SCARLET'S POV "Kikay na kikay si Cara. Mana sa 'yo, Scarlet!" komento naman ni ate kaya napatingin ako sa kanya. Napangisi ako. "Simple pa lang naman 'to para sa akin, ate. 'Pag lumaki siya, aayusan ko ng bongga!" Hinarap ko ang anak at hinaplos ang pisngi niya. "Gusto mo 'yon, baby?" malambing tanong ko. Dalawang impit na tawa lang ang isinagot niya. Natuwa kaming tatlo roon. Ang cute! Hindi na ako makapaghintay na lumaki siya. Tuturuan ko siyang mag-make-up, magtirintas ng buhok at magsuot ng trending fashion. "Kyrous, nabanggit ko kay Scarlet na alam na ni mama ang tungkol sa inyo. Gusto niyong akin muna si Cara para makapag-usap kayo?" Imbes na sa nagpapaalam na si ate, sa akin tumingin si Kyrous. May pag-aalala sa mga mata niya. Pinutol ko ang titigan namin sa pamamagitan ng pag

