SCARLET'S POV "Good morning!" Boses ni Kyrous ang bumungad sa akin pagmulat ng mga mata ko. Niyakap ko ang unan niya at inamoy iyon. "Bakit ka pa nandito?" inaantok na tanong ko. "I took a leave. I won't teach until my babies are fine," aniya at humiga sa tabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hinayaan kong haplusin niya ang tiyan ko at halikan iyon. "Babies? Isa lang ang anak natin, 'di ba?" Wala akong matandaang sinabi ng OB na kambal iyon. He smiled and kissed the tip of my nose. "Yeah. The other one is you. You're my baby girl, right? And she is our baby girl," he said and kissed my tummy. Bigla akong napangiti. Sana ganito na lang kami. "Bakit?" "Anong bakit?" tanong niya at muling hinalikan ang pisngi ko. "Bakit ka ganito sa akin? Tayo na ba?" umaasang tanong ko

