CHAPTER 25 AIRA Hindi ko inasahan na ipa-overtime ako ni Sir Rick gayon. Wala man lang pasabi. Wala man lang pahiwatig. Basta na lang, matapos niyang mag-walk out ng opisina at iwan akong parang lumulutang, bumalik siya para ibagsak sa mesa ko ang isang makapal na folder at malamig na sabi: “Fix these before you go home.” Wala ring “please,” wala ring “thank you.” At ang mas masakit, wala ring tingin. Parang wala ako. Parang kaya niyang dumaan sa tabi ko na hindi ako kasama sa mundo niya. Habang nakaupo ako sa station ko, nakabukas ang folder, naramdaman ko agad ang bigat ng hininga ko. Ganoon pala ‘yon, may mga araw na hindi mo kailangan ng salita para maramdaman mong may mali. Minsan titig lang. Minsan tono lang. Minsan dala-dala na ng hangin. At buong maghapon, ganoon ang tingi

