CHAPTER 12
Aira
Lumipas ang ilang oras ng biyahe, at habang natutulog ako, ramdam kong inilagay ni Sir Rick ang blanket sa ibabaw ko. Pagdilat ko nang bahagya, nakita ko siyang nakatingin lang sa bintana at seryoso ang mukha.
Ang mga mata niya, parang may lalim na hindi ko maabot. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero may kakaibang init sa puso ko habang pinagmamasdan siya.
Biglang lumingon siya sa akin. “You’re staring,” sabi niya, bahagyang nakangiti.
“Ano? Hindi ah!”
“Caught you,” sabi niya, sabay ngiti. “Okay lang. I like it when you look at me.”
“Ang kapal mo,” sabi ko, sabay turo sa kanya. “Matulog ka na nga.”
“Hindi ako makatulog. Baka pagising ko, ibang seatmate ko na,” sabi niya habang nakangiti.
“Hindi mangyayari ‘yon,” sagot ko, sabay talikod. Pero hindi ko napigilang ngumiti.
Bago pa pumikit muli ang mga mata ko, naramdaman ko ang kamay ni Rick na dahan-dahang humawak sa kamay ko. Mainit, mahigpit, at may kung anong kuryenteng dumaloy sa balat ko. Napalingon ako sa kanya, nagtataka kung bakit bigla niyang ginawa ‘yon.
“Sir Rick?” mahina kong sabi, halos pabulong. “Anong ginagawa mo?”
Hindi siya agad sumagot. Sa halip, marahan niyang hinila ang kamay ko papalapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang init ng kanyang braso. Bago ko pa mapigilan, ipinasandal niya ako sa balikat niya.
“Hoy!” napataas ang boses ko ng kaunti. “Ano ba ‘to?”
“Relax,” bulong niya, mababa at malambing ang tono. “Magkasintahan na tayo, ‘di ba? Huwag ka nang mailang sa akin.”
Napapikit ako sandali, pilit pinipigilan ang sarili kong hindi mapahinga nang malalim. “Magkasintahan?” inulit ko, napairap. “Saan banda, Sir Rick? Sa imagination mo?”
Narinig ko ang mahina niyang tawa—‘yong tipong nakakainis pero sabay nakakakilig. “Huwag ka na ngang umangal,” sabi niya. “Baka isipin ng mga tao sa paligid, nag-aaway tayong magkasintahan.”
“Eh kasi naman—” napabuntong-hininga ako, pero hindi ko na rin inalis ang ulo ko sa balikat niya. Wala akong choice; nakakahiya rin kung makipagtalo pa ako sa gitna ng eroplano.
Maya-maya, naramdaman ko ang banayad niyang pag-adjust ng posisyon. Mas hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko, habang ‘yong hinlalaki niya ay parang sinasadya pang iguhit sa balat ko, marahan, pero sapat para manginig ang dibdib ko.
Hindi ako mapakali. “Sir Rick, seryoso ka ba talaga sa mga pinagsasabi mo?” tanong ko, hindi na makatiis. “O trip mo lang akong asarin habang nasa flight tayo?”
Lumingon siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. ‘Yong tipo ng tingin na matagal bago mo maiwasang ibaling. “Mukha ba akong nagbibiro, Aira?” tanong niya, mababa ang boses. “Masama ba ako sa unang tingin mo?”
Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
Ngumiti siya, pero hindi ‘yong pa-cute na ngiti. Sincere. “Kasi sa unang tingin ko pa lang sa’yo,” sabi niya, “nahulog na ako.”
Parang naputol ang hinga ko. Ang sarap naman sa pakiramdam na may boss akong gwapo, mayaman, at nagpapahayag sa akin ng ganito. Pakiramdam ko tuloy, napakahaba ng buhok ko.
Sandali akong natigilan, parang may mainit na hangin na dumaloy sa loob ng dibdib ko. “Ha?” tanging nasabi ko, pilit pinipigilan ang pag-init ng pisngi ko. “Sir Rick, huwag mo akong lokohin. Kung nahulog ka talaga, bakit noong unang araw pa lang, pinahirapan mo na agad ako? Pinatimpla mo ako ng juice na halos sampung beses mong pinabalik, tapos kinabukasan inutusan mo pa akong bumili ng sabaw!”
Tumaas ang isang kilay ko habang nagsasalita, pero siya? Nakangiti lang.
“Test lang ‘yon,” sagot niya, hindi nawawala ang ngiti. “Gusto ko lang makita kung matiyaga ka.”
“Test?” Umirap ako. “Ano ‘to, interview?”
“Hindi,” natawa siya. “Gusto ko lang malaman kung ‘yong babaeng unang nagpatibok sa puso ko, marunong bang magtiis. At alam mo? Pasado ka.”
Namilog ang mga mata ko. “Pasado?”
Tumango siya. “Oo. Wala kang reklamo kahit pa pinabalik-balik kita. Wala kang irap, wala kang sungit. Kaya ayon, lalo lang akong nahulog.”
Napapailing ako pero hindi ko rin mapigilan ang ngiti ko. “Ang dami mo talagang drama sa buhay mo, Sir Rick.”
“Drama?” ngumiti siya. “Eh kung gusto mo, gawin na nating totoo. Ako ang leading man mo.”
“Sus! Sa panaginip mo,” natatawa kong sabi.
Pero kahit pa inirapan ko siya, ramdam kong mabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa hangin ng eroplano o dahil sa sobrang lapit namin.
Tahimik kaming dalawa habang lumilipad ang eroplano. Sa tabi ko, nakasandal ako sa balikat niya, at habang tinitingnan ko ang mga ulap sa labas, ramdam kong unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Para bang kahit sandali, nakalimutan ko lahat ng iniwan kong problema sa Canada.
Paminsan-minsan, maririnig ko ang mahinang pagtawa ni Rick habang tinitingnan ako.
“Ano?” tanong ko. “Bakit ka nakangiti?”
“Wala,” sabi niya, sabay tingin muli sa harap. “Ang tahimik mo lang. Hindi ako sanay.”
“Eh gusto mo ba ‘yong lagi akong nakikipagsigawan sa’yo?”
Ngumisi siya. “Actually, medyo nakakatuwa rin kapag nagagalit ka. Kasi kapag galit ka, mas lumalabas ‘yong totoo mong itsura.”
“Wow,” sabi ko, sabay irap. “So pangit ako pag galit?”
Umiling siya. “Hindi. Mas totoo ka lang. Mas gusto ko ‘yon. Ang ganda mo, Aira.”
Napayuko ako, hindi ko alam kung paano tatakpan ang ngiti ko. Ang dami niyang sinasabi, pero bawat salita niya parang may bigat, parang may gustong ipahiwatig na mas malalim pa.
***
Lumipas ang ilang oras, naramdaman ko na ang pagbaba ng eroplano. “Ladies and gentlemen-” sabi ng flight attendant sa intercom. “We will be landing in a few minutes.”
Mabilis kong inayos ang seatbelt ko, pero si Rick, kalmado lang.
“Excited ka?” tanong niya.
“Medyo,” sagot ko. “Pero kinakabahan din. Bago lahat sa akin ‘to.”
“Don’t worry,” bulong niya. “Andito naman ako.”
Simple lang ‘yong sinabi niya, pero ewan ko kung bakit parang lumambot ang puso ko.
Paglapag ng eroplano, nagpalakpakan ang mga pasahero. Tumayo kami, kinuha ko ang bag ko, pero bago pa ako makagalaw, hinawakan na naman ni Rick ang kamay ko.
“Sir?” bulong ko, nag-aalangan.
“Crowded dito mamaya,” sabi niya. “Baka mawala ka.”
“Hindi naman ako bata.”
“Alam ko. Pero gusto ko pa rin hawakan ‘tong kamay mo.”
Napatingin ako sa kanya. Tapos ngumiti siya, ‘yong ngiti na parang sinadya para lang sa akin.
Wala akong nasabi. Hinayaan ko lang.
Pagbaba namin ng eroplano, sinalubong kami ng malamig na hangin ng air-conditioning sa arrival area. Maraming tao, iba’t ibang lahi—may mga nagmamadali, may mga natutulog sa gilid. Pero sa gitna ng lahat ng ‘yon, parang kami lang ni Rick ang gumagalaw nang mabagal.
Habang naglalakad kami sa hallway, naramdaman ko ulit ang kamay niyang nakahawak sa likod ko, marahan, protektado.
“Baka madulas ka,” sabi niya, sabay abot ng kamay ko para alalayan ako habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng airport.
“Ha? Teka, hindi naman madulas dito ah,” sagot ko, napatingin sa sahig na makintab at tuyo. “Tingnan mo nga, walang kahit anong basa.”
“Wala lang,” sagot niya, sabay ngisi. “Gusto ko lang sabihin.”
Napakunot-noo ako. “Ang weird mo.”
Pero bago pa ako makasagot ulit, bigla siyang ngumiti nang may kasamang kindat—‘yong tipong sinadyang dahan-dahan, parang may gustong ipahiwatig na hindi niya masabi nang diretso.
Napailing ako, pero hindi ko mapigilan ang pagtawa. “Ang kulit mo talaga,” sabi ko, sabay pilit na tinanggal ang kamay kong hawak niya. Pero imbes na bitawan, mas hinigpitan pa niya ang kapit.
“Admit it,” sabi niya, bahagyang yumuko para tumingin nang diretso sa mga mata ko. “Mami-miss mo rin ‘tong kulit ko.”
“Tss.” Umirap ako, pero naramdaman kong umiinit ang pisngi ko. “Hindi, noh.”
“Hindi raw,” aniya.
Ngumiti siya, ‘yong pamilyar na ngiti niyang may halong yabang at lambing. Lumapit pa siya nang bahagya, halos magkadikit na ang braso namin habang patuloy kaming naglalakad. “Eh bakit nakangiti ka?” pang-asar niya sa akin.
“Hindi ako nakangiti,” mabilis kong sagot, sabay iwas ng tingin.
“Talaga?” bulong niya sa tenga ko, mababa at may halong tawa. “Kasi mula kanina, ngiting-ngiti ka na.”
Ramdam ko ang mainit niyang hininga malapit sa balat ko, dahilan para mapahawak ako bigla sa dibdib ko, parang gusto kong pigilan ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
“Sir Rick,” sabi ko, halos paungol na. “Ang lapit mo na.”
“Eh kasi mabagal ka maglakad,” pang-aasar niya. “Baka maiiwan tayo, ayaw mo naman sigurong mapahiya ‘yong ‘boyfriend’ mo sa likod, ‘di ba?”
Napatingin ako sa kanya, sabay turo sa sarili ko. “Ikaw ‘yong nagsabing magkasintahan tayo, hindi ako.”
“Eh ‘di sige,” sagot niya, nakangisi pa rin. “Kung ayaw mong umamin, ako na lang. Ako na lang ‘tong aamin na miss na miss kita kahit kakasama pa lang natin buong araw.”
Natawa ako, kahit pilit kong itinatago. “Grabe ka talaga. Hindi ka ba napapagod kaka-flirt?”
“Hindi,” sabi niya, diretso ang tingin sa akin. “Lalo na kapag ikaw ‘yong kausap ko.”
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin, ang umirap ba o ang tumawa. Pero sa totoo lang, sa loob-loob ko, kinikilig ako.
Hindi ko alam kung anong meron sa paraan ng pagsasalita ni Rick, pero bawat biro niya parang may halong lambing na totoo—‘yong hindi mo alam kung biro lang o may ibig sabihin.
At habang naglalakad kami sa gitna ng malamig na hangin ng airport, magkahawak ang kamay namin, ramdam ko ‘yong kakaibang ginhawa sa tabi niya. Parang kahit saan kami magpunta, basta hawak niya ako, ligtas ako.
“Alam mo, sweetheart, miss na miss talaga kita,” mahina niyang sabi, halos pabulong lang pero sapat para marinig ko kahit sa ingay ng paligid.
Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya, pero may kung anong lalim sa mga mata niya, ‘yong tipong parang natatakot akong tumingin nang matagal dahil baka mahulog ako ulit o baka nga, nahulog na naman ako.
“Hindi mo naman ako matagal na hindi nakita. Dalawang araw nga lang tayo hindi nagkita, Sir,” sagot ko, pilit na tinatawanan ang kaba sa dibdib.
“Pero na-miss pa rin kita,” balik niya, sabay pisil ng kamay ko. “Alam mo bang sa dami ng lugar na napuntahan ko, wala ni isa ro’n ang kasing ganda ng ngiti mo?”
Napairap ako, pero hindi ko napigilang mapangiti rin. “Corny mo pa rin.”
“Corny pero effective,” sabi niya, sabay taas ng kilay, tapos tumawa. ‘Yong tawang gustong-gusto ko, malambing, parang nakakahawa.
Habang naglalakad kami papunta sa exit, inabot niya ang carry-on ko kahit ilang beses kong sinabing kaya ko. Pero pinilit niya pa rin kunin iyon sa akin.
“Sir Rick, kaya ko naman—”
“Alam ko,” sabat niya, sabay ngiti. “Pero gusto ko pa ring tulungan ka.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Ganito talaga siya palaging makulit, pero sa totoo lang, nakakagaan din sa pakiramdam ‘yong may nag-aasikaso.
Paglabas namin ng airport, sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Medyo madilim na, kaya mas lalo kong na-appreciate ‘yong init ng kamay niyang hindi bumibitaw sa akin. May mga taxi na nakapila sa labas, at agad siyang lumapit sa isa. Binuksan niya ang pinto para sa akin.
“Ladies first,” aniya, may bahagyang ngiti sa labi.
Umupo ako sa loob ng taxi, at sumunod siya. Tahimik muna kaming dalawa habang umaandar ang sasakyan. Ramdam ko ‘yong pagod sa biyahe, pero sa bawat sulyap ko sa kanya, parang nawawala ang patod ko. Nakatingin lang siya sa labas, seryoso ang mukha, pero paminsan-minsan ay napapatingin sa akin at ngumingiti.
“Okay ka lang?” tanong niya nang mapansin yatang tahimik ako.
“Okay naman,” sagot ko, pilit na ngumiti. “Medyo pagod lang siguro.”
“Matulog ka muna habang nasa biyahe tayo,” sabi niya, malambing ang boses.
Tumango ako. Isinandal ko ang likod ko sa upuan at ipinikit ko ang aking mga mata.
Pagdating namin sa hotel, agad siyang lumapit sa reception counter. Habang nag-aasikaso siya ng check-in, tumingin ako sa paligid. Malaki at elegante ang lobby, may chandelier sa gitna at mabangong amoy ng vanilla sa hangin. Mukhang mamahalin.
Maya-maya, bumalik siya sa tabi ko, hawak ang dalawang room key card. “Okay na. Tara na sa taas,” sabi niya.
Sumakay kami ng elevator, at tahimik lang kaming dalawa. Nang bumukas ang pinto sa floor namin, nauna siyang lumabas at hinila ang maleta ko. Huminto siya sa harap ng isang pinto at binuksan iyon gamit ang key card.
Pagpasok namin, agad kong napansin na iisa lang ang kama. Malaki nga, pero halatang isang silid lang ito.
Napakunot-noo ako. “Sir, akala ko dalawang room ang binook natin?”
Napakamot siya sa batok, mukhang naiilang. “Dapat nga dalawa,” sabi niya. “Kaso sabi sa front desk, nagka-problema raw sa system. Na-double book ‘yong isa, kaya ito na lang ang available.”
“Ha? So, wala nang bakante?”
“Wala na raw kahit isang room. Fully booked dahil may convention bukas.”
Napatitig ako sa kama, tapos sa kanya. “So… ibig sabihin, dito tayo pareho matutulog?”
Tumango siya, sabay ngiti. ‘Yong pilyong ngiti na parang may alam na hindi ko alam. “Malaki naman ‘yong kama, Aira. Tsaka, magkasintahan naman tayo, ‘di ba?”
Namilog ang mata ko. “Sir!”
Tumawa siya nang mahina. “Ano ka ba, hindi ko naman sinasabing may mangyayari. Gusto ko lang sabihin na safe ka sa akin. Wala akong gagawin na hindi mo gusto, okay?”
Napakagat ako sa labi. Sa totoo lang, wala naman akong tiwala na sa sarili ko dahil kilala ko ang sarili ko. Kahit simpleng ngiti lang ni Rick, natutunaw na ako. Paano pa kung magkasama kami sa iisang kwarto?
“Pero kung gusto mo, pwede naman akong sa sofa matulog,” dagdag niya, nakangiti pa rin.
Umiling ako. “Hindi na. Malaki nga naman ‘yong kama,” sagot ko, kahit halatang nag-aalangan pa rin. “Wala rin namang masama, sabi mo nga.”
“Good,” sabi niya, sabay lapit ng konti. “At least, pareho tayong komportable.”
Binitiwan niya ang maleta sa tabi at naglakad papunta sa bintana. Binuksan niya ang kurtina, at agad pumasok ang ilaw ng city lights. “Ang ganda, oh,” sabi niya.
Lumapit din ako at tumayo sa tabi niya. Mula sa taas, tanaw ang mga ilaw ng siyudad, kumikislap sa gabi.
“Gusto ko talaga makasama kang ganito,” mahina niyang sabi, halos pabulong lang.
“Sir Rick,” hindi ko naituloy. Hindi ko alam kung anong sasabihin.
Ngumiti siya, tapos tumingin sa akin. “Don’t worry. Hindi ko sisirain ‘yong tiwalang binibigay mo sa akin ngayon. Promise.”
At sa paraan ng pagkakasabi niya no’n, simple, kalmado, totoo at parang gusto kong maniwala.