Chapter 92 Ayesha's POV Dahil na rin sa takot na nararamdaman nila na hindi na rin naman naitatago pa sa kanilang mga mata ay nanatili na lamang silang tahimik. Sa ngayon ay wala pa akong lakas para magsalita kaya sa tingin ko ay matagal-tagal na katahimikan ang mangingibabaw sa amin ngayon. Pare-parehas kaming magpapakiramdaman sa isa't isa dahil sa tingin ko ay wala rin silang plano na magsalita sa ngayon. Mukhang ang tanging nais lang nilang sabihin sa akin ngayon ay ang salitang patawad kaya nang sabihin ko na ayokong makarinig ng ano man na paghingi nila ng tawad ay wala nang iba pa na lumabas sa kanilang bibig. Mas mabuti na rin ang ganito kaysa kulitin nila ako sa mga bagay na hindi ko pa magagawa at mabibigay sa kanila ngayon. Habang nananahimik ako rito sa kama ay inisip ko na

