntong hininga naman siya nang bahagya nang ma kita ang binata na nandoon lang at hindi umalis ng kwarto niya. “Buti naman hindi siya nag pasaway,” sambit ni Valentine at lumabas ulit ng kwarto niya para kumuha ng maligamgam na tubig sa palanggana at isang maliit na twalya para ma punasan niya ang noo ng binata. Wala siyang masyadong alamn sa pag gagamot ng may sakit kaya ito nalang ang gagawin ng dalaga. Pagka tapos niyang ma kuha ang dapat niyang kun

