Chapter 59 Aira Maaga pa lang nagising na kami ni Yaya, bahala kasi namin na ipasyal si Derick sa park. Isang linggo akong naka-leave, at bukas magsisimula na ako sa Ynares Global Company. "Anak e-ready ko na ang gatas ni Derick. Ilagay ko na iyon sa bag niya," sabi ni yaya sa akin habang inaasikaso niya ang mga gamit ni Derick. Kasalukuyan na kaupo ako sa harap ng salamin. Inaayos ang aking sarili. "Sige, yaya. 'Yong towel niya nariyan sa kabilang cabenet," tugon ko kay yaya habang dinadampi ko ang lipstick sa aking labi. Masyado nang maputla ang labi ko. Sobrang payat ko na rin, pero hindi naman yung payat na parang malnourished. Kahit paano medyo may laman pa naman ako. Ang laki nga lang ng ipinayat ko. Ilang sandali pa, habang abala si Yaya Ina sa pagbibihis kay Derick, tumuno

