Episode 9

2606 Words
CHAPTER 9 Rick Habang binabaybay ko ang kahabaan ng kalsada patungo sa bahay hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Aira. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng siyudad, pero sa loob ko mas madilim pa sa gabi. Dalawang araw. Dalawang araw para mag-isip si Aira Salmonte kung gusto niya akong maging boyfriend. Pero sa ayaw at gusto niya magiging girlfriend ko siya. Iyon ang ipinangako ko sa aking sarili. Hindi ako titigil, hanggang hindi ko madurog si Abraham. Kung paano niya dinurog si Daddy, gano'n din ang gagawin ko sa kaniya. Napangisi ako habang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang gulat sa boses ni Aira kanina. ‘Yung halong kaba, hiya, at inosenteng pagtatanggol. Hindi niya alam na bawat reaksyon niya ay eksaktong inaasahan ko. Hindi totoo ang sinabi ko. Ni isa sa mga salitang lumabas sa bibig ko kanina ay walang bahid ng katotohanan. Gusto ko lang siyang paglaruan. Gusto kong makita kung hanggang saan siya magtitiwala, gaano siya kabilis mahulog. Dahil kapag nangyari ‘yon—kapag tuluyan siyang naadik sa bawat salita ko, doon ko sisimulang wasakin ang mundo niya. At mawawasak din ang mundo ng ama niya. Dahil siya ang anak ni Abraham Salmonte. At si Abraham Salmonte ang lalaking sumira sa ama ko. Huminto ako sa isang parking lot sa tapat ng isang closed café. Pagsindi ko ng sigarilyo, agad kong naramdaman ang init ng usok sa dibdib ko. Ang bawat langhap, parang paalala ng dahilan kung bakit ako nandito. Tatlong taon na ang nakalipas. Tatlong taon mula nang malugi ang kompanya. At salamat kay Raynier, dahil sa kaniya binangon niya ang kompanya na pinaghirapan ng mga kinilala kong mga magulang. Kahit hindi ako tunay na anak nila, pero tunay na anak ang turing nila sa akin. At balang araw tatanungin ko sila kung bakit nila ginawa iyon? Ang pagnakaw sa akin sa tunay kong mga magulang? Bakit hiniwalay nila ako sa triplets kong si Raynier at Raydin? Ang kompanya ni Daddy Anthony, ang RDH, ang pinagtrabahuhan niyang buong buhay at ipinangalan sa akin, nasira sa isang gabi. Isang pirma, isang pekeng kontrata, at dahil iyon sa isang pamilyang Salmonte. Ang kinikilala kong ama na si Don Rey Anthony Harris, ay hindi na nakabawi. At ang Ynares Global textile, ay muntik na rin malugi dahil sa kagagawan nila. Pagkatapos ng iskandalo, tinanggalan siya ng lisensya, iniwan ng mga dating kasosyo, at ilang buwan nalulong sa bisyo. Dapat pagbayaran ni Abraham iyon dahil buong puso siyang pinagkatiwalaan ni Daddy. Habang ako, saksi sa lahat, sa bawat paghingi niya ng tawad sa mga kliyente, sa bawat pangungutya ng media, at sa bawat gabi ng pag-inom niya ng alak hanggang paggamit niya ng bisyo. Hanggang ako na ang itinalagang CEO ng Ynares Global Textile. At sino ang nasa likod ng lahat ng ‘yon? Si Abraham Salmonte. Ang ‘mabait na kaibigan ng aking ama, ‘matulungin,’ at ‘tapat’ na negosyanteng ngayon ay parang santo sa industriya. Mabait kung kaharap ang iba. Halos hindi makabasag ng pinggan. Pero isa siyang demonyo. Ipinangako ko sa sarili ko na babayaran ng pamilya niya ang lahat. Hindi sa pera, kundi sa sakit. Sa hiya. Sa pagkawasak. At dumating si Aira, na siyang magbabayad ng kasalanan ni Abraham. Pagdating ko sa bahay binuksan ko ang ilaw. Laking gulat ko na naroon si Raynier sa sofa. May hawak na kopeta. "Nakakatakot ka naman! Para kang multo riyan. Hindi ka nagpasabi na narito ka sa bahay ko," sabi ko at hinubad ang aking coat. "Ayaw kitang istorbohin. Wala akong magawa sa mansion. Ang hirap magpanggap na ikaw, Rick. Mapait akong natawa sa sinabi niyang iyon. Kumuha ako ng alak at tinagisan ang kopeta, saka ako umupo sa harap ni Raynier. "Ikaw ang may gusto na gamitin ang pangalan ko, para magpanggap na ako at mabuhay ka. Pero, Ray, paano mo maipaliwanag sa mga magulang natin at mga kapatid na buhay ka? Paano ako haharap sa kanila? At paano ko harapin ang mga kinilala kong mga magulang?" Napabuntong hininga siya at inubos ang laman ng kopeta. "Hindi ko rin alam, Ray. Pero kahit gano'n, nasa likod pa rin nila ako. Balang araw magpapatayo ako ng kompanya sa Holand, kailangan nasa likod pa rin ako ni Raydin. Pero dito muna ako magsisimula, at ayaw kong ako lang ang mamayagpag, kundi gusto ko ikaw ang kasama ko. Sabay natin pasukin ang industriya ng Logistics, real estate, Solar irrigation, at iba pa. Gusto ko makarating sa Middle East, Europe, at Asia." Napahanga ako sa determinasyon ni Raynier. Hindi ako makapaniwala na may kapatid akong matalino sa lahat ng bagay. Hindi nakakapagtataka kung kilala siya bilang ghost player sa larangan ng negosyo. Kung ako nga siguro sa sitwasyon niya, hindi ko siguro maisip na magpanggap na patay para lang muling mabuhay. Iba siya kapag kumilos. Pinag-iisipan ang bawat bagay. Ang bawat plano. Hindi siya katulad ko na kung ano ang maisip, iyon agad ang hakbang na gagawin ko. "Suportado ako sa mga plano mo, tol. Salamat at dumating ka. Gamitin mo ang pangalan ko hanggang gusto mo. Kapag matibay na ang negosyo na papasukin natin, saka tayo magpapakita sa mga magulang natin, at kay Raydin. Excited na rin akong makilala sila," sabi ko, pagkatapos ininom ko ang alak sa aking kopeta. Muli akong tumayo upang kunin ang bote sa bar counter. Pagkatapos kong kunin ang bote, humakbang ako palapit sa kaniya at inilapag ang bote sa gitna ng lamesita sa pagitan ng upuan naming dalawa. "Alam ko, magugulat sila kapag nakita nila ang dalawang mukha ni Raydin,” aniya habang nagsasalin ng alak sa mga kopeta namin. “’Yong isa, akala nila matagal nang patay at ’yong isa—hindi nila kailanman inakalang umiiral sa mundong ito.” At ako ang tinutukoy niyang isa. “Pero, Rick…” tumigil siya sandali, nakatingin sa akin nang diretso, “kumusta na ang plano mo sa anak ni Abraham?” Saglit akong natahimik. Kumislot ang panga ko. “Nagsimula na.” Umikot ang alak sa loob ng baso bago ko ininom. “Hindi niya alam kung sino talaga ako. Akala niya, simpleng CEO lang. Hindi niya alam na bawat ngiti ko ay may dahilan.” Tumaas ang kilay ni Raynier. “Sigurado ka bang hindi ka nadadala?” Napangisi ako. “Hindi ako gano'n karupok, Tol. Alam kong anak siya ni Abraham. At balang araw, siya mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng pamilya nila.” Umiling si Raynier. “Rick, alam kong gusto mong maghiganti. Pero huwag mong hayaang lunurin ka ng galit. Ang paghihiganti, kapag hindi mo binantayan, magiging lason. Uunahin kang patayin bago mo pa man magamit.” “Hindi mo naiintindihan,” sagot ko. “Iba ang sakit ng pagkasira ng pamilya. Iba ‘yong makita mong wala kang magawa habang winawasak ng isang taong pinagkatiwalaan mo ang buhay ng ama mo.” “Pero hindi si Aira ang gumawa no’n,” tugon niya. “Wala siyang kinalaman.” “Pero siya ang susi,” matigas kong sagot. “Kapag siya ang natamaan, doon mararamdaman ni Abraham ang sakit. Gano’n kasimple.” Tahimik kaming pareho. Naroon lang ang tunog ng ulan sa labas, at ang tik-tak ng orasan sa dingding. Maya-maya, nagsalita ulit si Raynier. “Kung gagamitin mo si Aira, siguraduhin mong hindi ikaw ang mahuhulog. Alam kong marunong kang umarte, Rick, pero huwag mong kalimutan, ang mga taong kagaya mo, mabilis rin madapa kapag pumasok ang emosyon.” Tumawa ako ng malamig. “Wala kang dapat ipag-alala. Hindi ako basta-basta nadadala ng emosyon.” “Hindi pa,” aniya. “Pero darating ang araw na hindi mo alam kung totoo pa ba ang nararamdaman mo, o parte lang ng plano mo. Doon ka matatakot.” Hindi na ako sumagot. Uminom na lang ako ng alak at tinitigan ang likidong tumatama sa ilaw. “Ray, masyado kang sentimental. Hindi ako katulad mo.” Ngumiti siya. “Hindi pa.” Tahimik kaming nag-inuman hanggang sa maubos ang bote. Pero sa isip ko, umiikot pa rin ang mga sinabi niya. Huwag kang mahulog. Huwag kang mahulog. Pero paano kung iyon mismo ang paraan para tuluyang masira si Abraham Salmonte—kung mahulog sa akin ang anak niya, at ako naman ang magiging dahilan ng pagkabali ng puso nito? *** Kinabukasan. Mainit ang araw, pero malamig ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa loob ng boardroom ng Ynares Global Textile. Nandoon si Abraham Salmonte, nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Malinis ang suot, magalang ang ngiti. Isang mukha ng respeto at kapangyarihan. Pero sa paningin ko, isa lang siyang ahas na nakasuot ng suit. “Rick,” bati niya, “I’m glad you made it. I’ve read your proposal. Maganda ang plano mo sa expansion ng textile division. Hindi ko hahayaang matanggal ka bilang CEO.” Tumango ako, pilit ang ngiti. “Madalas madali sabihin ang mga salitang ‘yan, Mr. Salmonte. Pero iba ang laman ng puso.” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “Anong ibig mong sabihin?” Nagpalit ang tono niya saglit, nagkunwaring magaan habang nagtanong, “By the way—kumusta naman ang Daddy mo? Ang matalik kong kaibigan na si Rey Anthony Harris. Nababahala kami sa kanya; lalo na’t marami nang kumakalat na kwento.” Binigkas niya ang pangalan ng ama ko nang parang iniinspeksyon ang reaksyon ko. Huminga ako nang mababaw. Pinilit ko ang mukha kong walang pagbago. “Wala na sa katinuan ang ama ko,” sagot ko nang may pagninilay, pero pumapasok ang sarkastikong ngisi sa dulo ng salita ko. “Dahil sa isang kaibigan niya.” Tumigil sandali si Abraham. Ang ngiti niya—‘yong peke at magalang na ngiti—unti-unting naglaho. Sa isang iglap, nakita ko sa mga mata niya na alam na niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko na kailangang banggitin pa kung sino ang tinutukoy ko; pareho naming alam kung saan tumatama ang mga salita ko. Ngumiti siyang muli, mas mababa ang boses. “Napakahirap ng mga kwentong iyan. Pero dito, sa negosyo, kailangan ang malinaw na records at literal na katibayan.” Nagbiro pa siya nang bahagya, ngunit hindi maitatago ang bahid ng pagsisiyasat sa kanyang mga mata. Ang uri ng tingin na pumipilas sa kasinungalingan ng iba. Umupo ako sa tapat niya, itinukod ang siko sa mesa. “Ibig kong sabihin, sa negosyo, lahat may kapalit. At minsan, ‘yong ngiti ng tao maskara lang para itago ang kasalanan.” Tumawa si Abraham sa sinabi ko, ‘yong tipong pakitang-tao. “You’re very sharp, Rick. You remind me of an old friend.” Ngumiti rin ako. “Siguro nga, pareho kami ng iniisip ng ‘kaibigan’ mo noon.” Nagtagpo ang mga mata namin, parehong tahimik, parehong may tinatagong apoy. Sa likod ng bawat salita, may kasaysayang hindi niya alam na unti-unti ko nang binubuhay. At habang kinakamayan ko siya pagkatapos ng meeting, sa loob ko, isang pangako ang muli kong binigkas: “I’ll make you pay, Abraham Salmonte. Not through war… but through your own blood.” “Alam ko may mga usap-usapan na gusto kang alisin sa posisyon bilang CEO. Pero gusto kong iparating sa’yo na hindi ako sang-ayon doon.” Napataas ang kilay ko. “Talaga? At bakit naman?” “Dahil kailangan ka ng kompanya,” sagot niya. “Isa ka sa pinakamagaling na pinuno na nakatrabaho ko. Hindi ko hahayaang mawala ka sa Ynares. Hindi madali ang humanap ng katulad mo.” Ngumiti ako, pilit. “Madaling sabihin, Mr. Salmonte. Pero mahirap sukatin kung totoo ang nilalaman ng puso.” Napahinto siya, bahagyang natawa. “Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin, Rick.” “Wala,” sagot ko, kasabay ng mapait na ngiti. “Napansin ko lang, madalas madaling sabihin ang mga magagandang bagay. Pero bihira sa atin ang may kakayahang panindigan iyon.” Sandaling natahimik si Abraham. Tinitigan niya ako, tila sinusuri ang bawat salitang binibitawan ko. Ako naman, nagpakita ng ngiting propesyonal, pero sa loob, naglalagablab ang apoy ng galit. Kung alam lang niya, nakaupo siya ngayon sa harap ng anak ng lalaking pinabagsak niya. Kung alam lang niya, nakangiti siyang kaharap ang lalaking unti-unting wawasak sa pangalan niya. At sa likod ng bawat ngiti ko, may nakatagong plano. Isang plano na magsisimula sa anak niyang si Aira. At magtatapos sa kaniya—durog, sira, at walang natitirang dangal. “Ah, speaking of assistants,” biglang sabi ni Abraham habang pinupulot ang ballpen sa mesa. “Si Aira pala—she’s your new executive assistant, tama?” Bahagya akong ngumiti, pilit na nagkunwaring inosente. “Aira? Oo, magaling siyang magtrabaho. Pero, anak mo pala siya, Mr. Salmonte?” Tumawa si Abraham, may halong pagmamayabang sa tono. “Oo, ang nag-iisang anak ko. Alam mo na, gusto ko ring matutunan niya ang galaw ng industriya habang bata pa. Mabait na bata si Aira, masipag, at tapat.” Tumango ako, kunwaring interesado. “Mabait nga. Kaya nga siguro... nagustuhan ko.” Natahimik si Abraham. Umangat ang tingin niya mula sa mga papel, diretso sa mga mata ko. “Nagustuhan?” ulit niya, parang tinitimbang kung seryoso ako. Diretsahan kong sinabi, walang pag-aalangan, “Kung sakali mang manligaw ako sa anak mo, wala kang magiging tutol, Mr. Salmonte?” Bahagya siyang natawa, pero may bakas ng pagkalito sa mukha. “Kung seryoso ka, at kung kayang mahalin ka ni Aira, bakit hindi?”: Ngumiti ako, isang ngiting may lihim na apoy. “Good to know,” sabi ko, bahagyang inaangat ang kilay. “Siguro nga, minsan may mga bagay na nakukuha hindi sa pwersa, kundi sa tamis ng salita.” Napahinto si Mr. Salmonte sa pag-aayos ng kanyang cufflinks. “What do you mean by that, Mr. Harris?” Lumapit ako nang kaunti. Ang malamig na hangin mula sa aircon ay parang sumabay sa bigat ng mga salitang bibitawan ko. “Simple lang, sir,” sabi ko, kalmadong-kalmado. “Kahapon, hinatid ko sa inyo si Aira.” Nakita kong bahagyang nanikip ang panga niya, pero hindi siya nagsalita. “Half of her time sa inyo,” tuloy ko, “and the other half... sa akin.” Tumikhim siya, pilit na pinapanatiling mahinahon ang tono. “At ano naman ang ibig mong sabihin niyan, Mr. Harris?” Ngumisi ako, hindi na nagkunwaring inosente. “Ang ibig kong sabihin, sir, hindi ako nagbibiro. Gusto ko si Aira. Hindi lang bilang empleyado. Gusto ko siya, bilang babae.” Bahagya kong tinigasan ang boses, sadyang mabagal, parang sinasadyang iparamdam ang bawat salita. “At kung papayagan ng pagkakataon, gusto kong maging girlfriend ko siya.” Tiningnan ko si Mr. Salmonte sa mata, walang iwas, walang takot. “Alam kong anak ninyo siya, at oo, alam kong hindi madali ‘yon. Pero hindi ako lalapit kung hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.” Ilang segundo pa bago siya tumawa—mababa, kalmado, pero may halong tuwa. “Matagal na kitang hinahangaan, Mr. Harris,” sabi niya. “Kaya nga kahit noong bata ka pa, napag-usapan na namin ng Mommy at Daddy mo na sana, balang araw, ipakilala kita kay Aira. Gusto rin namin noon na kayo ang magkatuluyan.” Bahagya siyang ngumiti, parang natatawa sa tadhana. “Pero tingnan mo nga naman... hindi na pala namin kailangang gumawa ng paraan. Ang tadhana na mismo ang naglapit sa inyong dalawa.” Ngumiti ako, marahang tumango. “Siguro nga, sir,” sagot ko, pinipigil ang sariling ngisi. Sa loob-loob ko, parang may pumasok na apoy sa dibdib ko. Isang tahimik na tagumpay. Hindi na kailangang ipilit ang plano; kusa na itong bumubuo sa harap ko. At habang nakatingin ako kay Abraham, alam kong isang hakbang na lang at tuluyan nang magsisimula ang pagbagsak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD