Scarlet's POV "Agape..." bulong ko sa sariling apilyedo habang ang mga daliri ay dahan-dahang bumababa sa listahan ng mga pasado sa exam. Hindi ko alam kung ilan ang kabuuang bilang namin na nag-exam noong araw na 'yon pero trenta lang daw ang nakapasa at nasa pang-benteng rango na ako pero wala pa rin ang pangalan ko. "You're on twenty-seventh." Naestatwa ako nang marinig ang pamilyar na paos at baritonong tono. Amoy na amoy ko rin ang bango niya dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat nang hawakan niya ang kamay kong nakaturo sa lists at ibinaba niya iyon hanggang sa makita ko ang pangalan ko. Pasado ako! Binawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya at napatakip ng sariling bibig dahil hindi makapaniwala. Naiiyak na rin ako dahil sa saya. "Congra

