CHAPTER 14
Rick
Maaga pa lang, nagising ako sa tunog ng city sa Riyadh. Tahimik ang hotel suite, pero ramdam ko ang pagka-energetic ng buong araw na naghihintay sa amin. Nakatabi si Aira sa sofa, malakas ang ilaw ng umaga na sumasayad sa kanyang mukha. Napangiti ako sa simpleng eksena—parang ordinaryong araw lang, ngunit alam kong hindi magiging ordinaryo ang takbo ng araw na ito.
Gising na siya kanina pero tuloy na naman siyang nakaidlip sa sofa. Hindi siguro siya nakatulog ng maayos kagabi. Gusto kong subukan kung hanggang saan ang pasensya niya at kung hanggang saan siya hindi bibigay.
Medyo na disappoint ako ng sabihin niya kagabi na may karanasan na siya. Hindi ko alam kung bakit? Pero wala akong pakialam kung may karanasan mo siya o wala. Ang mahalaga sa akin masaktan ko si Abraham Salmonte; ang kanyang ama.
Hindi niya alam, bawat galaw niya ay minamapa ko sa isip ko. Bawat maliit na ngiti, bawat hilab ng kilay—lahat ng iyon ay parang piraso sa puzzle na sinadya kong buuin sa tamang panahon.
Lumapit ako sa kanya. "Sweetheart, gumising ka na. Matulog ka na lang ulit mamaya pagkatapos ng meeting natin."
Gumalaw ang kanyang mga mata at ilang sandali pa nagmulat na ito.
"Aalis na ba tayo?" Tanong niya na parang inaantok pa.
Ngumiti ako at tumango. Pagkatapos ay hinagkan ko siya sa kanyang noo.
“Aalis na ba tayo?” tanong niya na parang inaantok pa, hinahabol ang huling antok sa kanyang mga mata.
Ngumiti ako at tumango. “Oo, pero hindi pa tayo lalayo nang matagal,” sabi ko, dahan-dahan kpng hinahawakan ang kamay niya.
Huminga siya nang malalim, nakangiti sa akin. “Parang ang sarap pa matulog. Lalo na kapag ganito kaganda ang lugar."
“Alam mo, kung puwede lang, hindi na tayo aalis. Gusto ko ikaw lang ang palagi kong kaharap,” sagot ko, malapit sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, at tumango siya habang nakatingin sa akin. “Pero may trabaho tayong kailangang tapusin.”
Napangiti siya nang may halong kilig. “Alam ko, pero kapag ganito kagwapo ang kaharap ko parang ayaw ko na magtrabaho. Parang gusto ko lang din humarap sa'yo.”
Tumawa ako ng mahina. “Talaga? Sa buong buhay mo, ngayon ka lang siguro nakakita ng gwapo na katulad ko."
Ngumiti siya. " Oo, aaminin ko. Ang lakas ng dating mo sa akin. Ang swerte ko naman at may boyfriend akong napakagwapo. Sana huwag mong sirain ang tiwala ko," sagot niya, mahina ngunit puno ng sincerity.
Hinagkan ko siya sa noo, dahan-dahan. “Aira, alam mo ba, na kahit gaano kalaki ang mundo, kahit gaano ka-komplikado ang lahat, ikaw lang ang kailangan ko? Walang makakapalit sa iyo.” Hindi ko alam kung saan galing ang sinabi kong iyon, pero alam ko lahat ng mga sinabi ko hindi para sa kaniya, kundi para sa mahal ko. Si Beverly, siya lang ang babaeng mahal ko. Kahit gaano pa kaganda si Aira, gaano man siya ka-sexy, si Berverly lang ang mahal ko.
Napatingin siya sa akin, huminga nang malalim, at ngumiti. “Sir, este Rick. Alam mo minsan lang ako magmahal. Kung pinaglalaruan mo lang ang damdamin ko, huwag mo na sana ituloy. Ayaw ko kasi masaktan. At kung magmahal ako buong-buo.”
Napangiti ako nang malawak, nagtagumpay ang mga plano ko. Ito ang gusto ko, ang mapaibig ng husto si Aira sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang kamay.
“Mahal talaga kita, Aira. Una pa lang kita nakita alam ko na nabihag mo na ang puso ko. Hayaan mong patunayan ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Sa bawat araw na darating. Ipaparamdam ko sa'yo na wala akong ibang hangad kundi ang makasama ka habang buhay. Makikita mo rin sa bawat kilos at bawat yakap ko sa’yo.”
Habang sinasabi ko iyon si Beverly ang laman ng isip ko.
“Promise?” tanong niya, halatang excited ngunit mahinahon.
“Promise,” sagot ko, sabay hawak sa kaniyang pisngi at dahan-dahan ko siyang niyakap. “Kahit na bawal, kahit may iba pang plano, ikaw ang totoo sa puso ko.”
Huminga siya nang malalim, parang binubuo ang bawat salita sa isip niya. “I love you, Sir Rick, at salamat na lagi mo akong pinaparamdam na mahalaga ako sa’yo.”
“Salamat din sa’yo, Aira, na palaging nandiyan, na totoo at walang pretension. Sa iyo ko lang nararamdaman ang ganitong peace… at kaligayahan,” bulong ko sa kanya, kahit hindi naman para sa kaniya ang lahat kong mga sinsabi.
Ngumiti siya, at ilang sandali kaming nanahimik, hawak-hawak ang kamay, nakatingin sa isa’t isa. Nakikita ko sa mga mata niya ang totoo. Ngunit angbmalas niya dahil si Abraham ang ama niya at siya ang magbabayad ng atraso ng ama niya sa ama ko.
Ilang sandali pa umalis na kami. Ilang minuto angblumipas nakarating kami sa meeting room ng lokal sa Ritadh.
Habang nagmamaniobra kami sa meeting room ng lokal sa Riyadh, sinusunod niya ang bawat instruction na binibigay ko. Nakangiti, nagtatanong, nagmumungkahi—seryoso siya at ang ganda ng aura at ng kumpiyansa na pinapakita niya. Hindi niya alam, sa likod ng bawat ngiti ko, bawat papuri ko ay may tinatagong galit sa pamilya niya. Lalo na sa ama niya.
“Mr. Rick, iniisip po ba ninyo na dapat nating i-prioritize ang solar project over the conventional energy options?” tanong niya, parang genuine na interesado.
Ngumiti ako sa kanya. “Yes, Aira. Ngunit hindi lang efficiency ang tinitingnan natin. Lahat ng option, kailangan ma-evaluate sa long-term impact.”
Ang tono ng boses ko ay kalmado, propesyonal, parang walang ibang motibo. Ngunit sa loob-loob ko, bawat salita ay may nakatagong kahulugan. Ang bawat hakbang namin sa Saudi ay bahagi rin ng strategy ko laban kay Abraham Salmonte. Hindi pa panahon para ipakita iyon kay Aira—hindi siya kailangang makaalam, at mas mahalaga, hindi ko pa rin siya isinasaalang-alang sa planong ito.
Meeting after meeting, pinakita ni Aira ang husay niya. Talagang nai-impress niya ang mga lokal na partners. Ngunit sa likod ng mga ngiti at papuri, alam kong puro acting lang iyon. Hindi niya alam na bawat deal na pinipirmahan namin, bawat presentation na pinapakita, ay may nakatagong layer ng “mask” na pinipilit kong panatilihin.
Pagkatapos ng buong araw ng discussions, negotiations, at contract signings, nakaramdam ako ng kaunting pagod, pero hindi sa trabaho. Ang pagod na iyon ay mula sa pag-iingat, mula sa paghawak ng mga maskara sa harap ni Aira at ng business associates.
“Mr. Rick, lahat po ba ng signatures ay secured na?” tanong ni Aira habang inaayos ang files sa conference table.
Ngumiti ako. “Yes. Everything is in place.”
Tumingin siya sa akin, parang may hinihintay na reaksyon, pero hindi niya alam ang nakatago sa likod ng ngiti ko. “Magaling po, Aira. Thank you for keeping everything organized.”
“Of course, Sir,” sagot niya, at ngumiti ng genuine. Hindi niya alam, sa loob ng puso ko, may nakatagong pasensya, kalmado, at sigla—pero may kasamang galit na nakatago laban kay Abraham.
Pagkatapos naming i-wrap up ang Saudi meetings, nagpunta kami sa Abu Dhabi. Maiksi lang ang biyahe, pero sapat na para makapagmuni-muni ako.
Habang nakaupo sa eroplano, tinitigan ko ang ulap sa labas ng bintana. Tahimik si Aira sa tabi ko, abala sa pag-check ng schedule sa tablet niya. Maayos siyang magtrabaho—metikulosa, walang palya. Pero sa bawat minutong lumilipas, isa lang ang laman ng isip ko: si Beverly.
Ang bawat kilometro papalapit sa Abu Dhabi ay parang countdown—papunta sa gabi na matagal ko nang pinaplano. Gabi ng pag-uwi, hindi sa opisina, kundi sa puso kong matagal nang pagod.
Paglapag ng eroplano, ramdam ko agad ang mainit na simoy ng hangin. Medyo mas malamig kaysa Riyadh, pero may kakaibang amoy, parang halong luxury perfume at city lights.
Sa arrival area, habang abala si Aira sa pag-aasikaso ng mga dokumento para sa business meetings kinabukasan, tinapik ko siya sa balikat.
“Good job today, Aira. You can rest early tonight,” sabi ko.
Nagulat siya nang bahagya. “Sir, hindi na po ako sasama sa dinner meeting?”
Umiling ako, kaswal pero mahinahon. “No need. I’ll handle this one personally.”
Ngumiti siya, medyo may pagtataka pero hindi na nagtanong pa. “Alright, Sir. Have a good evening.”
Tiningnan ko siya, bahagyang nakataas ang kilay. “By the way, Aira…” mahinang paalala, pero halatang may konting tono ng instruction. “When it’s just you and me… don’t call me Sir. Sweetheart or honey—ganyan mo ako tawagin.”
Napangiti siya, medyo namula. “O-okay, Sir… I mean… okay, Rick.”
Ngumiti ako, at dahan-dahan siyang hinagkan sa pisngi—isang mabilis pero malinaw na senyales ng pagkakaintindihan namin. “Good. Magkita na lang tayo sa hotel mamaya,” bulong ko, halatang may halong lambing at anticipation.
Tumango siya at tumalikod na, bitbit ang suitcase niya.
Habang naglalakad siya palayo, ramdam ko ang bahagyang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil sa trabaho. Kundi dahil kay Beverly, siya ang dahilan kung bakit parang may buhay ulit ang bawat gabi ko.
Pagdating ko sa hotel kung saan naka-chick in ang girlfriend ko diretso ako sa kuwarto. Pinatay ko ang ilaw, binuksan ang kurtina, at minasdan ang city lights ng Abu Dhabi. Mga kotseng nagmamadali sa highway, mga building na parang nagkikislapan sa dilim. Huminga ako nang malalim. It’s been months.
Naghilamos ako, nagpalit ng damit, at lumabas ng hotel. Ang venue ay ilang minuto lang ang layo—isang malaking fashion event ng kaibigan kong designer na matagal ko nang sinusuportahan.
Pagdating ko roon, sinalubong ako ng tunog ng music, flash ng cameras, at halimuyak ng perfume na halatang galing sa mga mamahaling bisita.
“Mr. Rick Daryl Harris!” bati ng event organizer, sabay abot ng kamay. “Glad you could make it.”
Ngumiti lang ako. “Wouldn’t miss it for the world.”
At sa gitna ng mga ilaw, ng mga tao, ng ingay at kasuotan, doon ko siya nakita.
Si Beverly.
Nakasuot ng puting gown na may simpleng slit sa gilid, eleganteng tignan kahit walang labis na alahas. Nakatawa siya habang kausap ang ilang models, pero nang magtama ang mga mata namin, huminto ang oras.
“Rick!” sigaw niya, sabay ngiti. ’Yong ngiti na may halong tuwa at lambing, parang ang saya niya nang makita ako.
Lumapit ako. Hindi ko na pinigilan ang sarili kong yakapin siya. Mahigpit. Mainit. Matagal.
“Beverly?” bulong ko, halos hindi marinig sa dami ng tao. “Miss na kita.”
Naramdaman kong huminga siya nang malalim sa dibdib ko bago siya sumagot. “I miss you too, Sweetheart.”
Amoy ko ang paborito niyang pabango. 'Yong floral scent na palaging nagpapaalala sa akin ng unang beses naming nagkita sa isang event sa Italy. At sa sandaling iyon, parang bumalik ako ro’n.
“Alam kong busy ka sa Saudi,” sabi niya, hawak ang kamay ko. “Pero thank you for making time.”
“Alam mo namang kahit gaano ako ka-busy, ikaw ang priority ko,” sagot ko, tinitigan siya sa mata. “Hindi ka kailanman napapalitan.”
Ngumiti siya, 'yong ngiti na hindi mo matutumbasan ng kahit anong halaga. “Mahal kita, Rick.”
At bago ko pa man maisip kung anong sasabihin, hinaplos niya ang pisngi ko, marahan, para bang pinapawi lahat ng stress ng mga nakaraang buwan.
Makalipas ang event, lumabas kami ng venue. Magkahawak-kamay kami habang naglalakad sa kalsada, sa ilalim ng malamig na hangin ng gabi. Sa paligid, may mga ilaw mula sa mga kainan, tawanan ng mga turista, at mga street musician na tumutugtog ng jazz.
Tahimik lang kami sa una. Walang salita. Pero bawat hakbang ay parang musika.
“Rick…” tawag niya, halos pabulong.
“Hmm?”
“Thank you for being… you,” sabi niya, nakatingin sa mga mata ko. “Kahit gaano ka ka-busy, nararamdaman kong andito ka. Hindi mo ako pinaparamdam na pangalawa ako.”
Napangiti ako. “At iyon din ang dahilan kung bakit mahal kita, Sweetheart. You never make me feel like I have to pretend.”
Ngumiti siya, bahagyang ngumuso, at binatukan ako nang marahan sa braso. “Cheesy mo pa rin.”
“Para lang sa’yo.”
Naglakad kami papunta sa hotel, at pagdating doon, umakyat kami sa terrace lounge. May wine, may malamig na hangin, at tanaw ang lungsod na kumikislap sa dilim.
Habang magkatabi kami, nakapatong ang ulo niya sa balikat ko, tahimik lang akong nakatingin sa mga bituin. Sa totoo lang ayaw kong magsinungaling sa kanya. Pero hindi ko rin masisirain ang mga plano ko sa paghihiganti kay Abraham.
“Alam mo,” sabi niya, “minsan naiisip ko, sana ganito na lang palagi. Walang meetings, walang deadlines. Just us.”
Hinawakan ko ang kamay niya. “Kung kaya kong ihinto ang oras, gagawin ko. Para manatili tayo rito—ikaw, ako, at itong katahimikan.”
Natawa siya, marahan. “That’s so you, Mr. Control.”
“Then maybe,” sagot ko, nakangiti, “for tonight, I’ll let go.”
Dumikit ang noo namin. Walang halik, walang kasunod na intensyon. Isang sandaling payapa lang. Ang uri ng gabi na hindi mo kailangang tapusin agad, kasi ramdam mong totoo.
At sa ilalim ng ilaw ng Abu Dhabi, sa gitna ng tahimik na paghinga ni Beverly, alam kong kahit gaano pa kalalim ang galit ko kay Abraham, kahit gaano pa kabigat ang trabahong naghihintay sa akin, may isang bagay na hindi kailanman nagbago, ang pagmamahal ko kay Beverly.