Synopsis
“She’s no longer the woman he betrayed — she’s the woman who can destroy him.”
Si Rick Daryl Ynares Harris ay ang tinaguriang “Ice King” ng Ynares Empire, isang makapangyarihang CEO na tinitingala sa mundo ng negosyo at kinatatakutan ng kanyang mga kalaban. Ngunit sa likod ng karisma, yaman, at kapangyarihang iyon ay ang matinding galit na matagal na niyang kinikimkim, galit sa pamilyang Salmonte, lalo na kay Abraham Salmonte, ang dating kaibigan ng kanyang ama na nagtaksil at sumira sa Ynares Global Textile.
At sa kanyang plano ng paghihiganti, nakahanap si Rick ng pinakamabisang sandata: si Aira Salmonte, ang nag-iisa at pinakamamahal na anak ni Abraham. Matapang, elegante, at matalino, si Aira ay isang babaeng nagtagumpay sa sariling sikap at malayo na sa anino ng kanyang pamilya. Ngunit para kay Rick, isa lamang siyang instrumento upang tuluyang mapabagsak ang mga Salmonte.
Sa ilalim ng maskara ng kabaitan, ginawa niyang personal assistant si Aira at unti-unting binihag ang puso nito sa pamamagitan ng matatamis na salita, mapanlinlang na pangako, at pag-ibig na hindi totoo. Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal, iniwan niya ito nang walang paliwanag, pinili ang buhay kasama ang fiancée niyang si Beverly. Ang iniwan niya? Isang babaeng basag ang puso at nag-iisa, ngunit may dalang lihim ang anak nilang si Derick.
Limang taon ang lumipas, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Si Aira, ngayon ay isang matagumpay na marketing strategist, ay itinalagang Marketing Head ng isang subsidiary ng Ynares Empire. Hindi na siya ang babaeng minsang umiyak para sa isang lalaking sinira ang kanyang tiwala, siya ngayon ay isang kalaban, handang lumaban para sa sarili at sa anak.
Ngunit ang muling pagkikita ay nagbukas ng mga sugat at lihim na hindi na maitatago. Nang malaman ni Rick ang totoo tungkol kay Derick, gumuho ang pader ng galit sa kanyang puso. Ang dating misyon niyang paghigantihan ang pamilya Salmonte ay napalitan ng pagnanais na maitama ang mga pagkakamali, bilang ama, at bilang lalaking minsang minahal ni Aira.
Ngayon, ang laban ay hindi na para sa paghihiganti, kundi para sa pangalawang pagkakataon sa pag-ibig, pamilya, at bagong simula.
Bibigyan kaya siya ni Aira ng pangalawang pagkakataon? o Tuluyan na siyang talikuran at kakimutan nito.