KYROUS' POV It's earlier than I expected. Akala ko ay sa susunod na linggo pa ang ka-buwanan niya! Wala akong pinalampas na segundo para mapuntahan siya. Mabuti na lang pala ay na-rentahan ko ang kwarto sa kabilang unit. Kahit masakit sa bulsa, I rented some hospital equipments and hired medical personnels to be ready when this day comes. At dahil busy ako kaninang bumili ng cheese, di ko namalayang tumatawag na pala sa akin ang personal nurse na binayaran ko. Napamura ako dahil sa labis na kaba nang makapag-park. Dala ang isang plastic, tumakbo ako papasok sa Condo Hotel kung saan kami nakatira ni Scarlet. Mas nataranta ako nang sumara ang elevator at umangat na. Hindi pa ako nakasakay! Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa isa pang elevator na nakasara rin pati na sa hagdanan patungon

