SCARLET'S POV Nang magising ako ay niligpit ko ang kumot bago lumabas. Nadatnan kong pasikat pa lang ang araw at sa malapit na dagat, natanaw ko si LJ. Kahit likuran niya lang 'yon, alam kong siya. Dahil sa lamig, itinago ko ang kamay sa dulo ng jacket na suot at nilapitan siya. "Good morning!" bati ko habang nakangiti. Napalingon siya sa akin at sinundan ako ng tingin hanggang sa makaupo sa tabi niya. "Good morning too, Scarlet." "Kanina ka pa rito? Aga, ah?" sinubukan kong maging masigla ang boses. Mukha kasing malungkot siya. "Yeah, 'di kasi ako makatulog." Tumango ako at bumaling sa kanya. Nakatigin lang siya sa harap at sinusundan ang hampas ng alon sa dagat. "May problema ba?" nag-aalalang tanong ko. Then I remember, this is the first time I saw him lonely. He's always fine

