Episode 18

2503 Words
CHAPTER 18 Aira Hindi ko alam kung paano ako humihinga. Ramdam ko pa rin ang init ng mga labi niya sa balat ko, parang naiwan doon ang marka niya kahit hindi na siya nakadikit. Parang lahat ng ginagawa niya ay may sariling bigat, sariling ibig sabihin, at hindi ko maintindihan kung bakit parang kaya niyang kontrolin ang buong katawan ko… pati isip ko. Nanginginig pa rin ako, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa paraan ng pag-angkin niya sa akin. Para bang kaya niyang basahin bawat hiya, bawat kaba, bawat maliit na pag-angat ng dibdib ko sa bawat paghinga. “Rick…” mahina kong tawag, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Nakatukod siya sa magkabilang gilid ko, nakayuko, pero hindi ko makita nang buo ang mukha niya dahil sobrang lapit niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko. Para akong natutunaw, pero hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o matuwa. O pareho. Katatapos niya lang tanggalin ang p*********i niya na nakabaon kanina sa amin. Pakiramdam ko nawasak ang p*********i ko. Hindi ko pa naranasan ang ganito. At ngayon ko lang natikman ang ganito. Ang pinaghalong sakit at sarap na hindi maipaliwanag. Pero bakit ang katawan ko, parang alam kung ano ang gusto? Huminga siya nang malalim, at nakita ko ang bahagyang pagnipis ng mga mata niya—yung tingin na parang may ipinapangako, kahit hindi pa niya sinasabi. “Sweetheart… look at me,” bulong niya. Dahan-dahan akong tumingin pataas. At doon ako lalo pang kinabahan. May kung anong lambing sa mata niya, pero may kakaiba ring intensity na hindi ko maipaliwanag. “Natakot ka ba?” tanong niya, mababa ang boses. Umiling ako, kahit hindi ko sigurado. Hindi ako natatakot… pero natatakot ako sa nararamdaman ko. “Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo,” sabi niya. “I want you to enjoy everything… pero ikaw pa rin ang masusunod, sweetheart.” Napapikit ako. Bakit ganito? Bakit parang gusto kong paniwalaan lahat ng sinasabi niya? “Rick… first time ko ’to,” bulong ko, ramdam kong umiinit ang pisngi ko. Tumigil siya. Totoong tumigil. At parang huminga siya nang mas malalim, parang may biglang lumambot sa loob niya. “I know,” sagot niya, halos pabulong. “Kaya nga dahan-dahan ako. I don’t want to hurt you.” Dahan-dahan pa ba ''yon? Halos umuga nga ang buong kama. At halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Ang totoo… hindi lang katawan ko ang kinakabahan. Pati puso ko. Hindi ko alam kung anong klaseng tao si Rick talaga. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sa akin. Isang hamak lang naman akong empleyado. Hindi ko alam kung bakit parang may ibang mundo sa pagitan namin ngayong dalawa lang kami. Pero sa tuwing hinahawakan niya ako at hinahaplos ang katawan ko hindi ako makahinga. Hinaplos niya ang braso ko, marahan lang, pero sapat para mapakapit ako sa kumot. “Relax,” bulong niya, “just trust me. I got you.” Trust. Napakabigat ng salitang yun. Kaya ko ba? Kanina ng inangkin niya ako, ang sabi niya saglit lang ang sakit, pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Pinilit kong umayos ng higa, at nang dumikit muli ang kamay niya sa bewang ko para tulungan akong gumalaw, parang may dumaloy na kuryente mula sa balat ko hanggang sa dibdib ko. “Rick…” bulong ko, “ang bilis ng t***k ng puso ko.” Napangiti siya ng konti. “Good. I want you to feel everything.” Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ‘yon—’yong bigyan ako ng hiya, pero sabay may kasamang tuwa at kilig at kaba. Parang… parang siya ang unang taong nagparamdam sa akin na babae talaga ako. Hindi batang takot. Hindi babaeng inosente. Babaeng may nararamdaman at ipinaramdam niya sa ajin na tunay na babae ako. Pinisil niya ang kamay ko. “Aira… if anything feels too much, tell me. Okay?” Tumango ako. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, yumuko siya at hinalikan ako sa noo. Hindi sa labi. Hindi sa leegm kundi sa noo. At doon ako tuluyang natigilan. Bakit ganun? Bakit mas malakas ang dating ng halik na ‘yon kaysa sa lahat ng ginawa niya kanina? Rick…” mahina kong tawag. Umupo siya at naghihintay sa sasabihin ko. “Bakit?” mahina pero buo ang boses niya. Nag-aatubili pa ako bago ako tuluyang nagsalita. “Nagugutom ako…” Sandaling natahimik si Rick. Tapos, dahan-dahang kumislot ang ngiti sa labi niya—’yong pamilyar na ngiting parang laging may ibig sabihin. “Gutom ka?” tumango ako. Lumapit pa siya nang kaunti, niyakap ang baywang ko. “Mamaya… sisiguraduhin kong busog na busog ka.” Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya, pero ngumiti na lang ako kahit medyo litong-lito. “Ha? Hindi pa naman ako kumakain…” Napailing siya habang natatawa, saka tumayo. Dumiretso sa maliit na table at kinuha ang cellphone. “O-order ako ng pagkain,” sabi niya, habang nagda-dial. Nagkagat labi ako dahil kita ko ang kabuoan niya. Parang nagmamalaki pa ang malaki niyang sandata na nagwasak ng p********e ko. Kaya ang sakit dahil ang lakinpala ng sandata niya. Babangon sana ako para tumulong pero napangiwi ako bigla—may konting kirot na gumapang mula sa pagitan ng hita ko papunta sa bewang. Napakunot ang noo ko. Doon ko lang naramdaman nang buo na may kakaiba sa katawan ko. Paglingon ko, nakita kong may bahagyang mantsa sa puting bedsheet. Parang nanlamig ang kamay ko. “Rick…” halos pabulong ko ulit na tawag sa kanya. “May… dugo.” Agad niyang ibinaba ang cellphone at lumapit sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi rin kabado. Sa halip, mahinahon. Para bang alam na niyang mangyayari iyon. Hinawakan niya ang kamay ko. Mainit. Nakakagaan ng dibdib. “Sweetheart,” bulong niya, malumanay. “Normal lang ’yan.” “Pero—” “Sweetheart,” putol niya, malambot ang tinig pero may diin. “First time mo mabembang. Natural lang na medyo maakit at may kaunting dugo. Huwag kang matakot.” Napayuko ako, hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa sa sarili ko. Para akong batang hindi sigurado kung maiiyak ba o matatawa. Pero ang totoo? Mas kinabahan ako sa kung ano ang iisipin niya sa’kin. Saka hindi medyo masakit iyon kundi masakit talaga. Tumingala ako—nagbabakasakaling makita ko sa mga mata niya kung okay lang ba talaga. At oo. Nandoon ang katiyakan. Walang panghuhusga. Walang pagsisisi. Umupo siya sa tabi ko ulit at dahan-dahang inayos ang kumot sa hita ko, maingat na parang natatakot akong masaktan. “Magpahinga ka muna,” mahina pero may lambing na sabi niya. “Ako na ang bahala sa lahat. Mamaya ulitin natin ang ginawa natin. Siguraduhin ko, hindi ka na makakaramdam ng sakit—kundi puro saya na lang.” Hindi ko alam kung bakit, pero para akong biglang kinabig ng kung anong emosyon sa dibdib. Masakit, pero masarap. Nakakakaba, pero ang sarap sa pakiramdam. Pero kasabay noon may kakaibang takot na gumapang sa isip ko. “Rick…” mahina kong tawag. Umupo siya sa tabi ko, nakatingin — iyong tingin na parang sadyang nagpapakaba sa sino mang makakasalo niyon. “Hmm?” “B-baka… masakit pa rin,” bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili. “Hindi pa ako sanay. Hindi ko alam kung kakayanin ko.” Hindi siya nagsalita agad. Imbes, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko, saka marahang hinaplos ang likod ng palad ko. Walang halong presyur. Walang panggigigil. Marahan lang. Warm. Nakakakalma. “Hindi kita pipilitin,” mahinahon niyang sabi. “At hindi rin natin kailangang madaliin. Pero Aira…” kumislap ang mata niya, “kapag ako ang humawak sa’yo, siguradong hindi ka masasaktan.” May kung anong kiliting nanuyo sa lalamunan ko. Pinilit kong tumingin sa kanya — pero ang hirap. “Rick…” Ibinalik niya ang tingin sa akin, mabagal, parang may sinasalo siyang mga salita bago pa man lumabas sa labi ko. Hindi na ako nagsalita agad. Para kasing ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko. May kaba. May tuwa. May konting takot. Pero may kung anong paniniwala na parang kusang tumutubo sa dibdib ko — unti-unti, marahan, pero sigurado. “Hmm?” sagot niya, mababa ang tono pero ramdam kong nakatutok ang buong atensyon sa akin. Napalunok ako. Hindi dahil natatakot ako sa kaniya, kundi dahil natatakot akong baka hindi totoo ang lahat ng ito. Baka panaginip lang. Baka magbago pa. Baka mawala rin. “Promise? Hindi na ba masakit? Ang sakit kasi kanina. Natatakot ako,” bulong ko, halos pabulong lang, parang takot na baka kapag masyadong malakas, matunaw ang lahat ng nabuo sa pagitan namin. Sandali siyang natigilan. Tinitigan niya ako—hindi ’yong tingin na sinusukat ka, o naghahanap ng kasinungalingan sa mga mata mo, kundi ’yong tingin na parang gusto niyang makita ang pinakamaliit na detalye ng emosyon mo. Kung takot ka ba. Kung naniniwala ka. Kung handa ka. Ngumiti siya. Pero hindi ’yong mga ngiti niya kanina—hindi ‘yong mayabang, hindi ‘yong mapang-asar, hindi ’yong pilyo. Kundi ’yong ngiting hindi mo mapapansin agad. Tahimik. Malalim. Hindi mapaglaro. Hindi para mang-akit, kundi para magpakalma. Ngiting marunong makinig. Ngiting hindi nagmamadali. Ngiting hindi nanghuhusga. Ngiting may kasamang sagot bago pa man siya nagsalita. “Promise,” tugon niya. Simple lang. Mahina lang. Pero buo. "Pangako. Hindi na kasing sakit kanina, kundi katulad nang kainin ko ang hiyas mo." Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong bumuka sa loob ng dibdib ko. Hindi lang dahil sa mga salita niya — kundi dahil alam kong totoo. Hindi siya nangako para lang patahanin ako. Nangako siya dahil gusto niyang siguruhin… na safe ako sa kanya. Marahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Hindi agresibo. Hindi mapusok. Kalmado. Hinihintay kung tatanggapin ko ang labi niya. Dumampi ang labi niya sa labi ko — una, magaan; tila nangungusap. Walang pagmamadali. Walang intensyon kundi ipadama na kaya niya akong mahalin nang hindi ako binabasag. Mabilis ang t***k ng puso ko. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa kung paanong sa bawat segundo’y mas lalong nagiging totoo ang lahat. Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya, pero hindi siya naging mapusok. Hindi siya nagmadali. Para bang ayaw niyang gulatin ang katawan kong hindi pa sanay — ayaw niyang takutin ang pusong ngayon pa lang natututo. Hanggang sa tumunog ang doorbell. DING DONG. Bigla kaming natigil. Pareho naming tiningnan ang pinto. Nakangiti si Rick. Bitin. Pero hindi frustrated — kundi amused. Napalunok ako. “Delivery,” natatawa niyang bulong. Hindi ko alam kung bakit pero ako mismo ang umiling. “At bakit parang… nabitin ako?” Parehong natigilan ang utak ko at dila ko. SHOOT. Napakagat ako sa labi, napahawak sa unan, at napapikit dahil sa kahihiyan. Pero si Rick? Tumawa. Hindi yong maingay na tawa. Kundi yong mas mahirap tanggihan — mababa, marahan, pero damang-dama ang kilig at tuwa. “You’re unbelievable,” natatawang sabi niya. Tumayo siya, pero bago siya lumayo, marahan niyang hinawakan ang baba ko at pinaharap ulit sa kanya. Hindi ako handa sa sumunod. Dumampi ulit ang labi niya sa labi ko — marahan pero mas sigurado sa una. “Bitin ka?” bulong niya sa mismong labi ko. Hindi ako makapagsalita. Pero ang totoo? Oo. Tumayo siya. Kinuha ang robe, sinuot, saka binuksan ang pinto. Narinig kong pumasok ang trolley table, may mga takip pa ang food trays, may juice, may prutas, at may amoy ng pasta at garlic na biglang nagpaalala sa’kin— Teka. Gutom nga pala ako. Umupo siya sa tabi ko, habang dahan-dahan niyang binubuksan ang mga food container. “Come.” Hindi ako kumilos agad. Parang nawala sa sistema ko kung paano gumalaw nang normal. Umupo siya sa tabi ko, saka siya ang nagsubo sa akin ng unang bite. Hindi ko inasahan ang lasa. Creamy chicken alfredo, may hint ng parmesan, at butter garlic bread sa gilid. “Don’t think too much,” malambing niyang sabi. “Just eat. Then rest. I’ll take care of you.” Hindi ko alam pero para akong biglang nahulog sa kung ano mang kahulugan ng mga salitang 'I’ll take care of you.' Kumain kami. Tahimik sa umpisa. Pero hindi awkward. Kundi payapa. Hanggang ako na ang nagsalita. “Rick…” “Hmm?” “Paano… kung malaman ng mga taga-Ynares? I mean—sa office. Sa HR. Sa staff ng Global Textile. Sa board…” Ngumiti siya. “Hindi nila malalaman,” diretso niyang sagot. “At lalong hindi nila kailangang malaman.” “Pero—” “I’ll protect you. Our relationship is ours. Walang ibang makikialam. Walang makakasira.” Hindi ako nakapagsalita agad. May humigpit na kaba sa dibdib ko. Mas intense kaysa kanina. “Rick, paano kung mahalata nila? Paano kapag nasa office?” Ngumiti siya — this time, may konting pilyo. “Kapag nasa loob ng opisina,” dahan-dahan niyang sabi, “dalawa lang tayo.” Huminga siya nang malalim, saka nagpatuloy— “At kapag dalawa lang tayo...” ngumiti siya nang malalim, “walang bawal. Tayo ang masusunod." Parang biglang nagbago ang simoy ng hangin sa pagitan naming dalawa. Napatitig ako. “Anong ibig mong sabihin?” Tumitig siya pabalik. “Ibig kong sabihin…” saglit siyang natigil, parang nag-iisip kung dapat ba niya sabihin o hindi. “Ibig kong sabihin… Aira, hindi kita nakikita bilang empleyado. Hindi bilang exclusive Assistant ko. Hindi bilang under ng kompanya ko.” Huminto siya. Huminga. Tumingin sa akin — diretso, walang takot. “I see you as the woman I want to marry.” Hindi ko inaasahan ‘yon. Parang biglang nawala ang lasa ng pagkain sa dela ko. “W-what?” “Hindi ko sinasabing ngayon,” mabilis niyang dagdag. “But one day. I will marry you, Aira.” Parang bumagal ang buo kong sistema. Hindi ko alam kung hininga ba ’yung naramdaman kong lumabas sa akin, o emosyon na. “Rick, bakit ako?” kunot noo kong tanong. Tahimik sandali. Saka niya sinabi ang mga salitang hindi ko kailanman inakalang maririnig mula sa isang tulad niya— “Kasi sa dinami-dami ng babaeng nakilala ko…” tumingin siya nang diresto sa akin, “ikaw lang ang hindi takot sa mga mata ko.” “Ikaw lang ang tumingin… hindi kay Rick the CEO, hindi kay Rick the Harris...” Napangiti siya nang bahagya. “ikaw lang ang tanging babaeng tumingin sa’kin—bilang Rick lang.” Hindi ko alam kung paano sasaluhin ang mga salitang ’yon. Pero ang alam ko sa unang pagkakataon — hindi ako natakot sa nararamdaman ko. Hindi ako nagdalawang-isip. Hindi ako tumakbo papalayo. Hindi ko tinakpan ang puso ko. Hindi ko siya tinanggihan. Ang ginawa ko? Naramdaman ko lang na siya na ang lalaki na para sa akin. Hinayaan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hinayaan kong mahalin siya. At sa unang pagkakataon, hinayaan kong magtiwala sa kaniya. Hinayaan kong angkinin niya ako ng buong-buo. At hinayaan ko ang puso ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD