"Hindi
ko alam
kung sang
parte
ng dagat nakatira ang ibang kauri namin, dito sa lugar na to
dalawa
lang
kami ni Ezra ang
namumuhay
ng
tahimik dun sa
Caribean,
kaya
lang
ako nagagawi
dito sa lugar nyo
dahil nacucurious
ako
kung paano mamuhay
ang
isang mortal, pinapanood
ko
sila
habang
nasa kaanyo-ang tao
ako,
nung gabing nakita mo
ako
na nakaupo dun sa mga bato, kagagaling ko lang sa caribean nun, hindi
ko alam
na
may tao
na dito sa bahay
na i to,
kaya sobrang
nagulat
ako
nung
tinawag mo ako
non"
sagot
nya
sakin kaya napangiti ako.
"Ahhh so, kaya ka pala nakahubad nun kasi katratransform mo lang?" tanong ko
"Ano yung transform?" taka nyang tanong.
"Ah
hehe, yung ano
kapapalit
mo lang
ng
anyo" paliwanag ko, ngumiti naman
sya
sakin at tumango.
"Kung ganun,
bakit
nung
lumabas ako hindi
kita nakita, san
ka
pumunta?" taka ko
ding
tanong
"Bumalik ako
sa dagat,
tapos
nung gabing nakita
kitang
nakaupo
ka
dito kung
san
tayo
nakaupo
ngayon, nasa likuran ako ng
bato, tahimik
kitang pinapanood" nakangiti nyang
sabi, kaya pala
pakiramdam
ko
non may nanonood sakin.
"Sabi
kasi samin
ng
professor namin, nakakatakot
daw ang
mga sirena, nang aakit
daw sila sa
pamamagitan ng malambing nilang
boses
at
kapag nahulog
sa
spell yung
biktima
nila hihilahin
daw nila
sa
kailaliman
ng dagat" paliwanag
ko,
napakunot naman
sya
ng
noo sakin .
"Ganyan
ba ang
pagkakakilala samin ng mga mortal?"
tanong nya
"Sila,
pero
ako hindi, dahil napatunayan ko na
hindi ka ganon" sagot
ko.
"Gaya
ng
paliwanag
ko sayo
kanina, pagkanta
lang
ang
alam
namin, ginagamit
namin ang
musika
para iparating nararamdaman
namin sa ibang nilalang,
ginagamit
namin
ang musika
para pakalmahin
ang
mga nag lalakihang
alon,
wala
kaming intensyon
manakit o
pumatay
ng mga mortal" paliwanag nya
"Sadyang
mga mortal lang
ang kelangan
namin
layuan"
dagdag
nya kaya
medyo kumirot
dibdib
ko para sa kanya,
puro
paninira sa
mga
uri nila ang
itinuturo
at
alam ng mga tao ngayon, pero
sa
katunayan,
mga tao talaga
ang nakakatakot na dapat
iwasan hindi mga kagaya nila.
"May
tanong
dito
kung
mababait
ang mga
sirena, pero ako na
mismo
ang sasagot dito
sa
tanong na ito" sabi ko, kaya
napangiti sya.
"Last question, nalulunod
din ba kayo kapag
nakatagal kayo sa
lupa?" tanong
ko.
"Kapag
nasa
anyong
sirena
kami, saka lang kami
nalulunod
sa lupa, pero kapag
anyong
tao kami
kahit
tumagal kami
ng taon sa
lupa
hindi
kami malulunod,
basta
wag
lang
kami mapalayo
sa
dagat" sagot nya.
"Wow, may irereport na ako next week, gusto mo ba sumama sakin sa city?" tanong ko, tumungo naman sya tapos sobrang lungkot nya.
"Gaya ng sinabi ko
kanina,
hindi ako pwede
lumayo sa dagat" sabi nya, kaya nakaramdam
din ako ng pag kalungkot.
"Kung
ganun
hindi ko
na
maririnig boses mo" malungkot ko
ding sabi.
"Alam
ko kung
gaano ka- importante
sa isang
mortal ang
mag
aral,
pwede
mo naman
ako
dalawin dito,
pumunta ka lang
sa
coastal
at
tawagin pangalan ko" nakangiti
nyang
sabi,
tumayo naman
ako at
yumapos dito
sa
may likuran nya.
"Ipinapangako
ko, walang sino mang tao ang makakaalam tungkol
sa
inyo, mananatili
kayong fairytale
sa mundong
to"
nakangiti kong
sabi
"Ano yung fairytale?" tanong nya.
"Parang kathang isip lang" sagot ko, humawak naman sya ng mahigpit sa braso ko.
"May isang katanungan kang hindi naitanong" sabi nya, kaya nagtaka ako bigla.
"Gaya ng ano?" tanong ko
"Paano maririnig ng isang mortal ang tinig na musika ng ibang sirena" sabi nya kaya
nanlaki
mata ko.
"Pwede
marinig ng kagaya
namin
ang ibang kauri
nyo?" gulat kong tanong, ngumiti at tumango
tango naman
sya sakin.
"Paano???" agad
kong
tanong, tumayo naman sya
at humarap
sakin.
"Sumama
ka
sakin, lalangoy
tayo" nakangiti nyang
sabi. Agad ko naman kinuha yung
mga gamit
ko
sa paglalangoy.
Makalipas ang
ilang minuto naming paglalakad, Luminga linga
muna sya sa paligid tapos
tumayo sya dun sa
dulo
ng clif saka
sya
tumingin
sakin.
"Susunod ka ha" sabi nya.
"A-a-h,
o-h s-ige" bulol
kong
sagot
sa kanya, bigla
naman
sya
tumalon,
kaya napatakbo
ako papunta
dito
sa
dulo ng clif
at
dumapa,
hinanap hanap
ko naman
kung
nasan
sya kaso
hindi ko matanaw kung nasan na.
"Kendrick!!" sigaw nya
mula dun sa may parteng gilid. kaya
agad ako napalingon.
"Antayin mo ako"
sigaw ko
din, kumaway
naman sya sakin.
Agad ko naman
sinuot yung
goggles ko, tapos
sinilip ko muna yung babagsakan
ko.
"Susko po!" bulong ko sa
sarili ko, pumikit na lang ako saka
tumalon.
Pagkabagsak ko
sa
tubig, kita
ko naman sya
na papalapit sakin,
kahit nasa
tubig
ako
pakiramdam ko nagtayuan balahibo
ko
nung
makita ko yung buntot
nya, agad
nya
naman ako
hinawakan
at ini-angat.
"W-w-wo-wow" bulol
ko na lang sabi sa kanya, napahawak naman ako
sa balikat nya,
pakiramdam
ko pupulikatin ako
dahil sa
nakita
ko.