Tinaas niya ang kilay at mas inilapit ang kamay niya sa akin nang hindi ko iyon inabot. "Scarlet," tawag niya pero umiling ako at inabot ang tali na nasa gilid inflatable rescue boat. "Kaya ko po ang sarili ko." Hinatak ko iyon at binuhat ang sarili para tulungang umangat. "You're braver than I expected," rinig kong usal niya nang inangat ko ang binti para sumampa sa bangka. Nang makasakay ay lumayo ako sa kanya at tahimik na niyakap ang sariling hita dahil sa lamig. Alam ko kasing pwedeng may masabi na naman ang iba sa akin kapag tumabi ako sa kanya. Nang tumalikod siya ay pinanood ko ang pag-talon ng lalakeng kaklase. Gano'n din ang sa ibang mga bangka. May kanya-kaya ring nagbabantay na rescue sa kanila. "Here." Tiningala ko si Kyrous at kinuha ang puting towel na inalok niya.

