SCARLET'S POV "May gusto ka bang pagkain para sa dinner mamaya, Scarlet?" Nilingon ko si Kyrous. Prente siyang nakaupo habang nakaharap sa laptop. Nakasandal sa dibdib niya si Cara na nasa baby carrier. Pinagsasabay niya kasi ang trabaho at pagpapatulog sa anak. "Kahit ano na," sagot ko at muling tinignan ang iPad. Bumalik na kasi ako sa pag-aaral dahil kaunting buwan na lang ay makakabalik na ako sa Academy. Mula sa gilid ng mga mata ko, kita kong tumayo siya at inilagay sa crib si Cara. "Sleepwell, baby," rinig kong bulong ni Kyrous. Ilang saglit pa'y lumabas siya kaya tinignan ko ang anak na nagsimula na namang umiyak. Simula no'ng iniluwal ko siya hanggang ngayon, hindi ko pa siya naalagaan. Palaging si Kyrous kahit busy siya at ako, walang ginagawa. Natatakot kasi ako. Baka 'di

